Phoenix Fuel Masters, aarangkada

0
55
Kasama ni PBA Commissioner Chito Narvasa ang mga napiling rookie ng bawat koponan sa ginanap na Gatorade Rookie Draft na maglalaro sa 43rd Season ng PBA. (MAX FERRER)

PASKONG-Pasko na ang 2017–18 PBA season o ang 43rd season ng pinakamatagal na liga ng basketball sa Asya na Philippine Basketball Association (PBA) dahil magsisimula ito sa Disyembre 17, walong araw bago ang Christmas. May mga bagong manlalaro ang iba’t ibang koponan na napili sa ginanap na Gatorade PBA Rookie Draft ‘17 noong nakaraang Oktubre 29 sa Robinsons Place Manila. Bukod sa mga bagong players, may bago rin sa Phoenix Fuel Masters na tatayo bilang head coach ng prangkisa ng Phoenix Petroleum Philippines, Inc., na pinamamahalaan nina governor Dennis Uy, alt. governor Atty. Raymund Zorilla at team manager, Paolo Bugia.

FUEL MASTERS MAY “ALAS” NA KINUHA bilang head coach ng Fuel Masters si dating Alaska assistant coach Francisco Luis “Louie” Alas. Ang pagtalaga kay Alas ay ipinahayag ilang araw bago ang PBA Rookie Draft. Makakatuwang ni Alas bilang mga assistant coaches sina Topex Robinson (1st Assistant), Justino Pinat, Nic Belasco, Chico Manabat at Caesar Polhen. Si Alas ay dating head coach ng Letran sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 88, at kinilala bilang Coach of the Year noong 1999, habang si Robinson ang kasalukuyang head coach ng Lyceum Pirates sa ginaganap na NCAA Season 93 Men’s Basketball Tournament. Ayon kay Coach Alas, six days a week, for at least 2 hours a day ang praktis ng Fuel Masters sa The Upper Deck Sports Center, Pasig City. “Puspusan ang preparasyon na gagawin namin at more focus on details para paghandaan ang next season ng PBA,” sabi ni Coach Louie. Dagdag pa ni Coach A, tututukan nito ang bawat araw ng praktis upang malaman kung sino-sino ang makapaglalaro ng maayos sa opening ng PBA. Sa mga rookies si Jason Perkins na 4th overall pick ng Phoenix ay bibigyan ng pagkakataon para maging matatag lalo ang team at best choice para sa Fuel Masters dahil magaling maglaro at one of the best sa UAAP si Perkins at posibleng maka-tandem ni Mathew Wright sa laro. Kung mabibigyan ng playing time si Perkins, kasama ang iba pang Fuel Masters asahan na ang magandang standing ng Phoenix sa Season 43 ng PBA.

PHOENIX PETROLEUM PHILIPPINES SA PBA NOONG 2011, ang Phoenix Petroleum Philippines, Inc., ay sponsor ng PBA games, bago mabigyan ng prangkisa noong 2016 na inaprubahan ng PBA Board of Governors sa pamamagitan ng pagbebenta ng prangkisa ng Barako Bull. Dahil dito, agad ding nagbigay ang PBA board ng go-signal sa Phoenix para makapaglaro sa second conference ng liga na Commissioner’s Cup para hindi na maghintay pa ng susunod na season.

FUEL MASTERS, SUMUPORTA SA AFP SOLDIERS BUKOD sa sport, ang Fuel Masters ay mapagkawanggawa rin tulad ng pagbisita ng team sa mga injured Marawi soldiers sa AFP Medical Center  sa Quezon City noong Setyembre 2, kung saan namigay ang mga ito ng special gifts tulad ng ‘Phoenix Supports Our Troops’ t-shirts, jerseys, at basketballs para sa mga sundalo.

MGA PARANGAL NG PHOENIX PETROLEUM Ang kumpanyang Phoenix Petroleum Philippines ay nagwagi kamakailan sa LANDBANK’s Gawad Kaagapay Awards 2017, bilang second place Outstanding Large Corporation II under the non-agri-based category na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City. Kinilala rin si Phoenix Petroleum president and CEO, Dennis Uy bilang 2017 ASEAN Business Awards’ (ABA) Young Entrepreneur of the Year noong Setyembre 6, na ginanap sa Solaire Resort and Casino in Paranaque City.

PHOENIX PHILIPPINES FOUNDATION, MAKAKALIKASAN Makakalikasan ang Phoenix Petroleum, sa pamamagitan ng Phoenix Philippines Foundation, katuwang nito ang Philippine Coast Guard at Philippine Coast Guard Auxiliary, na tagumpay na nagtanim ng 30 artificial reefs sa marine-protected areas ng Barangay Vicente Hizon, Lanang at Barangay Centro Jerome, Agdao, Davao City noong September 30. Maging ang mga Phoenix employees, ay katuwang at nakiisa sa International Coastal Cleanup Day. Ang mga volunteers at organizations ay namulot ng nga mga basura sa paligid ng ilog, beaches, at waterways sa buong bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here