Panaginip tungkol sa bag na naglalaman ng pera

2
178
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Dream Interpretation Isyu # 68

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ng asawa ng pinsan ni Sheila Martinez tungkol sa isang bag na may lamang pera.

Dear Maestro, 

Nanaginip po ang asawa ng pinsan ko ng bag na may lamang pera na P150,000. Ang bag na yon sa panaginip niya ay ibinigay ko raw sa kanya. Sa isip-isip niya raw nang binuksan niya at may laman ngang pera ay baka raw hindi ko alam na may lamang pera ang bag kaya ibinigay ko sa kanya. Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko na ito? 

 

KASAGUTAN:

Sa  makaluma o pang-tradisyunal na kahulugan, dahil ang “bag” ay isang lalagyan ng kung-anu-anong mga abubot, sa sandaling nakapanaginip ng bag, ibig sabihin nito ay may “dalahin o problema kang iniinda sa kasalukuyan.” 

Ngunit, dahil sa panaginip mo ay “pera ang laman ng bag” posibleng kaya ka napanaginip ng ganito ay namumroblema ka sa pera sa mga panahong ito o sa panahong nanaginip ka ng “bag na may lamang pera.” 

Samantala sa  modernong kahulugan o pang-psychology interpretasyon, kapag nanaginip ng “bag” kailangang malaman kung “ano ang laman nito?” Dahil kapag nanaginip ng “bag” ito mismo ay ang lalagyan ng “laman ng iyong damdamin, iniisip o saloobin mo sa kasalukuyan”. Kaya nga kung nanaginip ka at ang laman ng bag ay pera, ibig sabihin, “ang iniisip at buong pagkatao mo sa kasalukuyan ay nakatuon sa mga bagay na pagkakaperahan.”

Dagdag dito, “dahil sa bag itinatago ang mga bagay-bagay”, kapag nanaginip ka ng “bag” ibig sabihin “ikaw ay may bagay na itinatago o pinoprotektahan.”

Posibleng dahil “pera ang laman ng bag” sa iyong panaginip, ito ay nangangahulugang “pera o materyal na bagay ang iyong pinoprotektahan.”

Kung paniniwalaan ang ganitong interpretasyon, maihahakang “karamihan sa mga mayayamang kuripot o makukunat ay nakapapanaginip ng napakaraming pera na nakalagay sa bag.” Na nagpapahiwatig lamang ng ganitong laman ng unconscious self: “Wag na wag ninyong kukuhanin ang perang ito, akin ito!”

Samantala, sinasabi ring kapag nanaginip ng “bag”, depende rin sa “style ng bag”. Kung ang bag ay simple lang, ito ay nagpapahiwatig na“simple lang ang buhay at ang mga iniisip ng nasabing indibidwal na nanaginip ng bag.”

Samantala, kung maburloloy o maraming dekorasyon ang bag, ito ay nagpapahiwatig na “marangya, mayabang, mahilig sa lipunan, pasikat at maangas ang nasabing indibdwal na nanaginip ng bag”.

Samatala suriin naman natin ngayon ang kahulugan ng pera sa panaginip.

Sa  makaluma o pang-tradisyunal na kahulugan ang pera ay nagpapahiwatig ng napipintong kasaganaan na paparating pa lamang. Ibig sabihin kapag nanaginip ka ng pera, aktuwal na sa susunod na mga araw ay posible ngang ikaw ay magkapera.

Dagdag dito, bukod sa kasaganahang pang-materyal, kung ikaw ay isang negosyante at nanaginip ka ng pera, tulad ng nasabi na, ito ay tanda na aangat ang benta at aasenso ang kasalukuyan mong negosyo kaya ikaw ay magkakaroon ng dagdag na kita.

Kung ikaw naman ay may asunto o legal battle na kinakaharap, kapag nanaginip ka ng pera ito ay tanda na sa malapit na hinaharap, maipapanalo mo na ang iyong kaso at magkakapera ka pa.

Kung ikaw naman ay walang asawa, o isang dalaga o isang binata, kapag nanaginip ka ng pera ito ay nagpapahiwatig ng “union” nangangahulugang, malapit na malapit ka ng makapag-asawa at ang pag-aasawang nabanggit ay magdadala sa iyo ng pagyaman at kasaganahang pang-materyal.

Habang kung ikaw naman ang isang lalaki o babae na may asawa na, ang panaginip na pera ay tanda na sa malapit na hinaharap, mabubuntis si misis at ang ipanganganak niyang sanggol ang magdadala ng kasaganaan at malaking yaman sa inyong pamilya.

Samantala sa  modernong kahulugan o pang-psychology interpretasyon, ang pera ay nangangahulugang “power at energy”. Ibig sabihin kung ikaw ay nawalan ng pera sa panaginip, ito ay tanda na sa susunod na mga araw, madi-diminished o mababawasan ang kasiglahan at pagiging aktibo mo sa buhay. Pero sa kabilang banda, kung ikaw naman ay nakapulot ng pera, ibig sabihin sa susunod na mga araw, lalo ka pang sisigla at gaganahan sa anumang bagay na inaatupag o kina-career mo.

Kaya nga  Sheila Martinez, kung ina-apply ang mga interpretasyon tinuran sa itaas sa aktuwal na panaginip mo o panaginip ng asawa ng pinsan mo, na “inabutan mo raw siya ng bag na may lamang pera”, malinaw na kung ganon ang kahulugan ng nasabing panaginip, “ito ay tanda na sa susunod na mga araw, maaaring magka-bonding o magkasama kayo at sa inyong pagsasama, kapwa kayo magiging masigla at masaya, at matapos ng pagba-bonding na iyon, mga ilang araw pa, maaaring 15 days mula ng magkasama kayong dalawa, sa isang hindi inaasahang pangyayari, bigla kayong magkakapera ng malaking halaga.”

2 COMMENTS

  1. sa akin kabaligtaran kapag nanaginip ako ng pera lalo na kung puro barya mas lalo akong nawawalan tapos sasabayan pa ng pangangati ng kaliwa at kanan kong palad paggising ko…binabalewala kn lan, pero maestro me tanong ako bakit po madalas o lagi na lang nangangati ang palad ko kahit ngaun nagtypetype ako nitong message ko medyo nangangati nanmn…..hahaha….minsan hinihiling ko kay god wag na lang nya pangatihin 2 palad ko, hayaan na lang nia kung meron o walang darating d bale na lang basta wag na lang mangati 2 palad ko, negative kc ang dating e…….

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here