Palmistry 16: Mga nabigo sa pag-ibig, makikita sa palad

0
54
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Malalaman ba  kung ang  nakaranas ng kabiguan sa lovelife ang  isang tao?

Gamit ang mga kaalaman sa The Arts and  Science of Palmistry,  makikita ang tunay na larawan ng lovelife ng  isang babae or isang lalaki.

Kadalasan, napakahirap maunawaan ng ating mga karelasyon kaya  nagiging sanhi ito ng  madalas na pag-aaway dahilan para mauwi sa magulo at masalimuot na karanasan. Magkaganunman, kapag   nauunawaan natin ang  ating  karelasyon  sa kung ano ba talaga ang nangyari sa kanyang buhay, nababawasan ang mga hindi kanais-nais na mga  karanasan.

Dahil dito, kailangang  malaman natin kung bakit  mahirap  maunawaan ang ating karelasyon. Ang  kadalasan sanhi nito ay ang naging kabiguan niya sa dating pag-ibig. Sa ganito , mas magiging masaya tayo  dahil alam na natin kung bakit  ganu’n na lang kahirap ang ugali at ipinakikita ng ating karelasyon.

Kapag alam natin na sa kanyang pinagdaanan, na siya ay dumanas ng  mabibigat na kabiguan,  magiging kapansin-pansin ang pangit niyang ugali. Ayaw na kasi niyang mabigo at mawalan ng minamahal.

Sa takot na muling  iwan ng kanyang mahal, sobrang nakakasakal na ang kanyang mga kilos. Siya ay nagiging napakaseloso o napakaselosa dahil nga sa ayaw na niyang mawala ang kanyang minamahal.

Gamit ang  kaalaman sa Palmistry , matutukoy ang taong dumanas ng kabiguan sa lovelife .

Kapag nakakita ng maraming “islands ” o pabilog na pormasyon na  masasabing mga “bubbles” sa The Heart Line, na maitutulad sa isang tanikala o  “chain –like bubbles”  tulad ng nasa may bilog sa larawan siya ay walang pagdududa na  nakaranas ng napakaraming kabiguan sa lovelife.

Muli, kapag nauunawaan natin ang pinagdaanan ng ating  karelasyon maiiwasan ang paghihiwalay at  ang ating lovelife ay  magiging maganda at magkakaroon tayo ng tunay na kaligayahan. Samantala, habang hindi natin nakikita ang tunay na mga dahilan ng  mga ikinikilos ng ating karelasyon, ang mga pangyayari ay  mauuwi sa mga pangit na  karanasan at maari ring mauwi sa mga bagay na maaari nating pagsisihan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here