PALMISTRY 15: : Mga gastador, basahin ninyo ito!

0
148
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sino ang masikap at  aani ng bunga ng kanilang  pinagsikapan? Bukod sa  “the fruit of thy labor” may espesyal na biyaya pa sila mula sa langit na parang bang dagdag pagpapala dahil sa kanilang  pinakitang  pagsisikap.

May mga taong sikap ng sikap at napakinabangan naman ang kanilang pagsisikap pero alam nila  sobrang hirap ang kanilang pinagdaaan  bago sila nagsiyaman.

Dahil dito, sila ang makikitang sobrang mapagpahalaga sa kabuhayan at sobra ring  iniingatan  ang kanilang mga naipundar. Kaya sila ay pinagbibintangan na madamot, kuripot at walang malasakit sa kapwa kahit sa mga kamag-anak at mga kapamilya.

Pero ang sabi, huwag mong husgahan ang kapwa mo dahil sa totoo lang hindi naman alam talaga kung ano ang kanyang pinagdaanan.

Ang mga taong nabanggit  ay  naranasan din nilang pinagdamutan ng kanilang kapwa, at wala sa kanilang  tumulong ng sila ay nasa gipit na kalagayan. Kumbaga, kahit sa’yo mangyari ang ganun kapangit na karanasan, hindi ka rin naman masisisi kung maging madamot ka.

Kung makaranas na kinapos ka  at wala kang malapitan, sa ayaw at sa  gusto mo, matututo kang maging  matipid dahil  wala ka namang  ibang maaasahan  kundi ang sarili mo.

Kung naranasan mo rin na mayroon ka, tapos ay naubos dahil sa pakikisama at pinakisamahan mo’y naubos din ng ikaw ay nangailangan. Kaya, pahalagahan mo ang mga bagay ng nasa iyo na.

Gamit ang The Arts and Science of Palmistry, matutukoy natin kung sinu-sino ang magiging mapagpahalaga sa kanyang kabuhayan at mga ari-arian at kung sino rin ang  taong ibabahagi sa kapwa ang kanilang tinatamasang   grasya o biyaya o kaunlaran at kabuhayan.

Kapag ang Fate Line ay nakitang “nag-iisa”, siya ang taong sobrang mapagpahalaga sa kanyang kabuhayan at mga ari-arian. ( Nasa larawan 1-1)

Kapag bukod sa Fate Line ay may nakita pang ibang guhit na papatayo tulad ng The Line of The Sun ( Nasa larawan  2-2) ibig sabihin ang  taong ito ay  ibabahagi sa kanya ang mga biyaya, pagpapala, mga suwerte at magagandang kapalaran na mapapasakanya.

Sa pagtingin sa mga guhit sa palad hindi mahalaga kung mahaba o sobrang haba ang mga guhit dahil sapat ng may makita kahit maiksi lang na mga guhit na ating pinag-uusapan sa ngayon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here