Pag-inom ng m araming tubig, kumain ngmga pagkaing mayaman sa calcium at iba pa…9 NA PARAAN PARA MAPIGILAN ANG PAGKAKAROON NG MAGKAROON NG KIDNEY STONES, ALAMIN!

0
56

Zaz Carvajal

PhilippineOne health articles are meant for casual reading.Zaz Carvajal is not a medical professional.Please consult your doctor for all medical advice

May siyam na pamamaraan upang maiwasan ang pagkakaroon kidney stones subalit walang siguradong paraan para mapigilan ang kidney stones lalong-lalo na kapag mayroon kayong lahi na mayroong sakit sa bato. Gayunman, huwag ka pa ring mawalan ng pag-asa, tulad nga ng sinabi ko, may paraan para makaiwas kang magkaroon ng kidney stone.

Paano, heto ang ilang tips…

Uminom nang maraming tubig – Ang pag-inom ng maraming tubig araw-araw ay ang the best na paraan upang mapigilan ang kidney stones. Kapag hindi kayo umiinom ng maraming tubig ang inyong urine output ay bumababa. At ang ibig sabihin ng low urine output ay mas concentrated ang inyong urine o ihi at kulang upang ma-dissolve ang urine salts na maging dahilan ng kidney stones. Subukang uminom ng walong baso ng tubig at juice araw-araw, ngunit kung kayo ay may history naman kayo ng “cystine stones” isang klase ng kidney stones din, kinakailangan niyong uminom ng mas maraming tubig.

Kumain ng pagkain na mayaman sa calcium – Ang pinaka-common na klase ng kidney stones ay ang “calcium oxalate stone” dahilan upang lumakas ang paniniwala ng mga tao na dapat iwasan ang pagkain na may calcium, subalit ang hindi nila alam na ang opposite nito ang totoo.Low calcium diets may increase your kidney stone risk and your risk of “osteporosis”. Ang pag-take ng calcium supplements ay pwedeng maging dahilan ng pagkakaroon ng kidney stones, subalit kapag nag-take kayo ng calcium supplements pagkatapos kumain ay makakatulong ito upang maiwasan ang magkaroon ng kidney stones. Low-fat milk, low-fat cheese, and low fat yogurt are all good calcium rich food options.

Bawasan ang pagkain ng maalat – Ang pagkain ng maraming asin ay isa sa dahilan kaya nagkakaroon ng kidney stones, at ayon sa “Urology Care Foundation”, kapag maraming asin sa urine ay pinipigilan calcium sa pag-absorb ng urine sa ating dugo. At kapag high ang urine calcium, ito ay maging dahilan upang magkaroon ng kidney stones.Ang pagkain ng konting asin ay makatutulong upang ma-balance at manatiling mababa ang urine calcium levels.Kapag mababa ang urine calcium ay mababa rin ang dahilan na magkaroon ng kidney stones.Upang maiwasan na maparami ang pag-take natin ng sodium basahing maigi ang mga sumusunod na nakasulat na pagkain.

Mga notorious na pagkain na high in sodium: 

–   chips at crackers

–   canned soups and vegetables

–    condiments

–     mga pagkaing mayroong monosodium glutamate

–     mga pagkaing sodium bicarbonate (baking soda)

Kung gusto natin na magkalasa ang ating pagkain na walang ginagamit na asin,subukan natin ang fresh herbs or a salt-free herbal seasoning blend.

Pagkain ng konting oxalate -rich foods – Ang ibang kidney stones ay nabuo mula sa “oxalate” isang natural compound na matatagpuan sa mga pagkain na sumasabay sa calcium sa urine para mabuo ang kidney stones.Kung iwasan ang pagkain ng mga pagkain na high in oxalate ay makakatulong ito upang maiwasan na mabuo ang kidney stones.

Mga pagkain na high in oxalates: 

Spinach                                

        Chocolate

        Sweet potatoes

        Coffee

        Beets

        Peanuts

        Soy products 

        Wheat brand

Ang oxalate at calcium ay magkasabay sa loob ng ating digestive tract bago makarating sa kidneys, so kapag kayo ay kumain ng high-oxalatefoods at calcium rich foods at the same time ay mas mahirap mabuo ang kidney stones.

Bawasan ang pagkain ng masyadong protein – Mga pagkain na high in animal protein ay mga acidic at pwedeng maging dahilan ng pagtaas ng ating urine acid. Ang pagkakaroon ng high urine acid ay pwedeng maging dahilan na magkaroon ng uric acid at calcium oxalate kidney stones.

Ang mga karneng pwedeng bawasan o pwedeng iwasan:

Beef

Poultry

Fish

Pork

Iwasan ang pag-inom ng Vitamin C supplements – Ang pag-take ng Vitamin C (ascorbic acid0 ay pwedeng maging dahilan na magkaroon ng kidney stones, lalong-lalo na ang ang mga lalaki. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa noong 2013, ang mga lalake na nag-take ng high doses ng Vitamin C supplements ay dumuble ang rason upang magkaroon ng kidney stones.Ngunit, ang mga researchers ay hindi naniniwala na ang Vitamin C na mula sa pagkain ay katulad sa nasabing vitamin c supplements.

Alamin ang mga herbal remedies – Chanca Piedra, ay kilala bilang isang “stone breaker ” at isa itong popular na herbal folk remedy para sa kidney stones.Ang herbal medecine na ito ay sinasabing pumipigil na mabuo ang calcium – oxalate stones.Ito’y pinapaniwalaan din na nababawasan ang size ng kidney stones kung mayroon ng kayong kidney stones.

Paano mapigilan ang kidney stones with medications? 

Sa kabilang dako naman, ang pagbabago ng lifestyle at diet ay pwedeng hindi sapat upang mapigilan ang pagbuo ng kidney stones.Kung mayroon na kayong kidney stones, dapat kausapin ang inyong docor sa inyong prevention plan.

Kausapin ang iyong doktor sa mga gamot na iyong iniinom – Ang pag-inom basta-basta ng mga gamot na hindi nirereseta ng doktor ay pwedeng maging resulta ng kidney stones.

Ito naman ang nasabing mga gamut:

Decongestants

Protense inhibitors

Anticonvulsants

Steroids

Chemotheraphy drugs

Uricosuric drugs

Ang pag-take ng matagal sa mga gamot na ito ay malaki ang tsansa na magkaroon ng kidney stones at kung nag-take naman kayo sa isa sa mga nasabing gamot ay kausapin ninyo ang inyong doktor. Huwag tumigil sa pag inom ng gamot hindi ito sinasabi ng manggagamot at kung huwag din iinom ng gamot kung hindi ito inireseta ng mga doktor.

 

Mga gamot na magiging dahilan para makaiwas ka sa sakit – Kung sa palagay mo ay magkakaroon ka ng kidney stones, may mga gamot para makontrol ang amount ng material na nasa iyong urine.Ang klase ng paggamot na ibibigay ng inyong doKtor ay nag-depende sa tipo ng bato na mayroon ka.

 

 

Halimbawa:

Kung mayroon kang calcium stones, ang thiazide diuretic o phospate ay pwedeng gamot dito.

Kung mayroon kang uric acid stones, ang allupurinol (Zyloprim) ay makakatulong upang mababawasan ang uric acid sa inyong dugo o sa urine

Kung mayroon naman kayong Strutvite stones, long term antibiotics ang pwedeng gamitin o  gamot para dito upang mabawasan ang bacteria na present sa inyong urine o ihi.

Kung mayroon naman kayong Cystine stones capoten (Captopril) ang pwedeng makakatulong na mabawasan ang level ng cystine sa inyong urine. 

Ang pinakapunto nito…

Ang pagkakaroong ng kidney stones ay karaniwan lamang. Wala tayong garantiya na mapipigilan nga ng mga method na ito ang pagkakaroon ng sakit sa baTo subalit mababawasan ang tsansa na magkaroon ka ng sakit sa bato kaya kailangan mong uminom ng maraming tubig at baguhin mo ang iyong pagkain.

Kung ikaw ay mayroong kondisyon na maaaring makapagpataas ng iyong kidney stones kaya ng inflammatory bowel disease,persistant urinary tract infections o obesity, kumausap ka ng mga doktor tungkol sa pamamaraan upang mapababa ang tsansa na magkaroon ka ng kidney stone.

Kung ikaw ay nagkaroon ka na ng kidney stone dati, subukan mo ang mga ito. Kapag nalaman mo kung anong tipo ng bato na nagkaroon ka, alamin ang paraan para maiwasan mo na maulit pa ito.

 

SHARE
Previous articleHoroscope, Nobyembre 3, 2017
Next articleNABUNTIS NG NAMATAY NA BOYFRIEND

PhilippineOne health articles are meant for casual reading. Zaz Carvajal is not a medical professional. Please consult your doctor for all medical advice

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here