Paalam, Isabel Granada (March 3, 1976 – November 4, 2017)

0
152

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Patay na si Isabel Granada! 

Sampung araw na ang nakararaan nang mabulabog ang Pilipinas nang mapabalitang ang 41 taong gulang na actress na si Isabel Granada ay na-comatose sa Doha, Qatar habang nasa business trip. Nagkaroon ng brain hemorrage sanhi ng aneurysm at pagkatapos ay naapektuhan na rin ang puso nito. Gayunman, sa loob ng sampung araw na iyon ay nakipaglaban sa kamatayan si Isabel.  

Ang kuwento ng mister niyang si Arnel Cowley, nagtatawanan at nagbibiruan pa sila ni Isabel ng sabihin nitong, “Ay, nahihilo ako,” at pagkatapos noon ay bigla na lamang itong nag-collapsed. At hindi na nagising pa. Bagamat noong una ay sinasabing stable naman ang lagay nito hindi naman nila ipinagkakaila na nasa kritikal itong kondisyon.  

Inilarawan namn ni Cowley ang kanyang misis na fit and healthy, naglalakad-lakad at nagsu-swimming,kaya tunay na nakabibigla ang pangyayari iyon. Tiyak din na napakahirap sa pamilya ni Isabel na tanggapin ang kanyang maagang kamatayan. Bilang tagahanga naman, masasabi ko na mapalad pa rin tayo at nagkaroon tayo ng pagkakataon na makilala at masaksihan ang talento ng isang Isabel Granada.         

Nakalulungkot man na hindi na madaragdagan ang mga nagawa niyang mai-contribute bilang artista, makabubuting silipin muli natin ang kanyang mga naiambag sa Showbizness.  

2017

Tadhana  (GMA) 

2016

Wansapanataym: Holly & Mau (ABS-CBN)

Imbestigador: Loreta (GMA)

Karelasyon: Trip (GMA)

Maynila: Unrequited love (GMA) 

2014

Pepito Manaloto (GMA)

The Singing Bee (ABS-CBN) 

2013

Got to Believe (ABS-CBN)

Its Showtime (ABS-CBN)

Anna Karenina (GMA) 

2012

Teen Gen (GMA)

Cielo de Angelina (GMA) 

2011

Daldalita (GMA)

Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown (GMA) 

2010

Claudine (GMA)

Panday Kids (GMA) 

 2009

Adik Sa’Yo (GMA)

Zorro (GMA) 

2008

Obra (GMA)

Lalola (GMA)

Sine NovelaKaputol ng Isang Awit (GMA)

Zaido: Pulis Pangkalawakan (GMA) 

2007

Sine NovelaPasan Ko Ang Daigdig (GMA) 

2001-2003

Sa Puso Ko Iingatan Ka (ABS-CBN) 

1997-1998

Ikaw Na Sana (GMA) 

1995

Villa Quintana (GMA) 

1986

That’s Entertainment (GMA) 

Movies 

2016

Fruits N’ Vegetables: Mga Bulakboleros 

2008

Xenoa 2: Clash of the Bloods

Pirates Blood 

2007

Xenoa 

2001

Masikip na Ang Mundo mo Labrador

Halik ng Serina 

2000

Eskort

Anghel de la Guardia 

1999

Hubad sa Ilalim ng Buwan 

1997

Ligaya ang Itawag mo sa Akin 

1993

Maton 

1991

Umiyak Pati Langit 

1990

Shake, Rattle & Roll II 

1986

Bakit Madalas ang Tibok ng Puso 

Hay naku, talagang mahirap magsabi ng paalam sa taong naging bahagi ng ating buhay kaya lang may mga pangyayaring sa ayaw man natin at sa gusto ay kailangan nating tanggapin kaya wala akong masasabi kundi PAALAM, ISABEL GRANADA…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here