NOVEMBER: National Rice Awareness Month (NRAM)

0
25

IPINAGDIRIWANG ang ika-32  anibersaryo ng pagkakatatag ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) na may temang  “Charting the Course of a Rice-Secure Philippines” kasabay ang pagdiriwang ng National Rice Awareness Month (NRAM) ngayong Nobyembre.

Nagsimula na ang DA-PhilRice ngayong Nobyembre para sa pagdiriwang ng National Rice Awareness Month (NRAM) sa pamamagitan ng mga serye ng mga aktibidad para sa mamamayan upang magkaroon ng kaalaman sa pagiging RICEponsible.
Sa temang, Ready? SET rice! RICEponsible Filipinos Save Rice, Eat Healthy, and Try Brown Rice, ang pagdiriwang ngayong taon ng NRAM, ay naghihikayat sa bawat Filipino na kumain ng sapat na kanin at magluto o mag-saing ng brown rice at rice mixes. Ang RICEponsible ay mula sa salitang “Rice and Responsible”.

“The Philippines is still no doubt a rice-loving country. With the various diseases associated to eating too much rice, however, it is imperative to increase Filipinos’ awareness on how to enjoy our rice, the healthy way,” sabi ni Be Riceponsible campaign director Myriam G. Layaoen.
Noong Nobyembre 6, inilunsad ng NRAM sa Liwasang Aurora, Quezon City Memorial Circle, ang pedal-type brown rice mill, technology bulletin, at Si Malakas at Maganda: Colored Rice Exhibition kung saan kaisa si Piolo Pascual kasama ang iba pang tulad niyang rice ambassadors para sa programa.

Nanguna rin ang DA sa Brown Rice Day noong Nobyembre 10 at Rice Mix Day (Nobyembre 17) sa pakikipagtulungan sa Hotel and Restaurant Association of the Philippines.
Bukod dito, inumpisahan na ang #Riceponsible Plate Challenge, isang social media contest na naghihikayat sa mga mamimili na ihapag ang pinakamabuti at balanseng pagkain sa plato, na isasagawa sa buong buwan ng Nobyembre.

Ang isang buwang pagdiriwang ay nagsusulong din ng pagpapakilala unli-rice, philippines, rice,sa iba’t ibang uri ng bigas sa pamamagitan ng Fernando Amorsolo-inspired rice exhibition sa QCX, mula sa Rice Science Museum ng PhilRice. Nagsagawa rin ng brown rice feeding program.

“We encourage the public to be calorie-wise. A Harvard School of Public Health study has reported that the carbohydrate content of a bowl of rice is equivalent to two cans of soft drink. To be healthy, rice should only be 33% of our plate. Instead of white rice, we may want to consider brown and pigmented rice; and eat more corn grits, saba, cassava, and camote,” paliwanag ni Layaoen.

Gaganapin ang Zumba with a rice twist and cultural presentations on rice para sa pagtatapos ng pagdiriwang ng  NRAM sa Nobyembre 24 sa Planas Garden, Quezon City Memorial Circle.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here