Napapanaginipan ang dating asawa ng kinakasama

1
195
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Dream Interpretation Isyu # 65

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Mj Berdan tungkol sa dating asawa ng kanyang kinakasama.

Dear Maestro, 

 Hello po! Tatlong beses ko na po itong napapanaginipan at palaging ganito ang pangyayari. “Aalis daw po kami ng kinakasama ko at may pupuntahan, pero bakit po kaya palaging kasama ang dati niyang asawa?” 

At ang isa pang pinagtataka ko sa panaginip ko ay “Okey naman kaming tatlo at komportable naman kaming magkakasama.” 

 Ang palaging nangyayari ay “pasakay na kami ng kotse namin dahil paalis na kami.” Tatlong beses ng ganon ang panaginip ko. 

Bakit palagi kong kasama ang dati niyang asawa? In real life po ay hiwalay na sila kasi may boyfriend ng Italyano ang dating asawa ng kinakasama ko.  Ano po ba ang ibig sabihin ng aking panaginip? 

 

KASAGUTAN:

Kung may “wish fulfillment dream” o mga panaginip na masasabing katuparan ng ating mga pangarap, ng ating mga pantasya na gustong nating mangyari sa buhay natin sa walking life pero ayaw mangyari, kaya pinangyayari ito ni “unconscious self” sa panaginip, tunay din namang, may roon ding tinatawag na “anxiety dreams” o mga panaginip na nagbibigay sa ating ng sobrang pag-aalala, takot sa future o sa maaaring mangyari, na nag-iiwan ng labis na pagkabahala.

Karaniwan ng nangyayari ang “anxiety dreams” sa panahong may kinakatakutan tayong negatibong pangyayari sa “future”o mga bagay na kinakatakutan ni conscious self  na baka mangyari, pero hindi naman natin maamin sa ating sarili kapag tayo ay gising.

Halimbawa, “kinakatakutan nating iwanan tayo ng ating mahal”, pero dahil ma-ego, ma-pride o mayabang tayo, kapag kakuwentuhan natin ang ating kaibigan, sasabihin pa nga natin, “e, ano ngayon kung iwanan nya ko, e di wow, e di okey lang sa akin, ako ba ang mawawalan, di ba siya? 

Idine-deny natin na takot tayong maiwan, at kunwari ay kaya nating mawala ang isang taong mahal natin, pero “deep inside o sa totoo lang” takot na takot si “unconscious self” na baka nga iwanan tayo.

At dahil dine-deny natin ang katotohanang ito, kapag tayo ay tulog, kusang humuhulagpos sa ating panahinip ang mga bagay na kinakatakutan natin.   

Kaya naman kapag mahimbing ng  natutulog si conscious self,  inilalabas ni “unconscious self” sa pamamagitan ng mga simbolo sa panaginip ang mga bagay na kinababahala, kinatatakutan at mga pinag-aalala natin ng labis sa ating walking life o sa panahong tayo ay gising.

Tulad ng nasabi na Ms. Mj Berdan, ang paulit-ulit na panaginip mong “nakikita mong magkakasama kayo ng kinakasama mo at ng dating asawa niya” ay pangyayaring tagpo kung saan, “in reality ay in good term” naman kayo ng dating asawa ng kinakamasa mo sa ngayon, pero “deep inside”  sa likod ng isip mo o sa likod ni unconscious self mo, ang totoo ay “sobrang natatakot ka na baka muling balikan ng kinakasama mo ang dating asawa at kapag nagkabalikan silang dalawa”, siguradong ikaw ay maiiwang nag-iisa at luhaan.

Dagdag dito dahil nga sa takot, pangamba at alalahaning tinuran, tulad ng naipaliwanag, ito ang nagdudulot ng “anxiety dreams” na paulit-ulit mong napapanaginipan, kung saan, kaibuturan ng iyong pagkatao, kahit alam mong hindi ka naman iiwan ng lalaking kinakasama mo at kahit alam mong hindi na naman babawiin sa iyo ng dati niyang asawa ang lalaking kinakasama mo, ay kung bakit nga lagi ng may takot at alinlangan ka pa rin sa kasalukuyan?”

Kumbaga, sa ngayon hindi pa lubusang napapanatag ang damdamin mo at wala ka pang “peace of mind”. At tulad ng nasabi na, natatakot ka pa ring ikaw ay iwanan ng kinakasama mo at siya ay tuluyang mawala sa iyo.

Pero ganon ba ang mangyayari? Hindi kaya! Dahil tulad ng isang sitwasyon sa iyong panaginip, “paalis na kayo” na nangangahulugang kayong tatlo ay “naka-adjust na sa kasalukuyang sitwasyon” na may boyfriend na ang dating asawa ng kinakasama mo na isang Italyano, habang ikaw naman sa ngayon ang live-in partner ng dati niyang asawa.

Ito ang ibig sabihin ng “paalis na kayo” – tanggap ninyong tatlo ang kasalukuyan ninyong sitwasyon at dahil sa panaginip ay “in good terms nga kayo” , sabi mo nga ay “Okey naman kaming tatlo at komportable naman kaming magkakasama.” – na ibig sabihin lang “bukod sa tanggap ninyo na ang inyo-inyong sitwasyon, kapwa maligaya naman kayong tatlo sa pinili ninyong mga pagpapasya at sa kasalukuyan ninyong tinatahak na landas.”   

Kaya dapat ipayapa o ikampante mo na ang iyong isipan upang tuluyan ng mawala ang “anxiety dreams” na lagi mong napapanaginipan.

Ang mga puwede mong gawin upang magkaroon ka na ng peace of mind ay ang ayusin na ang papeles ng kanilang diborsyo o kaya naman’y magpakasal na kayo ng kinakamasa mo.

Puwede namang magpakasal kayo ng hindi “legal” bagkus kung baga’y walang papeles na pinipirmahan, kung sakaling hindi pa divorce ang status ng kinakasama mo, ay yong nga “magpakasal kayo ng walang papeles na pinipirmahan, bagkus purong seremonyal lang upang magkaroon ka lang ng peace of mind.”

Sa ganoong ritwal,  kahit kayong dalawa ng kinakasmaa mo ay mag-seremonya sa isang silid halimbawang dumating ang anniversary nyo, o kaya’y sa Valentine’s day, ay iyon nga “maggagawa kayo ng isang ritwal o seremonya na kunwari ay ikakasal kayong dalawa” at pagkatapos ay magsayaw at magpakasaya kayo na kunwari ay totoo kayong ikinasal.

Makikita mo, kapag nagawa ninyo ‘yan, mawawala na ang

takot at pangamba sa iyong pagkatao, dahil nga nagawa n’yo na ang “seremonya ng pag-iisang dibdib, ang seremonya ng walang iwanan at ang seremonya ng pang habang buhay ng magsasama at pang habang buhay na pagmamahalan”, tiyak ang magaganap – lilisan na sa iyong panaginip ang ‘anxiety dreams” – makakatulog ka na nang masarap at mahimbing.

1 COMMENT

  1. Hello po Maestro tama po lhat ng cnabi nyo na nag aalala po ako na bka mgkblikan cla kpg pmunta na ng amerika ung knksama ko.. Pero tama rin po ung cnabi nyo na hnd nrin dpat ako mgalala kc nung ngkausap kmi dati ng dating asawa nya ay kinomfirm nya na po sakin na wala na syang planong blikan pa ung kinkasama ko at cnabihan nya po ako na ipanatag ko sarili ko sknya. Pero skbila ng lahat ay nagaalala parin po ako.. Maraming Salamat Po sa pagsagot ng panaginip ko at Salamat din po sa payo ninyo. Godbless po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here