Naguguluhan kung ipaglalaban pa ang ang ex-bf na may iba ng labs

0
22
payo, artikulo, pag-ibig, kabiguan, pagmamahal, paghanga, martir, pag-asa,

Dear Maria,

Mahal na mahal ko ang ex-boyfriend ko pero iba na ang mahal niya ngayon. Tatanggapin ko na lang ba iyon o ipaglalaban ko pa siya dahil sa mahal ko pa siya? — Venice

 

Venice,

Kung iba na naman ang mahal niya, whether you like it or not, tanggapin mo iyon. Ikaw lang din naman kasi ang mahihirapan kung hindi mo gagawin iyon. Ang dapat mong gawin, mag-move on ka. Isipin mo na lang, hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo kaya darating ang araw ay makakakita ka pa ng iba. Saka, isipin mo, kung mag-e-exert ka pa ng effort na ipaglaban siya, baka naman maging kaawa-awa ka lang sa paningin niya.

Huwag mo naman sanang ibaba ang iyong sarili. Mas maigi kung magkakaroon ka ng kahihiyan. Sorry for the word pero kailangan ko itong gamitin dahil makabubuti ito para ikaw ay matauhan. Kung pinaplano mong siya ay ‘ligawan’ dahil magmumukha ka lang katawa-tawa. Saka, sabi mo nga, may mahal na siyang iba. Kungganoon, bakit ka pa magbabakasakali? Gugustuhin mo bang ipamukha pa niya sa’yo na balewala ka na sa kanya?

Venice, kung mahal mo ang ex-boyfriend mo, sana naman ay mahalin mo ang iyong sarili. Alam kong mahirap tanggapin na wala na sa’yo ang mahal mo pero kailangan, eh, dahil iyon ang totoo. Hindi ka na niya mahal. Saka, hindi lang dapat sa lalaki nakatuon ang iyong atensyon. Mas marami pang bagay na dapat kang pagkaabalahan. Tulad na lang ng pag-aaral o pagtatrabaho. Iyon ang mga importanteng bagay na dapat ay pag-ukulan mo ng pansin dahil siguradong magkakaroon ka ng magandang buhay.

O, sana naman ay tumanim na sa utak mo ang sinabi ko, ah. Maraming pang lalaki riyan. Makakatagpo ka pa kaya kalimutan mo na ang ex-boyfriend mo. Huwag mo na pahirapan pa ang iyong sarili. Habang hindi pa siya dumarating pag-aralan mo munang kalimutan ang ex mo. Siyempre, magagawa mo ‘yan kapag lahat ng alaala ninyong dalawa ay kalilimutan mo na. Mas masasaktan ka lang kasi kapag inalala mo pa ang inyong sweet moments. Ang mga bagay na makakapagpaalala sa’yo sa kanya ay ilayo mo na. Hindi kasi iyon makatutulong sa’yo.

Kung talagang mahal mo siya, palalayain mo na siya. Hindi lang sa pisikal na paglalayo, pati rin sa’yong puso’t isipan dahil tinatanggap mo ng may iba na siyang mahal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here