Nagtagumpay nga, nawala naman ang labs

0
23

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Ibig ni Martin na mabigyan niya ng magandang buhay ang babaeng pakakasalan niya kaya naman nagtrabaho siya sa Saudi para mapaghandaan niya ang sandaling magsasabi na siya sa kasintahan niyang si Fely ng, ‘will you marry me?’

Uy, si Katsismosa, kinikilig. Hindi naman kita masisisi. Talaga naman kasing nakakakilig ‘yung eksena na aayain ka na ng kasal ng pinakamamahal mo. Ang problema nga lang, kung aayain mo bang pakasalan ay minamahal ka ng buong puso’t kaluluwa.

Ito kasing si Martin, umalis na lamang na hindi nagpapaalam ng maayos sa kasintahan niyang si Fely. Ang gusto niya kasi ay mabigyan muna ng magandang buhay ang kanyang pamilya bago siya magpakasal. At naniwala siya na kung sasabihin niya kay Fely na mahal na mahal niya ito at gusto niya itong pakasalan sa takdang araw ay baka umasa lang ito. Gusto muna niyang ibigay ang kalayaan nito. Naniniwala naman kasi siyang kung sila ay sila rin sa pagdating ng panahon.

Kaya, kahit masakit, nag-concentrate muna si Martin sa kanyang trabaho. Isa siyang Engineer at naging matagumpay siya. Kaya naman ang lahat ng gusto at kailangan ng kanyang pamilya ay nagawa niyang maibigay. Kaya nga lang, kahit na tambak na suwerte na ang dumating sa kanya, hindi pa rin dahilan iyon para masabi niyang happy na siya. Tanging si Fely lang kasi ang makapagpapaligaya sa kanya kaya sabi niya sa sarili ay ito na ang tamang pagkakataon para ayain niya ito ng kasal. Subalit, paano pa niya magagawa iyon kung kasal na si Fely sa iba.

Ang tanga-tanga mo kasi! Ito ang gusto kong sabihin kay Martin pero hindi ko na iyon winika. Tama ng nasa isipan ko na lang ang mga katagang iyon. Alam ko kasing naghihirap ang kanyang kalooban. Sa palagay ko kasi kung sinabi lang niya ang tunay na nararamdaman noon kay Fely. Kung nagbigay lang siya ng assurance rito na wala siyang ibang mamahalin kundi ito, baka hinintay siya ni Fely. Ngunit, kahit naman na magsisi pa si Martin ay wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Wala ng pagkakataon na magkaroon ito ng forever sa babaeng minamahal nito.

Ah, talagang may pagkakataon na hindi mo talaga makukuha ang pag-ibig at pera ng magkasabay. Iisa lang ang maaari mong piliin. Kahit naman hindi naging masaya ang puso ni Martin, at least, nagawa niyang maitaguyod ang kanyang pamilya. Napasaya pa niya ang kanyang mga magulang at nagawa niyang pagtapusin ang dalawang kapatid. Sa palagay ko’y sapat na dahilan na rin iyon para siya ay mapangiti.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here