MUSIC REVIEW: TITIBO-TIBO BY MOIRA DELA TORRE

0
81

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Ang Himig Handog Love song ay ang taunang patimpalak ng pagsulat at paggawa ng mga bagong awitin na naglalayong buhayin ang Original Pinoy Music ng bansa. At nitong taon ay binigyan nila ng twist ang nasabing patimpalak dahil bukod sa text at online votes ay magpapatalbugan din ang mga interpreter ng mga awiting kasali sa finalist tuwing linggo sa ASAP. Ang kanilang live performance sa ASAP ang pagbabasehan ng sampung porsiyento ng kanilang overall performance. Tatlong interpreter sa bawat linggo ang magpapasiklaban at noong Oktubre 15, 2017 ay sina Janella Salvador, Morisette Amon at Moira Dela Torre.

Ang pinakanakakuha ng atensyon, hindi lamang ng mga judges at maging ng mga manonood ay ang awiting isiunulat ni Libertine Amistoso na inawit ni Moira—ang Titibo-Tibo. Ito ay kwento ng isang babaeng inakalang isa siyang lesbian dahil na rin sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan at kaklase niya noon ngunit hindi inakalang mahuhulog ang loob sa isang lalaki kaya naman umaktong tila isang babae. “Elementary pa lang napapansin na nila. Mga gawi kong parang hindi pambabae e kasi Imbes na Chinese garter laruan ko ay teks at jolens Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki sa amin. Nung ako’y mag-highschool ay napabarkada sa mga bi. Curious na babae na ang hanap din ay babae Sa halip na make-up kit bitbit ko ay gitara tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na t-shirt at faded na lonta .Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla. Natuto ako na magpa-rebond at mag-ahit ng kilay at least once a month. Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala Kahit ako’y titibo-tibo Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa’yo Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan At ang aking pagkababae ay nabubuhayan Na para bang bulaklak na namumukadkad Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang Sikat ng araw-araw mong pag-ibig Sa’king buhay nagpapasarap.” (mylyrics.ph)

Kung pakaiisipin ay tila conversational lamang o ordinaryo ang liriko ng nasabing awitin ngunit dahil na rin sa melody at tono ng kanta, dagdagan pa ng kakaibang boses ni Moira ay tunay ngang nakakatuwa na nakakabighani ang nasabing awitin. Idagdag pa na imbes na gitara ang gamitin ay ukulele ang instrumentong mas binigyang emphasis ng awitin na naging dahilan para bawat tipa sa ukulele ay tila nakikipag-usap sa nakikinig. Napaka-endearing din ng nasabing tema ng awitin dahil madalas na tema ay ang pag-ibig sa pagitan ng babae at lalake o di kaya ay sa dalawang magkapareho ng kasarian. Sa nasabing awitin ay pinaparating ng songwriter kung gaano kalakas ang pwersa at kapangyarihan ng tunay na pag-ibig na maging ang isang titibo-tibo ay kayang baguhin. Ang tono at melody naman ng awitin ay ‘easy on the ears’ kumbaga. Hindi mabigat sa loob at damdamin dahil good vibes at feel good lamang din ito kaya kahit na sino ay gugustuhing pakinggan ang nasabing awitin. Ito ang tipo ng awitin na matapos ng isang buong araw na nakaka-stress at nakaka-depress na trabaho ay gugustuhin mong pakinggan para lamang mabawasan ang bigat ng iyong kalooban. Tila isang mabigat na contender si Moira at ang awiting kanyang ini-interpret sa nalalapit na Himig Handog Finals at tiyak na pakaaabangan pa ng mga tao ang mga susunod na proyektong gagawin ng nasabing singer.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here