MISIS, NALUNGKOT SA IBANG BANSA KAYA NAGHANAP NG IBA

1
84

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Sampung taon na ang nakakaraan ng sabihin ng misis niyang si Donna na pupunta ito sa Malaysia para magtrabaho. Dati na namang nag-u -OFW ang misis niya kaya pumayag na rin siya. Ayaw naman niyang pigilan ito dahil alam niyang magagalit lang ito. Hindi naman kasi ito ang tipo ng babae na magpapaawat.    Hindi pa man nasisimulan ni Mang Jun ang kuwento nakita na niyang may sumungaw na ang luha sa mga mata nito.   Bigla tuloy gumana ang imahinasyon ko, mga Katsismosa.

Kunsabagay, noon pa naman ako may ideya na hiwalay na si Mang Jun sa misis nitong nasa abroad. Siyempre, kinukuwento rin naman ni Madam Rei at Ghing na sa loob ng isang dekada ay hindi na bumalik ng Pilipinas ang misis nito. Imposible naman kasi na walang misis na babalik sa piling nito kung maayos naman ang relasyon ng mga ito. Ngunit, parang pati ang dalawang anak ng mga ito ay kinalimutan na ni Donna.

Akala ko nu’n, ang mga lalaki lang ang manloloko. Maaari rin palang ang babae ang magluko. Ayoko sanang mag-isip ng masama tungkol sa misis o ex-misis ng aking kapit-bahay pero para naman kasing napakaimposible na hindi nagluluko ang misis na parang walang pakialam sa kanyang pamilya. Hanggang isang araw ay mayroong kamag-anak itong si Mang Jun na nagpunta sa Malaysia at nakitang may ibang kasama ang kanyang misis.

Dahil sa pangyayaring iyon ay kinumpronta na ni Mang Jun si Donna. Iyon nga lang sa telepono lang niya iyon nagawa. Sa tingin daw nito ay masyado nang nasukol ang babae kaya naman umamin na rin ito. Ang sabi nito, masyado itong nalungkot kaya kinailangan nitong maghanap ng karamay.

“Hindi ba kayo nagalit?” tanong ko pagkaraan.

Tumingin muna siya sa akin bago sumagot. “Sa tingin mo ba kung magagalit ako, may mangyayari? Wala naman kaya maiging pawalan ko na lang siya.”

“Kasal kayo.”

“Kinalimutan na niyang kasal kami.”

“So, mag-aasawa na kayo ng iba?”

Umiling ito. “Kasal pa rin ako.”

Napalunok ako sa kanyang sinabi. Sa palagay ko kasi, sa kabila ng nalaman nito sa asawa ay ibig pa rin nitong maging tapat sa pinakasalan. Hindi ko tuloy alam kung hahanga ako sa kanya o mapaplastikan. Karamihan kasi sa mga lalaking kilala ko ay parang nagpapalit lang ng brief kung magpalit ng dyowa o misis ngunit sa pagkakatingin ko kay Mang Jun, alam kong hindi siya kabilang sa mga lalaking iyon. Hindi ko lang maiwasan ang makaramdam ng panghihinayang dahil hindi tapat na babae ang kanyang natagpuan.

Life is so unfair

1 COMMENT

  1. Hellopo sir honorario ong.sana po matulungan nyo ako masagot ang aking mga tanong.ako po si GINA EBIDO CADELIÑA.
    EMILIO CADELIÑA po ang asawa ko.
    Iniwan po kmi ng aking asawa 2linggo na nakkalipas.wala kaming kahit anong balita sa kanya.paggising po namin wala na sya.ngunit madalas ko po nappanaginipan na malungkot sya.at minsan po parang bigla may tumatawag sa gate na boses nya.at yung aso nmin alam ko pag membro ng pamilya ang dumadating iba ang kahol nya kaysa ibang tao.mahilig sya magtago dati pag umuuwi galing trabho pero alam ko pag sya ang dumating.sa panaginip ko gusto nya kmi makita ngunit may pumipigil sa kanya.galit na galit ako sa ginawa nyang pagtalikod samin ng mga anak nya.ano po kaya ibig sabihin ng aking panaginip at mga pangitain?pasagot naman po.salamat God bless po sa lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here