Misis na nabugbog dahil nakipagrelasyon sa selosong foreigner

0
47

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Pasensiya na mga ka-tsismosa kung hindi ko mabubuo  ang pangalan ng bida sa istorya natin ngayon. Tsismosa lang naman kasi ako pero hindi ko gusto maging dahilan ng kamatayan ng isang babae. Kahit kasi 40 years old na itong si Myra, parang hindi pa rin niya alam ang tama at mali. Biro mo ba naman kahit na mayroon na siyang asawa ay nakuha pa rin niyang makipagrelasyon sa ibang lalaki. Katwiran niya, nasa ibang bansa naman daw siya at walang FB ang kanyang mister kaya hindi nito malalaman ang kanyang ginagawa.

Oh, ‘di ba, ang sarap sampalin. Nakakagigil, sobra! Kung umasta kasi siya ay parang walang anak pero mayroon, dalawa pa. Ayoko siyang husgahan pero siya rin naman ang nag-tsismis sa akin, excited pa.  Tuwang-tuwa siya na ipinakita sa akin ang bf niya sa Skype noon. Siyempre foreigner kaya guwapo at maputi. Kaylaki pang lalaki. Oh, my gulay!

Siyempre hindi ko maiwasan ang mag-isip ng kaberdehan. Sabi nga, normal na lamang iyon sa magkarelasyon. Hindi man kayo mag-asawa, pupuwede pa rin kayong ‘maggamitan’. ‘Yon nga lang, na-realize ni Myra na hindi porke guwapo ay mabait. Sa simula lang kasi maganda ang pakita sa kanya pero kalaunan ay lumabas na ang tunay na kulay. Masyadong seloso kaya nabugbog siya. Hindi lang minsan kundi palagi kaya ng huli ay nagpasya na siyang takasan ito.

Hindi naman kasi manhid ang mga lalaki na ‘yan. Anuman ang kanilang lahi, hindi manhid ang mga ‘yan kaya nararamdaman nila kung may iba kang iniisip o wala. Sabi nga ni Myra, mahal pa naman niya ang kanyang mister, talaga lang gusto niyang ma-try na magkaroon ng boyfriend na guwapo. Kahit naman guwapung-guwapo siya sa kanyang dyowa, iniwanan na rin niya ito. Siyempre, kailangan niyang pahalagahan ang kanyang buhay. Kahit naman malalaki na ang kanyang anak sigurado siyang masasaktan pa rin ang mga ito kapag nalaman pakikipagrelasyon niya sa ibang lalaki. Tiyak kasi na malalaman ng mga ito ang katotohanan kapag may nangyaring masama sa kanya.

Kaya ngayon, sabi ni Myra, hindi na siya makikipagrelasyon pa pero duda ako kung hanggang kailan siya tatagal. Siyempre kahit naman sa Kish lamang kami nagkakilala, may mga pagkakataon din na nakikilala ko siya. Sa pananalita at tingin niya sa mga lalaki, parang laging may nakahain na masarap na ulam sa kanyang harapan.

Hay naku, talagang hindi rin ako makapaniwala na may mga babaeng nagsasabi na kaya sila nagpunta ng ibang bansa para magtrabaho pero ang inaatupag ay ang makipagrelasyon sa iba. Parang nakalimutang isipin na may pamilya silang dapat na isipin dahil lang sa nakatagpo ng lalaki na magpapabilis sa kanyang puso. O mas tama yatang sabihin na nagpapasabik palagi sa init na nararamdaman nila sa kanilang puson.

Ikaw, may kuwentong OFW ka bang nais na ibahagi? Aba, huwag ka na ‘magpahuli, ka-tsismosa.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here