Mga teenage mom, nanganganib na magkaroon ng sakit sa puso

0
16

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Naku, Glaiza, kailangan mo itong basahin. Pero, dahil nga sa marami rin naman akong mga Ka-tsismosa, kailangan din ninyo itong malaman lalo na kung ikaw ay dalagita at may anak na teenager.

Alam naman natin na sa panahon ngayon ay masyado ng mapupusok ang mga kabataan. Para ngang oras na magkaroon ng regla ang babae, ay gugustuhin na rin nilang magpabuntis. Aba’y hindi maaari iyon, lalo na sa Glaiza ko na hindi pa nga nagagawang tuparin ang kanyang pangarap. Gusto ko kasing maging matagumpay muna siyang abutin ang pangarap niyang maging teacher bago siya sumuong sa pag-aasawa.

Kaya naman naisipan kong gawin ang artikulo na ito. Alam ko kasing sa pamamagitan nito ay marami akong matutulungang kapwa ko nanay para mabalaan ang kanilang anak na huwag maging pasaway at mapusok.

Eto kasing mga teenagers ngayon, masabihan mo lang ay sumasama ang loob, naglalayas, nakikipagtanan at uuwing may laman na ang tiyan.

Susme, napakahirap ng buhay ngayong panahong ito kaya hindi dapat nagmamadali ang mga kabataan na hanapin ang kanilang Oppa. Hindi naman kasi porke guwapo ang isang lalaki, nangangahulugan na mayroon na siyang mabuting pagkatao. May ilan diyang na kung ano ang ikinaguwapo ng mukha ay siyang ikinasama ng ugali.

Ang mga kalalakihan kasi ay matatamis lang magsalita pero kapag nakuha na ang gusto sa’yo ay iiwanan ka na lang luhaan. Kapag lumaki ang tiyan mo ay magtatago na ng husto sa halip na harapin ang kanilang responsibilidad. Kaya kapag nangyari iyo, siguradong ang babae ang kawawa. Siyempre, siya ang magdadala ng kanilang anak kaya wala siyang pagpipilian kundi panindigan ang nagawa niyang pagkakamali.

Kung ang isang teenager ay nabuntis, siguradong iyon na ang simula ng gabundok niyang problema. Paano ba naman kasi, nakaatang na agad sa kanyang balikat ang napakabigat na responsibilidad. Kaya, kahit na anong gawin niya, ang problema ay hindi na mawawala sa kanyang sistema. Hindi lang sa pagpapalaki at pag-aalaga sa kanyang anak kundi sa mga pangarap na hindi na niya nagawa pang tuparin. Dahil doon, hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagka-stress na maaaring maging dahilan para siya ay magkaroon ng sakit sa puso.

Hindi pa kasi sila talaga handa na pasukin ang magulong buhay ng pagpapamilya at karaniwan, hindi porke nabuntis ay pakakasalan na at doon nga nagsisimula ang problema. Siyempre, masama ang loob nila. Wala naman kasing babae na gugustuhin na iwanan ng kanyang minamahal lalo pa’t inisip niya na ito na ang kanilang mapapangasawa.

Ang mga researchers ay pinag-aralan ang 1,047 na ina na sumali sa International Mobility in Ageing. Tiningnan kasi nila kung anong edad nagkakaroon ng heart disease at blood vessel disease. Dito napagtanto na ang kalimitang nagkakasakit ay iyong mga ina na nasa teenager pa lang unang nagkaanak.

Aminin man natin o hindi, ang mga teenagers ay wala pang ingat sa kanilang katawan kaya kahit ano ay kanilang kinakain at sinusubukan. Kabilang na rito ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at pagkain ng taba dahilan para tumaas ang cholesterol. Idagdag pa roon, nai-stress sa rami ng problema. Hindi man sila gaanong magsalita, alam natin na mas makakaramdam siya ng takot.

Kaya, makabubuti kung lahat ng payo ay ibigay natin sa ating anak o mga anak para hindi sila maligaw ng landas dahil kapag nangyari iyon, hindi lang magiging miserable ang kanyang buhay, manganganib pa ang kanyang kalusugan.

 

Source:

http://www.dailymail.co.uk/health/article-5039177/Teen-moms-greater-risk-heart-disease.html

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here