Mga pasaway na estudyante, dumarami

0
30

Lahat ng estudyante ay maagang nagigising dahil papasok sa kanilang paaralanpampubliko man o pribadong paaralan, magkapareho lang. Kailangang pumasok ng maaga dahil may rules and regulations na dapat sundin. 

Sa mga pribadong paaralan ay walang masyadong problema tungkol sa mga estudyante dahil strict ang patakaran ng mga ito kaya hindi bastabasta nakakatakas ang mga estudyante dahil sarado ang mga gate sa oras ng pag-aaral at may guwardiya pa sa mga gate na nakabantay kaya ‘di maaaring tumakas ang mga estudyante.  

Halos lahat naman ng mga pampublikong paaralan dito ay walang guwardiya dahil walang gate o bakod na nakapalibot dito. Nakalulusot ang mga estudyante, pumapasok lang ng ilang subjects pagkatapos, nagsisitakasan na. Ang iba ay tumatambay sa kung saansaan lang at hindi na alam kung saan sila pupunta. 

Ang pinakamalala pa ang akala ng kanilang mga magulang ay nagsipasukan ang mga anak nila sa kanya-kanyang paaralan ngunit iyon pala ay kung saansaan na nagpupunta ang mga ito. Ang iba ay tumatambay sa mga tindahan na nasa labas ng paaralan, ang iba naman ay kung saan nila gustong magpunta at may tumatambay sa computer shop. May mga estudyante na nagiging addict na sa computer at hindi na pumapasok samantalang ang alam ng kanilang mga magulang ay pumapasok ang mga ito sa paaralan. 

Marahil, hindi lahat ng mga estudyante ay pasaway subalit mas marami ang naging pasaway. Biruin mo, kahit nakikita na nilang nagkakandahirap sa pagtatrabaho ang kanilang mga magulang, sinusuklian nila ito ng hindi mabuting gawain. Katulad ng pagsali ng ibat-ibang bisyo. Ang masaklap, ang mga nag-aaral sa pampublikong paaralan pa ang nagiging addict sa computer. Kapag nasobrahan na sa pagkaaddict sa computer, hindi na pumapasok sa paaralan at  kapag naunsyami ang laro nila sa computer dahil walang pera, nanghihingi ng pera sa mga tao. Nagpapanggap na bibili ng pagkain, iyon pala ay ibabayad lang nila sa mga computer para makapaglaro. 

Sa palagay ninyo,  anong dapat ninyong gawin para sa mga bata?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here