MGA IMAHE SA LARAWAN

0
55

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

MALAS? Naniniwala ka ba sa malas? Ang kapatid ko kasing si Kuya Joey ay naniniwala sa katagang malas. Hindi ko naman masabing dumanas siya ng kamalasan dahil nanalo siya ng beinte mil sa lotto tapos nag-migrate sila ng pamilya niya sa Canada.

Ako nga pala si Ria, bunso sa apat na magkakapatid. Ang ibig ng parents ko ay tumira kaming magkakapatid sa isang compound kaya nagpatayo sila ng 4 na bahay sa loob noon. Bilang bunsong anak, apartment na up and down ang naibigay sa akin. Kaya naman, mayroon pa akong napagkukunan ng extra cash. At dahil nga ang Dikong ko ang may-ari ng malaking bahay na kinalakihan ko, doon na muna ako tumira. In short, marami akong pera buwan-buwan kaya paano ako maniniwala sa sinasabi ng Kuya Joey ko tungkol sa malas?

“Sinuwerte lang kami nang umalis kami sa bahay natin sa              Limay,” wika nito ng maka-chat niya ito isang araw. Mali pala. Sa tuwing magkakaroon sila ng pagkakataon na magkausap, iyon ang sinasabi ng panganay kong kapatid. “Kaya ikaw, umalis ka na rin diyan dahil baka malasin ka.”

Mayroon namang mga perang pumapasok sa akin, gusto niyang sabihin sa kapatid ngunit hindi na niya ginawa. Baka naman kasi sumama lang ang loob nito sa kanya at ayaw niya siyempreng mangyari iyon.

Ayaw na niyang isipin ang babala ng kanyang kapatid dahil maaari namang guni-guni lang nito ang salitang malas ngunit hindi naman siya makapagtrabaho. Hindi pa kasi gumagana ang aking creative juices kaya nagpasya muna akong tumayo sa harap ng computer at umupo sa tumba-tumba.

Dahil nga sa horror stories din ang karaniwang isinusulat ko, parang gusto kong makakita ng kakaibang nilalang. Doon pumasok sa isip ko ang pinipilit ng Kuya Joey ko na isaksak sa aking isipan. Mayroon daw kakaibang nilalang na namamahay sa loob ng aming compound na maaaring namamahay din sa aming mga bahay.

Kahit naman may mga naging bisita ako na nagsasabing mabigat ang pakiramdam nila kapag pumasok na sa aming compound, hindi pa rin ako makumbinse na mayroon ngang multo, duwende o anumang uri ng taong dilim sa aming lugar.

To see is to believe, kaya naman naisipan kong hagilapin ang aking cellphone at kumuha roon ng mga larawan. Sabi kasi, sa camera ay maaari mong mahagip ang mga nilalang na hindi dapat naninirahan sa ating mundo.

Matapos kong i-click ang camera sa aking cellphone, agad kong tiningnan ang kinuha kong larawan sa file ng images at nanggilalas nga ako sa aking nakita dahil may mga imahe ng tao akong nakita roon.

Isang babaeng nakabigti sa may hagdanan, mga maliliit na nilalang na nasa ilalim ng mesa, mga aninong nakadikit sa dingding na parang batang nagsasayaw at batang babae na palapit sa akin kaya hindi ko napigilan ang sumigaw. Para kasing may malamig na hanging bumalandra sa aking  katawan na nagdulot ng kilabot.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here