Mga foreign singers na magku-concert sa Pilipinas

0
25

Isa ang Pilipinas sa mga madalas na tour stop ng mga foreign artists at singers tuwing nagwu-World Tour ang mga ito. Kilala rin ang Pilipino audience na pinakaaktibo at maiingay . Gustung-gusto ng mga singers na mag-perform dito dahil buhay na buhay ang mga manonood. Hindi lang sa sigawan kundi sa pagsabay sa pagkanta ng singer.

Isa sa mga pinakaaabangang concert sana ngayon taon ay ang pinakasikat na British solo singer na si Ed Sheeran. Subalit, hindi na ito tuloy dahil nabalian ng buto sa kamay ang singer. Ni-reschedule na ito para sa susunod na taon, sa April na ito imbes na ngayon Nobyembre 7.

Ang mga miyembro naman ng British boy band na One Direction, Niall Horan at Harry Styles, ay magkakaroon din ng concert sa susunod na taon. Sa June 10 na ang concert ni Niall at sa May 1 naman ang kay Harry Styles.

Isa pa sa mga inaabangan ay ang may dugong Pinoy na male artist at sensational performer na si Bruno Mars. Ang 2-day concert niya ay gaganapin din sa susunod na taon. Noong una ay isang araw lamang ito, May 4, pero dahil nag-sold out kaagad ang mga tickets, dinagdagan pa ito ng isang araw, May 5.

Sa K-Pop naman, magpupunta dito ang dating miyembro ng sikat na sikat na boy group na DBSK o TVXQ na si Kim Jaejoong. Siya ay miyembro ng JYJ pero nagre-release din ng solo album at nag-aartista din sa Korea. 13 years na siyang hinihintay ng fans kaya’t sobrang excited ng kanyang mga tagahanga. Ang kanyang fanmeet ay sa November 30 na.

Isa pang magbabalik ay ang K-Pop band na CN Blue. Sa December 9 na ang kanilang concert at maraming fans na ang bumili ng kanilang mga tickets. Isa sa mga pabalik- balik na banda dito ay ang The Script. Magku-concert muli sila rito sa Pilipinas next year. Sila ay magtatanghal sa Mall of Asia Arena.

Ang pinaka-latest announcement ay ang concert ngayon na 4-membered girl group na Fifth Harmony. Sila ay magku-concert sa Kia Theater sa Marso 2018.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here