MGA BENEPISYO MULA SA PIPINO

0
50

Mia Salonga

MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

Madalas mang napagkakamalan bilang gulay, ang pipino ay actually isang prutas. Mataas ito sa beneficial nutrients at mayroon ding mga certain plant compounds at antioxidants na makakatulong sa pag-treat at pag-prevent ng mga ilang kondisyon.

Konti lang ang calories ng pipino at marami itong tubig at soluble fiber kaya ideal para sa pagpo-promote ng hydration at weight loss. Ang mga sumusunod ay ang top health benefits mula sa pipino.

KEEPS YOU HYDRATED

Kung masyado kang busy para uminom ng sapat na tubig, kumain ng pipino. Mayroon itong 96 percent water kaya mabisa itong pang-compensate sa kakulangan sa tubig.

FIGHTS HEAT BOTH INSIDE AND OUT

Kumain ng pipino at magkakaroon ang katawan mo ng relief mula sa heartburn. I-apply ito sa balat at magkakaroon ka ng relief mula sa sunburn at itchy skin.

PROTECTS THE BRAIN

Ang pipino ay mayroong anti-inflammatory flavonol na tinatawag na fisetin na mayroong importanteng role na ginagampanan sa brain health. Bukod sa pagi-improve ng memory at pagpoprotekta ng nerve cells mula sa age-related decline, napatunayan din na ang fisetin ay nakaka-prevent ng progressive memory at learning impairments sa mga daga na mayroong Alzheimer’s Disease.

FLUSHES OUT TOXINS

Ang lahat ng tubig mula sa pipino ay umaakto bilang virtual broom na nagwawalis ng mga waste products palabas ng katawan. Sa regular na pagkonsumo, nagkakatunaw ng bato sa kidney ang pipino.

NOURISHES YOU WITH VITAMINS

Mayaman sa vitamins A, B at C ang pipino na nakaka-boost ng immunity, nakakapagbigay ng energy at nakakapagbigay ng radiance sa balat. Mas magiging mabisa ang pipino sa katawan kung iju-juice ito kasama ang carrots at spinach.

ANTIOXIDANT PROPERTIES

Ang pipino ay mayroong maraming antioxidants kasama na ang vitamin C, at beta-carotene. Mayroon din itong antioxidant flavonoids tulad ng quercetin, apigenin, luteolin, at kaempferol na nagbibigay ng additional benefits.

Ang quercetin ay isang antioxidant na pinaniniwalaan ng marami na nakakaprevent ng histamine release. Kaya ang mga quercetin-rich foods ay “natural antihistamines.” Ang kaempferol ay nakakatulong panlaban sa cancer at nakaka-lower ng risk ng chronic diseases kasama na ang heart disease.

AIDS IN WEIGHT LOSS

Dahil mababa ang calories ng pipino, mabuti itong kainin kung gusto mong magpapayat. Isama ang pipino sa salads and soups. Puwede ring gawing snack ang pipino. Maaari itong isawsaw sa cream yogurt.

CUTS CANCER RISK

Ang pipino ay mayroong polyphenols na tinatawag na lignans (pinoresinol, lariciresinol, at secoisolariciresinol) na nakakatulong sa paglo-lower ng risk ng breast, uterine, ovarian at prostrate cancers. Mayroon din itong phytonutrients na tinatawag na cucurbitacins na mayroon ding anti-cancer properties.

STABILIZES BLOOD PRESSURE

Ang mga pasyenteng nagsa-struggle sa parehong high at low blood pressure ay nakakakuha ng relief mula sa pagkain ng pipino.

REFRESHES THE MOUTH

Ang cucumber juice ay nakakapag-refresh at nakaka-heal ng diseased gums.

SOOTHES MUSCLES AND JOINT PAIN

Ang lahat ng vitamins and minerals ng pipino ay ginagagawa itong mabisang panlaban sa muscle and joint pains.

KEEPS KIDNEY IN SHAPE

Ang pipino ay nakakababa ng uric acid levels sa system kaya nakakabuti ito sa kidneys.

GOOD FOR DIABETICS

Maaaring ma-enjoy ng mga diabetics ang pagkain ng pipino dahil mayroon itong hormone na kailangan ng cells ng pancreas para mag-produce ng insulin.

REDUCES CHOLESTEROL

Ang compound na tinatawag na sterols na matatagpuan sa pipino ay nakaka-reduce ng bad cholesterol.

MANAGE STRESS

Ang pipino ay mayroong multiple B vitamins tulad ng vitamin B1, vitamin B5, at vitamin B7 (biotin). Kilala ang B vitamins na nakakatulong sa pag-ease ng feelings ng anxiety, at lumalaban sa ibang damaging effects ng stress.

SUPPORT YOUR DIGESTIVE SYSTEM

Ang pipino ay mayaman sa dalawang basic elements na kailangan para sa healthy digestion: tubig at fiber. Ang pagdadagdag ng pipino sa salad ay nakakatulong para makamit ang ideal amount ng fiber na kailangan ng katawan—50 grams per 1000 calories consumed.

Ang balat ng pipino ay mayroong insoluble fiber na nakakapag-bulk up ng stool. Nakakatulong ito sa mas mabilis na paggalaw ng pagkain sa digestive tract para sa mas madaling elimination.

 

SOURCES(ARTICLE):

www.care2.com/greenliving/16-superb-health-benefits-of-cucumber.html

https://www.healthline.com/nutrition/7-health-benefits-of-cucumber

https://articles.mercola.com/sites/articles/archive/2014/08/23/health-benefits-cucumbers.aspx

https://www.organicfacts.net/health-benefits/vegetable/cucumber.html

SOURCE (IMAGE):

https://www.organicfacts.net/health-benefits/vegetable/cucumber.html

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here