Masakit at masarap ang magmahal

0
34

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Ano ang katotohanan sa likod ng awiting “Love Hurts?”

Oo , masarap ang magmahal. Ang isa pang totoo, kahit na nasasaktan, masarap pa rin ang magmahal. Bawat pagmamahalan ay nakaranas na masaktan. Kumbaga, bahagi ng lovelife ang ikaw ay masaktan.

Pero, may mga lagi na lang nasasaktan na para bang  ang kaligayahan sa larangan ng pakikipagrelasyon ay pinagdadamot sa kanila. Ang iba nasanay na kaya ang sakit na nadama, bawas na,as in, hindi na kasing sakit ng una.

Kung sabagay, kahit hindi naman sa lovelife, kapag paulit-ulit na nagaganap, nakakasanayan na rin. Ang mahirap na paniwalaan at tanggapin, ito ay hinahahanap-hanap na tulad ng pagkain, na ang mapait ay masarap kainin.

Sa kabilang banda ang masasarap na karanasan kapag paulit- ulit na lang nawawala na rin ang sarap. Tulad din sa pagkain, nababawasan na rin ang tamis kapag iyon na lang ang natitikman.

Gamit ang mga kaalaman sa The Arts and Science of Palmistry, ibabahagi ko kung paano  ba malalaman na  ang lovelife ay  punong-puno ng sakit pero ang sakit na nadarama sa huli ay  tanggap na at parang pagkain na kailangang  muling malasahan dahil may lihim na sarap na kayang hinahanap-hanap.

Kapag ang The Heart Line ay nakikitang may mga guhit na pababa  na masasabing mga sanga ng The Heart Line, (May bilog sa larawan) ang may –ari ng palad, babae man o lalaki, ay madalas na masasaktan pero muli ang sakit ng pag-ibig ay  parang pagkain na gustong matitikman ng paulit-ulit.

Ang sabi, ang pag-ibig ay mahirap na maunawaan. Kumbaga, sa ibabaw ng mundo ang  pag-ibig lamang ang nag-iisang  hindi maiwasan pero napakahirap na  maintindihan.

Magkaganunman,  ang katotohanan kapag natanggap ay gumagaan ang kalooban. Ang mga katotohanan lalo sa pagkikipagrelasyon ay sa larangan lang ng Palmistry mahahanap ang paliwanag kaya  hinihikayat namin ang lahat ng sumubaybay sa kolum na ito  upang ang mga bagay na sadyang mahirap na maipaliwanag ay ating maunawaan.

Inimbitahan din natin ang sinumang gustong  malaman ang kahulugan ng guhit sa palad ng kanilang mga karelasyon at maging ang sariling mga guhit sa palad ng para malaman natin ang mga paunang impormasyon na malaki ang maitutulong sa atin upang makilala natin ang ating mga sarili at ang ating minamahal. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here