MAMANG ITIM

0
80

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Lahat na ng kapit-bahay namin ay nabiktima na ng akyat-bahay pero hindi nila nagawang pasukin ang aming compound. Hindi ko naman sinabi ito dahil naiinggit pa ako sa mga kapit-bahay kong nanakawan, ah. Gusto ko lang ibahagi kung bakit walang masasamang tao na pumapasok sa compound namin sa Tondo.

Taong 1950 nang bilin ng parents ko ang compound na iyon na 2000 square meters ang sukat. Gusto kasi ng nilang pagdating ng araw ay maipamana nila iyon sa aming magkakapatid. Sabi ng parents ko, gubat daw iyon ng kanilang bilhin at may isang matandang lalaki na nagbenta sa kanila. Ewan kung ‘yon ang tinatawag na ermitanyo.

Maaari rin na ang matandang lalaki na iyon ang nagbabantay sa aming compound kapag may hindi tagaroon ang pumapasok. Sabi nga noong isang dayo sa aming lugar, nag-alangan pa nga raw siyang pumasok sa gate dahil may matangkad na lalaki siyang nakitang tumayo sa may kamias na naglakad palapit sa kanya. Kaya, minabuti na niyang hindi pumasok at i-text na lamang ang ang tenant namin. Paano ba naman daw kasi siya papasok eh bukod sa matalim ang tingin sa kanya nu’ng mamang itim eh para raw hindi damit ung suot kundi balahibo.

At kahit na mataas ang sikat ng araw ay lagi siyang sumusulpot kapag may estranghero sa aming compound lalo na kung maingay sila. Kaya isang araw ay nagtaka ako kung bakit ang mga kalaro ni Ivan sa pagba-basketball ay biglang nagpaalam. Dahil sa nakikita kong namumutla sila noong umalis, unutusan ko ang anak ko kung bakit. Sabi ni Ivan, sabi daw ng isang kalaro niya, may nakita raw kasi itong mamang itim na bigla na lamang sumulpot noong sumigaw ito ng shoot.

Naniniwala ako na ang Mamang itim na iyon ay totoo dahil nakita ko rin siya noong buntis ako. Taong 2001 iyon nang magising ako at makitang may matangkad na lalaki na nakatayo sa paanan ng kama ko. Hindi naman siya nananakot pero nakatingin siya sa akin at ako naman ay hindi makagalaw. Mabuti na lamang at naisip ko na magdasal kaya bigla na lamang akong nakakilos at may pagkakataon na nahahagip ko siya ng tingin sa gilid ng aking mga mata ngunit hindi ako natatakot sa kanya. Naniniwala kasi ako na hindi siya naroroon lang para manakot kundi para magbantay.

O, gusto ba ninyong makita si Mamang Itim? Try ninyong pumasok sa compound namin. Malay n’yo, ma-meet n’yo siya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here