Lalaking super lonely sa sa Saudi, kilalanin

0
21

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Good Morning, mga katsismosa. Hindi ko akalain na kahit pala madaling araw ay magagawa kong makapagbahagi sa inyo ng istorya tungkol sa isang lalaki na naka-chat ko noong isang gabi. Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kong pakialaman muna ang Ipad ng pamangkin kong si AJ. Nag-online ako gamit siyempre ang account ko at nanggilalas ako nang makita kong may isang lalaki na nakikipag-chat sa akin ng alas-tres ng umaga.

Chris Bernard daw ang kanyang pangalan. Taga-Saudi.

Kung noon, hindi ko papansinin ang lalaki na makikipag-chat sa akin ng madaling araw, ngayon ay natigilan ako. Maaari ko kasing magamit ang pagkakataon na iyon para ako ay makapagtrabaho. Kaya , napangiti ako at sinagot ko ang kanyang pag-’hi’.

“Hello.”

“Kamusta?’

Hindi ko naiwasan ang mapangiti sa mabilis niyang pag-reply. Hindi ko inasahan na magmimistulan itong si Flash sa bilis ng pagsagot.

“Oki naman ako.”

“Buti ka pa.”

Napangiti ako. Nakaligtaan niya kasing tanungin ang pangalan ko. Pero, pagkaraan ng ilang sandali, parang gusto kong batukan ang aking sarili. Bakit naman kasi nito tatanungin pa, eh, buung-buo na nakalagay ang name ko sa aking account.

“Malungkot ako ngayon, kailangan ko ng kaibigan.”

“Gaano ka kalungkot diyan?”

“Sobra.”

“Eh, bakit nandiyan ka?”

“Para magkapera.”

Napabuntunghininga ako. Sawang-sawa na kasi akong marinig ang dahilan na iyon ng mga taong nangingibang bansa. Lagi na lang bang puro pera. At hindi ko naiwasang itanong iyon kay Chris Bernard. Sa ilang sandali ay natahimik siya, akala ko nga, hindi na siya sasagot pero nagkamali ako. Sabi niya, “Iyon lang naman talaga ang dahilan ng mga Pilipino kung bakit sila umaalis ng Pilipinas, pera. Baka hindi mo alam kung gaanong hirap ang pinagdaraanan namin dito, lalo na ako.”

“Masama ang ugali ng amo mo?”

“Dapat ala-singko gising na kami, iinom lang ng kape tapos magtatrabaho na.”

“Hindi kayo pinag-aalmusal?”

“Ala-siyete ang almusal namin. Hindi kami pwedeng umupo man lang hanggang hindi natatapos ang aming trabaho. Kahit pagod na pagod o nahihilo ka na. Hindi ka pwedeng magsabi man lang ng time first.”

Kahit na gusto kong tumawa sa kanyang sinabi, hindi ko magawa. Alam ko nakaka-relate kasi ako sa kanyang sinabi. Ganoon din kasi ang dating employer ng Dhie ko.

“Kawawa talaga ako.”

“Di umuwi ka na ng Pilipinas kung nahihirapan ka na,” wika ko kahit na alam kong hindi iyon makakatulong para mapagaan ko ang kanyang loob.

“Why not, tapos ay pupuntahan kita riyan.”

“Ay naku, taken na ako, noh.”

“Alam mo bang sobra-sobra akong nalulungkot dito ngayon?” tanong niya sa akin.

Hindi ako kumibo dahil may ideya na ako kung ano ang kanyang gustong sabihin. Dapat sana ay I-blocked ko na siya pero parang ayaw pang kumilos ng kamay ko para pindutin ang blocked button. Siguro dahil gusto kong tapusin ang kanyang kuwento.

“Wala d’yan ang family mo kaya hindi kataka-taka kung bakit malungkot ka.”

“Kailangan ko ng ka-partner.”

“Maghanap ka ng girlfriend.”

“Pwede ka ba?”

“No.”

Kung kanina ay nagdadalawang isip pa ako na I-blocked siya nang bigla niyang i-on ang kanyang camera at ipinakita ang kanyang ‘sandata’ naging mabilis na ang pagkilos ko. Na-blocked ko na siya. Napatawa at napatili rin ako. Mabuti na nga lang at himbing na ang tulog ni Glaiza kaya bigla na lamang akong napahiga. Sobra naman kasi iyong nakita ko. Napa-shucks na naman ako. Pero, pagkaraan ay napahugot nang malalim na buntunghininga.

Naisip ko kasi na ang mga lalaking pumupunta sa ibang bansa at nakukulong lang sa isang bahay na walang kasamang asawa. Naku, siguradong malulungkot ka nga talaga gaya na lamang nitong si Chris Bernard na para talagang naghahanap ng ka-chat na ready na makiparelasyon online. Kaya sa halip na magalit, nakaramdam ako ng matinding awa sa kanya. Tingin ko kasi ay talagang mapagmahal siya sa kanyang pamilya kaya kahit sobra siyang nahihirapan ay pinili pa rin niyang magtrabaho roon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here