La Luna Sangre – Ang Malaking Rebelasyon Ni Angel Locsin Bilang Si Jacintha Magsaysay

0
50

Marami ang nagsasabi na isang bampira ang karakter nio Angel Locsin na si Jacintha Lagsaysay sa teleseryeng “La Luna Sangre”. Tama nga ang hula ng mga manunuod dahil isang malakas na klase ng bampira si Jacintha!

Tuwang tuwa ang mga manunuod kagabi sa isa sa mga pinakaaabang na teleseryeng sa gabi ang “La Luna Sangre”. Nagustuhan ng sobra ng mga tao ang eksena ni Angel Locsin. Nang kanyang ipinakita na isa nga siyang bampira. Kulang ginto ang kanyang mga mata at sobrang lakas niya. Hindi tulad ng isang pang karaniwang bampira lamang ang lakas at kapangyarihan ni Jacintha Magsaysay.

Sabi ng kumento ng isang sa Facebook page ng ABS CBN ng pinost nito ang eksena ni Angel Locsin kagabi, “Ms. Angel locsin is super duper galing nia talaga lalo na kagabing episode… Lahat ng ginagampanan nia nabibigyan nia ng justice isa sa mga nirerespeto at hinahangaan ng marami… Ur the one ms. Angel locsin maganda na mabait pa…mm” – Judy Anne Palabrica

Sabi naman ng iba pang mga fans “balik excitement na naman ang La Luna Sangre.. 😊😊 nalungkot ako nung 1st week palang nawala na sila john lloyd at angel.. buti bumalik kahit si angel lng.. with a revenge!!!! kaabang abang ang mga ssunod na episode!!!!”

Kombinasyon ng warewolf o lobo at bampira ang karakter ni Angel Locsin. Alam ng lahat na siya ang bida sa dalawang naunang palabas na may kinalaman sa “La Luna Sangre”, ang “Lobo” at “Imortal”. Madami ang nagsasabi na dahil sa mga ginawa nya doon sa naunang dalawang teleserye ay kaya siya naging kombinasyon ng dalawang nilalang.

Lalong dumadami ang tagahanga ng batikan na aktres dahil sa role niyang ito. Tuwang tuwa ang mga tao dahil kayang kayang gampanan ni Angel Locsin ang mga roles na ganito . Ikaw? Masaya ka bas a nagiging daloy ng istorya?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here