KINONTROL NG BF KAYA ‘DI NAPUNTAHAN ANG BFF NA NAGPAKAMATAY

0
21
payo, artikulo, pag-ibig, kabiguan, pagmamahal, paghanga, martir, pag-asa,

Dear Maria,

Nagpakamatay ang bestfriend ko dahil hindi ko siya napuntahan nu’ng gabing tumawag siya sa akin. Ayaw kasi ng boyfriend ko na lumabas ako ng bahay. Sabi kasi ng BF ko, kapag umalis ako, ibig sabihin ay hindi ko na siya mahal. Ngayon tuloy ay sobrang nagi-guilty ako. — Angel

 

Angel,

Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. May mga desisyon talagang ginagawa ang mga mahal natin sa buhay na hindi natin magagawang pigilan. Oo nga, hindi ka nakapunta roon ng kailangang-kailangan ng kaibigan mo ng karamay pero, sa palagay mo ba ay mapipigilan mo siya sa gusto niyang gawin kung buo na talaga iyon sa kanyang isipan? Marahil  oo, marahil hindi. Pero, huwag mo na sisihin pa ang sarili mo o ang iyong boyfriend. Tiyak naman kasing hindi rin gusto ng bf mo ang nangyari. Pupuwedeng, inisip lang niyang kaya sinabi niyang huwag ka na lumabas ay dahil sa malalim na ang gabi noon kaya inisip niyang maaari kang mapahamak.

Kung mayroon araw, walang dahilan para ikaw ay pigilan ka. Ngunit, bakit ka ba nagpapapigil? Dahil ayaw mo siyang magalit. Aba, may katwiran ngang ma-guilty ka dahil mas pinakinggan mo ang kapritso ng iyong boyfriend. Ngunit, kahit na umiyak ka pa, wala ka na magagawa kundi tanggapin ang nangyari. Move on, ‘ika nga.

Patawarin mo na rin ang iyong sarili. Baka ‘yan ang paraan para hindi ka na makaramdam pa ng guilt. Sige na, magpawala ka na lang ng malalim na hininga. Sa pamamagitan niyan, naniniwala ako na magiging okay ka rin.

Kahit hindi mo tinanong ito, gusto kong sabihin sa’yo na huwag ka sanang magpapakontrol sa kahit sino. May sarili kang pag-iisip kaya alam mo ang tama at mali. Kung sa palagay mo ay masyado ng OA ang bf mo sa pagpipigil sa’yo, huwag ka sanang sumunod na lang ng sumunod lalo’t hindi mo naman alam kung magkakaroon talaga kayo ng happy ending.

Kung masyado mong ibibigay sa kanya ang buo mong pagmamahal baka isang araw, kapag naghiwalay na kayo, baka masyado ka lang masaktan. Kaya dapat magtitira ka rin ng pagmamahal sa sarili mo. Kapag kasi lagi kang nakadepende sa kanya, baka di mo kayanin ang paghihiwalay ninyo. Huwag mong sabihing nega lang ako sa relasyon ninyo. Ang ibig ko lang sabihin, hindi laging positive ang nangyayari sa buhay natin. Talagang may pagkakataon na may nangyayaring hindi inaasahan. Kaya, kailangan mong maging handa para hindi mo maranasan ang ma-depress.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here