Kilalanin si Kiana Valenciano

0
134

Julinda Gallego

Juli Gallego is a 19-year-old journalism graduate and aspiring novelist. She is hoping to make a dent in the universe, one story at a time.

Latest posts by Julinda Gallego (see all)

Nilabas na ni Kiana Valenciano ang ikatlo nitong single na pinamagatang “Misfits” noong Setyembre 8, 2017. Ang Misfits ay inarrange ng producer na si Marcus Davis, na una niyang nakatrabaho sa kantang “Does She Know”. Ito ang unang single na inilabas ng social media influencer at upcoming new artist sa ilalim ng major recording label na Tarsier Records.

Si Kristiana Maria Mikaela “Kiana” Valenciano ay mas kilala bilang anak ng sikat na singer-songwriter na si Gary Valenciano. Napangunahan man ng kasikatan ng kanyang pamilya, unti unti nang gumagawa ng pangalan para sa kanyang sarili ang 24 taong gulang na dalaga. Nagtapos siya ng Fashion Design mula sa Raffles Design Institute at naunang nakilala ng masa bilang social media influencer at content creator dahil sa self-titled blog (http://kianavalenciano.blogspot.com/) kung saan niya ibinabahagi ang kanyang mga outfit at travel ideas. Ang blog ay nagtagal ng tatlong taon mula 2012-2015 bago niya ilabas ang kanyang official website na Kianavee.com. Ang popularidad at malaking social media following ni Kiana ay nagbunga rin sa pagiging model at endorser ng iba’t ibang brand tulad ng SM Parisian at makeup brand BYS Philippines. Sa kasalukuyang nasa76.2k ang kanyang followers sa Twitter at202k naman sa Instgram.

Hindi man alam ng karamihan, nagsimula ang music career ni Kiana noong siya ay anim na taong gulang pa lamang matapos manalo ng dalawang Awit Awards para sa kantang Once Again, It’s Christmas kung saan inuwi niya ang Awit Award for Best Christmas Recording at Best Child Recording Artist. Nasundan rin ito ng iba’t ibang mga parangal tulad ng Most Promising New Female Singer mula sa Magic 89.9 para sa duet ng “With You” at Awit Award for Best New Female Recording Artist in 2015 para sa “Dear Heart.” Gumagawa rin siya ng mga music cover sa kanyang YouTube account at ilang beses nang lumabas sa telebisyon at nagperform sa ASAP Live.

Ang unang single na nilabas ni Kiana ay pinamagatang “Circles” at isang collaboration kasama ang kanyang ama. Ang electronicpop R&B na kanta ay composed at arranged ni Gary V at ang lyrics ay sinulat ni Kiana. Ayon sa kanyang website, ang Circles ay tungkol sa pagtatapos ng isang “…relationship that did not lack love, but was drowning in uncontrollable circumstances. You know how it goes: you love each other so much, you both try to push your feelings aside to make it work or to make sure your partner feels safe or loved or maybe even in control. You push and push and push until one day you wake up and realise you have nothing left to give because you honestly gave your all. Is it your fault? Is it your partner’s? I don’t know. I don’t have the answer, but this song is about exactly that.”

Ang music video para sa Circles ay inilabas noong Disyembre 7, 2016 at ginampanan nina Kiana at Jake Cuenca sa direksyon ni Michael Carandang. Pinakita sa video ang isang magkarelasyon na dumadaan sa maraming away at sakitan, isang maigsing pagsasabuhay ng toxic relationship. Ito ay naglalayong taasan ang kamalayan at mapigilan ang pangaabuso at karahasan sa mga relasyon.

“Samantala, ang ikalawang single naman nito na pinamagatang “Does She Know” ay isang dance pop song na produced at arranged ni Marcus Davis. Ang kanta ay para sa isang ex na bumabalik pero hindi na tinatanggap ng babae. Ito ang kasalukuyang pinakapopular na kanta ni Kiana at ang music video nito ay halos nasa kalahating milyong views na. Umabot rin ito sa Pinoy Myx Countdown at top radio charts.

Dito rin makikita ang mature at sexy side ni Kiana, lalo na sa video kung saan nagperform siya ng sexy dance choreographed ni MJ Arda ng A-Team sa direksyon ng kapatid na si Gab Valenciano. Featured din sa kanta ang indie-singer at rapper na si Mito Fabie o mas kilala bilang Curtismith.

Bukod sa paggawa ng sariling kanta, nakikipagcollaborate din si Kiana sa ibang mang-aawit tulad ni Moira dela Torre, James Reid, at sa boyfriend na si Sam Concepcion. Patuloy ang pamamayagpag nito sa industriya ng musika at fashion at talagang marami pang dapat abangan mula sa kanya.

Inaasahang maglalabas ng full album si Kiana sa susunod na taon. Samantala, mapapakinggan ang Misfits sa YouTube account ng Tarsier Records, at ang ibang kanta ni Kiana sa sa sarili niyang channel. Available rin ito ang mga ito sa iTunes at Spotify.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here