Kilalanin ang mga taong madaling matukso

0
73
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

“Honesty is such  a lonely  word, everyone is so untrue.” 

 Marami ang magtataas ng kilay sa mga salitang nasabi. Pero, marami ang  hindi makakaimik dahil  sa mga naranasan nila sa kanilang lovelife. Ibig sabihin, may hindi papayag dahil sa pakikipagrelasyon sila ay wagas at tapat.

Sa larangan ng The Arts and Science of  Palmistry malalaman natin sa ngayon  ang mga  may mga lihim na iniingatan sa kanilang buhay.

Kapag may nakitang mga guhit mula sa loob ng The Life Line  (tulad ng nasa larawan) ang  may-ari ng palad ay mahina sa mga tukso kaya siya ay  madaling mahuhulog sa mga tukso.

Kapag ang guhit na papalihis ay nakitang tumama mismo ng The Life Line,ang buhay ay naapekuhan ng   tukso. Kapag ang guhit ay lumagpas sa The Life Line ay tumama sa The Head Line ang  may-ari ay  masasabing sobrang inilagay sa isip ang imoral na buhay.At kapag  tumawid sa The Head Line at tumagos sa The Heart Line, ang may–ari ng palad ay binabalaan na ang kahinaan niya sa tukso ay sisira sa kanyang buhay.

Tumawid man o hindi, kapag marami ang nakitang mga guhit pa papasok sa gitna ng palad mula sa loob ng The Life Line, ito ay  nagbibigay diin sa katotohanan ang kanyang buhay ay batbat kasaysayan na siya ay laging tinatalo ng mga  tukso.

Matatalo ba ng mga tukso ang karelasyon mo? Ang mahal mo ba ay nararamdaman mong may iba pa?  Ikaw , matutukso ka rin ba? Ano na ang mangyayari sa buhay mo sa sandali na mahulog ka sa tukso?

Inimbitahan ang  mga gustong ipaanalisa ang kanilang palad at palad ng kanilang mga kerelasyon at mahal sa buhay upang  matukoy kung totoo ba ang kanilang kinatatakutan? 

I-send lang ang photos ng palad na gustong ipaalisa para sa kaukulang impormasyon tungkol sa mga tuksong pwedeng sumira sa magandang relasyon.

Gamit ang The Arts and Science  of Palmistry ang mga katotohanan sa mundo ng pakikipagrelasyon ating  tapat na ibabahagi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here