Karen Ibasco, Miss Earth 2017

0
62

Ang buong Pilipinas ay nagbubunyi sa pagkapanalo ni Philippines Karen Ibasco dahil siya ay kinoranahan bilang Miss Earth 2017. Ito ay ginanap sa Mall of Asia noong Sabado. November 4, 2017. 

Hindi lang ganda ang ipinakita niya, maging ang kanyang talino. Nang tanungin nga siya sa Q&A portion ng, “Who or what she thinks is the biggest enemy of Mother Earth and why.”  

Ang isinagot niya, “I believe that the real problem in this world is not climate change. The real problem is us because of our ignorance and apathy. What we have to do is to start changing our ways, to start recalibrating our minds and redirecting our steps because together, as a global community, our micro-efforts will have a macro-effect to help save our home, our planet.” 

Sa sagot niyang ito ay napahanga niya ang mga hurado kaya sa kanya ipinasa ni Miss Earth 2016 na si Ecuador’s Katherine Espin ang korona.  

Bagamat hindi naman ito ang unang beses na nanalo ang Pilipinas sa Miss Earth, nakaka-proud pa rin talaga na ipinagsigawan ang ‘Philippines’.  Ibig sabihin, talagang kayang-kayang makipagsabayan ng mga Pilipina sa mga mestiza beauties.  

Nang 2015 nagawa ring masungkit ni Angelica Ong ang titulong Miss Earth at noong 2014 ay nakuha rin ito ni Jamie Herrel.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here