Kapag tae ay pera, kapag nalalagas ang ngipin ay may mamamatay: IBA’T IBANG KAHULUGAN NG PANAGINIP, TUKLASIN

10
3733
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Bukod sa mga paraang naipaliwanag na natin kung paano ini-interpret ang mga panaginip, kagaya nga ng paraan ng psychologist na si Sigmund Freud, Carl Jung, at Edgar Cayce, may isa pang paraan ng pagbibigay ng pakahulugan ng mga panaginip ay ito ay ang tinatawag na pang-Tradisyunal o makalumang paraan.

Sa Tradisyunal o makalumang paraan ng pagi-interpret ng panaginip, ito ang kadalasang alam na alam ng maraming mga tao, dahil ito ay naririnig lang nila sa mga matatanda. Tulad din ng mga superstitions o mga walang basehang paniniwala, pero sa pangkaraniwang mga tao na makakarinig nito ay parang totoong-totoo.

Kabilang sa mga palasak o pangkaraniwan ng superstitions ng mga matanda na kadalasan nating naririnig ay ganito, “Kapag nakapanaginip ng tae ang ibig sabihin nito ay pera. Kapag nakapanaginip ng nalalagas ang mga ngipin, sinasabing may mamatay na miyembro ng pamilya o malapit na kamag-anak. Kapag nakapaniginip ka na ikaw ikinakasal ay kabaliktaran daw ito dahil malamang na hindi ka makapag-asawa at lalo na sa babae malamang na tumandang dalaga ka habang buhay. May paniniwala ding kapag gabi ka nanaginip ito ay hindi maganda, pero kapag umaga, ito ay may hatid na suwerte at mabuting balita.

At tulad ng nasabi na, kabilang sa mga pinagkukunan ng kahulugan ng mga panaginip ay ito ngang Tradisyunal na paraan o paniniwala na mababasa sa ang mga sinaunang libro tungkol sa panaginip.

Ang Mahiwagang Aklat ni Dikong Ben

Noong nag-aaral pa ako ng college magkakasama kaming magkakapatid sa boarding house. Ito ay isang lumang bahay noong panahon pa ng mga Amerikano, na matatagpuan sa 82 Orozco St., Quiapo, Manila.

Kasama ko sa nasabing boarding house ang mga kapatid kong sina, Core, Jesse, at si Dikong Ben. Ngunit nang maka-graduate na si Core ng kursong Accounting sa FEATI University, habang si Jesse naman ay nag-asawa na, dalawa na lang kami ni Dikong Ben na nakatira sa boarding house.

Masyadong malaki para sa dalawang tao ang boarding house at inabisuhan na rin kami ng may-ari na si Mr. Ocampo na nagbabalak na silang ipa-renovate ang lumang bahay kaya naghanap kami ng bagong malilipatan.

Makalipas ang dalawang linggong pag-galugad sa Maynila nakatagpo kami ng isang lugar na malapit sa FEU at malapit din sa Escolta, sa PNB Escolta Branch kasi nagta-trabaho ng panahon iyon si Dikong Ben.

Nakatagpo kami ng suwetong-suweto sa aming pangangailangan. Isang bagong-bagong building sa dulo ng Alvarez St., Sta. Cruz, Manila.

Sakay ng isang karitela, marami pang bumibiyaheng karitela o kalesa sa Quiapo ng mga panahong iyon na kadalasang sinasakyan ng mga nagdadala ng bulto-bultong paninda sa Quinta Market. Mas piniling upahan ni Dikong Ben ang karitela sa halip na taxi upang mailipat sa bago naming boarding house ang napakarami niyang abubot.

Ilan sa mga abubot ni Dikong Ben ay ang katakut-takot na mga kung anu-anong klaseng libro sa panghuhula, lalo na sa astrology at sa numerology ang hinakot namin. Walang itinirang anumang kalat, inilipat namin lahat sa bagong boarding house ang kanyang mga abubot.

Naikuwento ko sa inyo ang mga bagay na ito, dahil may isang libro si Dikong Ben na kasama sa mga abubot na inilipat namin mula Quiapo patungong Sta. Cruz ay  tungkol sa panaginip. Lumang-luma na ang librong ito at pilas na ang cover at ang mga unang pahina ay punit-punit na, pero pinagtitiyagaan pa rin naming basahin.

Ganunpaman, kahit punit-punit na dala ng labis na kalumaan. Hangang-hanga ako sa lumang libro na iyon tungkol sa kahulugan ng mga panaginip dahil karamihan sa mga  interpretation sa mga bagay-bagay at sa mga pangyayaring madalas kong mapanaginipan ay sakto at tama ang kahulugan.

Ang Kahulugan ng Ladder o Hagdanan sa Panaginip

Isang halimbawa noon nag-aaral pa ako ng college ay madalas akong managinip ng hagdanan. “Umaakyat daw ako sa isang mataas na hagdanang yari sa bato, na ang parang “setting o panahon” ay medyo hapon na at parang ako lang mag-isa ang umaakyat.”

Kinaumagahan, pagkagising na pagkagising ko palang,pupungas-pungas pa, dali-dali kong kinuha yong lumang librong ikinukuwento ko sa inyo sa bookshelf. Aabutin mo langang nasabing libro sa book shelf na nakapako sa dingding katapat ng lamesang kainan. Kung saan, laging doon nakapuwesto ang libro na ‘yon, para kapag nanaginip ka, habang nag-aalmusal o humihigop ng kape, hindi mo na siya hahanapin, madali mo lang siyang makikita upang basahin.

Tiningnan ko ang kahulugan ng ladder. Nasa wikang English kasi ang nasabing lumang libro ni Dikong Ben tungkol sa kahulugan ng mga panaginip. At ganito ang nakasulat: “Kapag napanaginipan mo na naglalakad ka sa hagdanan at nakarating ka sa tuktok nito, ito ay senyales ng magandang kapalaran. Nangangahulugang mararating mo ang lahat ng iyong mga binabalangkas at pinapangarap sa buhay. Kung ikaw naman ay isang mangangalakal, iihip ang hangin ng kasagaaan sa iyong negosyo at sa pamamagitan ng sarili mong mga palad mapapaunlad at mapagpapala mo ang iyong negosyo hanggang sa ikaw ay yumaman. Kung ikaw ay isang magsasaka, ang hagdanan ay nangangahulugang mamumunga ng marami ang lahat ng lupa na iyong bubungkalin at tataniman, marami kang aanihin hanggang sa ikaw ay umasenso. Kung ikaw naman ay isang estudyante ang hagdanan ay nagpapahiwatig na maaabot mo ang rurok (climax) ng mga inaambisyon mo sa iyong propesyon o sa iyong career. Dagdag dito, sa pangkalahatan, ang hagdanan ay nagpapahayag din ng karangalan, pagsikat at kasaganaan

 

Gusto mo bang matunghayan ang iba pang mga pagtalakay ni Maestro Honorio Ong tungkol sa panaginip at matutong mag-interpret ng sarili mong panaginip? Maaari din kayong magtanong “online” sa kahulugan ng inyong mga panaginip. Walang bayad namin kayong paglilingkuran. Manatili at lagi lamang sumubaybay sa pang-araw-araw niyang kolum dito lang saPhilippineone.  Exclusive: 

Dream Interpretation Online 

Ang Sikreto ng iyong Panaginip 

ni Maestro Honorio Ong

10 COMMENTS

  1. hi po Maestro Honorio Ong gud eve po
    sana po mabigyn nyo ng pansin ang aking katanungan.
    nanaginip po ako .ng tubig sapa po cya
    tapos nung naliligo n kami bigla cya nagkalumot at lumabo
    tapos meron mga bibe.
    lage po aq nanaginip ng gnyn tubig n malinaw tapos bigla n labo ano po kya ibig sabihin nun

  2. Gandang araw po nanaginip po c nanay q ying bahay po na balak kong bilin nakita nya po nasusunog pero wla nman daw kmi sa loob ng bahay..ano po kaya ibig sabihin non kya nagalala po sya na wag na ituloy pagbili ng bahay..

  3. Maestro magandang umaga po. Ano pong ibigsabihin ng panaginip ko habang nglalakad po ako sa kalsada pauwi ng bahay nakita ko po sa terace ang anak ko n naka semi gown n pink na sumusuka sa labas ng terace. Ang bahay po nmin ay nasa 6floor nakadungaw ang anak ko po sa terace at sumusuka na may sounds. Sana po masagot nyo mga tanong ko salamat po. Tagasubaybay nyo po. Russell ng italy.

  4. Hello po mr.ong palagi po ako nananaginip ng ahas kung minsan napapatay ko minsan napapadaan sa harap ko kagabi nman po may putol na ulo ng ahas sa buhok ko gumagalaw pa po.

  5. Good day sir ong.. anu po ibig sabihin na marami aqng nakitang pera sa daan at habang naglalakad aq. Pinupulot ko raw to. . Maraming slmat po..

  6. Good Day Sir!

    Nanaginip na naman ako ng tae, pero sa ngayon, ako naman n rw po ang tumatae, karami ko raw pong naitae sa kubetang walang bowl.. dahil nakikita rw po ung tae ko po, kumuha raw po ako ng isang baldeng tubig pra maishoot dw po ung tae sa butas, and then bigla po akong naglilinis ng bowl, nilinis ko raw po gang s apumuti po yung bowl saka ko raw po inilagay sa butas pra may bowl dw po ung kubeta na iyon.. anu po ibig sabihin po nito? Thank you.

  7. Dear MAESTRO HONORIO ONG,
    Good day, po! Nais ko lng malaman kung ano po ibig sabihin ng napanaginipan ko ung asawa ng x live in partner ko pero hiwalay na kami ng 17yrs. May anak ako sa x ko na 25y.o na ngaun. Ung panaginip ko ay parang 1buwan makalipas ng namatay un x ko. Un panaginip ko dumating dw saaming bahay pero endi ko alam kung saang bahay iyon ung kanyang tunay na asawa at naka itim pinapasok dw ng endi ko rin cgurado kung nanay ko ( pero matagal na patay nanay ko) o ate ko. Tahimik lng dw cya (asawa ng x ko) at pormal lng dw kung tignan ako. Pero sa walking life po itsura cyang matapang at talagang kung makikita niya ako ay cguradong galit cya, endi ganun sa panaginip ko. Maraming salamat po.

  8. Anu po ibig dabihin ng kulambo sa panaginip..wait ko po reply at ang nanay at tatay ko po katabi ko pero pareho na silang patay

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here