Kahulugan ng punong kahoy na walang dahon pero biglang nagkadahon at nagkabunga

1
143
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Dream Interpretation Isyu # 70 

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Andrea tungkol sa isang punong kahoy na walang dahon pero biglang nakadahon at nagkabunga.

Dear Maestro, 

Nanaginip po ako, na kasama ko raw ang pinsan kong babae, dalawa raw kami na naglalakad sa parke, tapos nakita raw namin ang isang puno na walang kadahon-dahon, sabi ko raw sa pinsan ko “Ba’t kaya walang dahon ang puno na yan?” Tapos sumagot naman siya sabi niya, “Hindi ko alam!” Tapos sabi ko raw, “kawawa naman ang puno, sana magkadahon!” Tapos nagulat daw kaming dalawa, dahil pagkatapos na pagkatapos kong sabihing “Sana magkadahon!” Bigla pong nag-usbungan ang mga dahon sa puno, at nagkabunga pa. Sa sobrang tuwa raw po naming dalawa ay napasayaw kami. At nagising na po ako. Ang pinagtataka ko ay kung bakit “baby shark” pa ang sinayaw namin, eh, puwedeng namang ibang tugtog? Sana po masagot ninyo ang kahulugan ng panagnip kong ito?

 

KASAGUTAN:

Sa makaluma o pang-tradisyunal na interpretasyon kapag ang punong kahoy  sa panaginip ay malago, maganda at maraming bunga, ito ay tanda na sa lahat ng ginawa mo sa kasalukuyan, tiyak na susuwertehin ka.”

Oo,  susuwertehin ka, hindi lang sa materyal na bagay, sa propesyon o kung anupaman ang pinagkakaabalahan mo sa ngayon, bagkus ang puno na maganda, maraming dahon, may bulaklak at mga bunga ay tanda rin ng isang masaya pag-ibig at pag-aasawa na hahantong sa isang maligaya at masayang pamilya.

Dagdag dito, sa makaluma o pang-tradisyunal na interpretasyon tungkol sa prutas o bungang kahoy,  sinasabing depende sa kung anong klase ng bunga o anong klaseng prutas ang napanaginipan mo.  Halimbawa “apple o mansanas” ang napanaginipan mo –  ito ay tanda ng kasaganahan at pagyaman. Habang kung ikaw ay isang babae, maligayang pag-ibig at pagkakaroon ng isang matalino at mabait na anak na ikararangal ng inyong pamilya ang ibig sabihin ng mansanas sa panaginip. 

Kung ikaw naman ay isang lalaking wala pang asawa o girlfriend ang mansanas sa panaginip ay pangako ng isang romantiko at pang habang buhay na pag-iibigan na hahantong sa isang masayang pag-aasawa.

Ang dahon naman sa panaginip sa makaluma o pang-tradisyunal na interpretasyon ay nangangahulugang kasaganahan at pag-unlad, lalo na kung ang nakita mo ay punong kahoy o mga halamang napaliligiran ng sariwa at berdeng mga dahon, tulad ng nasabi na, ito ay tanda rin ng pag-unlad at kasagahang pangmateryal.

Sa mga binata at talaga, tulad din ng punong kahoy na malago ang mga dahon ang sariwang dahon sa panaginip  ay tanda rin ng isang masaya, nakakikilig at pang habang buhay na pag-iibigan.

Samantala sa modernong kahulugan o pang-psychology na interpretasyon, ang punong kahoy sa panaginip ay ikaw din. Kaya nga kung ang punong kahoy ay matatag, malabay ang mga sanga at berdeng-berde ang mga dahon at sariwang-sariwa, ito ay tanda ng “iyong vitality, kalakasan o  ng iyong kalusugan.”

Ibig sabihin malusog na malusog ka at pati na rin ang pangdamdamin at pang emosyonal mong kalagayan kapag malusog at maganda ang punong kahoy ang napanaginipan mo. Dagdag dito ito ay tanda rin na sa kasalukuyan bukod sa malusog ang iyong pisikal na katawan at pagkatao, masaya at maligaya rin ang  kasalukuyang disposisyon mo sa buhay.

Ang prutas naman sa moderno o pang-psychology na intepretasyon ay tanda ng kasagaan sa lahat ng aspeto ng buhay. Nangyaring ganon dahil sa prutas nagmumula  ang mga buto na magsisilbing pang-gagalingan ng panibagong mga halaman, ang prutas sa panaginip ay sadya ngang napakasuwerte, ito ay tanda rin ng “maturity at fertility.” 

Kung dati ay isip bata ka pa, sa kasalukuyan ay unti-unti ka ng magma-matured. At kung noon ay hindi pa stable ang iyong career, ang career mo ay magiging napakaunlad na nga at pupunta sa antas na todong “peak” at todong ganda talaga.

Kumbaga, kaya ka nanaginip ng “prutas” dahil ipinapakita sa iyo ng unconscious self mo na kung anuman ang ginagawa mo sa kasalukuyan, tiyak na ito ay magbubunga ng ibat-ibang klase ng tagumpay at hindi lang tagumpay kundi may kasama pang mga biyaya at pagpapala, na sadyang ikaliligaya talaga ng buo mong  pagkatao, at pati na rin ng iyong puso at kaluluwa.

Ganon din ang kahulugan ng mga dahon, kapag ang dahon ay malago, sariwa at maganda,  ito ay tanda na sa kasalukuyan sa panahong ikaw ay nanaginip ng mga sariwa at magagandang dahon, tuloy-tuloy at patungo na sa paglago at pananariwa ang lahat ng aspeto ng iyong buhay.

Kaya nga Andrea, kung susuriin natin ngayon ang iyong panaginip na “kasama mo ang pinsan mo at nasa parke kayo at nakakita kayo ng puno na walang dahon” ito ay tanda na sa “simula o maaaring sa kasalukuyan, ikaw ay isang babae o dalaga na walang kasilbi-silbi sa buhay o hindi productive ang pang-araw-araw mong karanasan.”

Pero hindi ka pala nasisiyahan  sa ganoong kalagayan ng buhay. Dahil sa iyong panaginip, sinabi mong:   “kawawa naman ang puno, sana magkadahon!” Ito ay tanda ng “naaawa ka sa hindi magandang kalagayan mo ngayon sa buhay.”

Kaya matapos kang maawa sa sarili mo, ano ang naging kasunod? Yon nga, ano ang nangyari sa panaginip mo: “Nagulat daw kaming dalawa, dahil pagkatapos na pagkatapos kong sabihing “Sana magkadahon!”  Ano ang naging kasunod na pangyayari sa iyong panaginip?

Tulad ng nasabi mo na, “Bigla pong nag-usbungan ang mga dahon sa puno, at nagkabunga pa.” Ibig sabihin matapos na ikaw ay maging walang silbi, maaari, wala kang trabaho o wala kang kabuhay-buhay talaga, magiisip ka ngayon at magsikap, “bigla mong sinabing magkadahon” at yon nga ang naganap – “nagkadahon nga ang puno at nagkabunga pa.” 

Na ibig sabihin lahat ng pagsisikap mo sa panahong ito ay gagantimpala ng suwerte at napakaraming mga biyaya, at dahil kasama mo ang pinsan mo sa iyong panaginp, ito ay tanda na sa panahong mayamang-mayaman ka na at very successful, hindi lang ikaw ay makikinabang, bagkus babalatuhan at makakasama mo rin sa tagumpay at kasagaanan ang iyong pinsan.

Sa tanong naman na “nang sumayaw kayo sa tuwa ay bakit baby shark pa ang tugtog?” Ito ay tanda na sa iyong pag-aasawa o sa panahong may pamilya ka na, ikaw ay magkakaroon ng masaya at sama-samang mag-anak, at ito ay nagpapahiwatig din ng iyong masayang pagtanda sa piling ng mga mababait, matatalino at mapag-aruga mong mga anak, kahit na matandang-matanda ka na masaya pa rin ang inyong pamilya at makakasama mo pa rin ang iyong mga anak at mga apo, na mag-aalaga sa iyo ng may pagkalinga at pagmamahal habang buhay.

SHARE
Previous articleHoroscope, Nobyembre 15, 2017
Next articleKSP
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

1 COMMENT

  1. Dear maestro, nanaginip po ako kagabe nsa magandang iland po ako boracay po kasama ang mga kaybigan at asawa ko,may maganda at malinis na karagatan naligo po ako tas umahon,tas nag lakad lakad daw po ako kasama ang dalawang kaybigan ng bigla kming maligaw tas sa dinadaan daw po nmin biglang tubig na naging putik naging hangang bewang daw po,kya lumihis daw po kmi ng daan at napunta nman kami sa may sementeryo,maganda at maayos nman po ang sementeryo ng may biglang matabig ang kasama ko na nakapatong sa nitso pero hinde nman daw po ito nabasag dinampot ko daw po ito ibinalik,tas may nakita po kaming tatlong babaeng nakaputi po at nakabelo parang ang suot po nila ay mag sisimba,nagtanung daw po kmi kung saan ang tamang daan patungo sa may lugar nming tinutuluyan at itinuro naman daw nila at pinasakay daw po kmi trybike po bumaba daw po kmi sa may tindahan ng biglang naaliw po ako sa isang palabas,isang malaking aso na nag tatanghal at nakaharang sa daan tumatalon talon daw po ito sa apoy,nag pa iwan daw po ako at nauna ng umuwe ang mga kasama ko,tas nung pauwe na po ako biglang may hawak npo akong sanggol tas bigla po umulan ng malakas at hinde daw po kmi makauwe dahil ang lakas ng ulan inaalala ko ang hawak kong sangol,nakisilong daw po kmi sa may tindahan at nkita kong may tindang payong,bumibile daw po ako at nkipagtawaran sa nag ti2nda ng payong dahil kulang ang pera ko,tas tinanung po ako ng tindera kung magkano ang pera ko pag dukot ko pa sa bulsa ko ay nakita ko mmang tama ang halaga ng dala kong pera para sa presyo ng payong…yun lng po at nagising npo ako….sana mabigyang kahulugan nyo po ang aking panaginip maraming salamat po😙😙

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here