Kahulugan ng carpet sa panaginip

0
83
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Dream Interpretation Isyu # 69

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Pauline tungkol sa carpet.

Dear Maestro, 

Nanaginip po ako na dumating daw ang nanay ko at may biniling carpet. Tuwang-tuwa raw kami ng kapatid kong bunso na si  Patrick, kaya sumakay daw po kami. Tapos nagulat kami, dahil umangat sa lupa ang carpet. Lumabas ng pinto at lumipad daw po kami ng pagkataas-taas. Tapos pinapanood daw namin ang mga sasakyan at mga tao sa ibaba. Tapos nagising na po ako. Ano po ang kahulugan ng panaginip kong ito?

 

KASAGUTAN:

Walang alinlangan Pauline na ang napanaginipan mo ay ang mahiwagang flying carpet na napapanood natin sa mga fairy tales, tulad ng fairy tale na Aladdin and the Magic Lamp, kung saan, nagkaroon ng isang mahiwagang carpet si Aladdin, sinakyan niya ito kasama si Princess Jasmine at inutusan niya itong makalipad sa langit upang ipasyal sila kung saan-saan at pagkatapos ay  bumalik na sila sa kaharian.

Bukod kay Aladdin si Haring Solomon ay nagtataglay din ng mahiwagang magic carpet. Nauutusan niya rin itong lumutang sa lupa hanggang sa tuluyang lumipad sa kalangitan.

Ganito ang nakasulat sa The Jewish Encyclopedia s.v. Solomons carpet, tungkol sa mahiwagang carpet ni Haring Solomon:

“When God appointed Solomon king over every created thing, He gave him a large carpet sixty miles long and sixty miles wide, made of green silk interwoven with pure gold, and ornamented with figured decorations. Surrounded by his four princes, Asaph Berechiah, prince of men, Ramirat, prince of the demons, a lion, prince of beasts, and an eagle, prince of birds, when Solomon sat upon the carpet he was caught up by the wind, and sailed through the air so quickly that he breakfasted at Damascus and supped in Media. One day Solomon was filled with pride at his own greatness and wisdom; and as a punishment therefore the wind shook the carpet, throwing down 40,000 men. Solomon chided the wind for the mischief it had done; but the latter rejoined that the king would do well to turn toward God and cease to be proud; whereupon Solomon felt greatly ashamed.”

Samantala sa makaluma o pang-tradisyunal kahulugan dahil noong unang panahon ang carpet ay ay makikita lamang sa mga magagarang bahay, palasyo at kaharian, sinasabing ang  kahulugan ng carpet sa panaginip ay nagpapahiwatig na napipintog pagyaman.

Kaya nga kung ikaw ay nakapanaginip ng elegante, maraming burloloy at napakaganda o napakagarang carpet ito ay nagpapahiwatig na sa darating na mga panahon, makakaranas ka ng isang elegante at mayamang-mayamang pamumuhay o dili naman titira ka sa isang napakagarang bahay na mala-palasyo ang dating.

Sa madaling sabi ang carpet sa panaginip, basta ito ay maganda at elegante ay nagpapahiwatig ng kasaganaang sa buhay sa partikular sa materyal na bagay at ganon din kasaganaan sa antas ng pamumuhay ng inyong pamilya.

Samantala sa modernong kahulugan o pang-psychology interpretasyon, sinasabing kung nakapanaginip ka ng carpet, pansinin mo kung ano ang hitsura nito? Maganda ba ang design, wala bang sira ang carpet at pangmayaman ba talaga ang carpet na napanaginipan mo?

Ganyan ang mga tanong dahil sa pang-psychology na pagi-intepret ang carpet ay ikaw mismo. Ibig sabihin kung ano ang hitsura ng carpet Iyon mismo ang hitsura ng inner self mo sa kasalukuyan.

Kaya nga kung ang carpet sa iyong panaginip ay gulagulanit o sira-sira, ibig sabihin lang nito, magulo at maraming suliranin ang buhay mo sa kasalukuyan.

Subalit kung ang carpet sa iyong panaginip ay maganda, elegante at maraming burloloy, tulad ng naipaliwanag na, ito ay tanda na ikaw ay nabubuhay sa ngayon sa isang elegante, marangya at masarap na pamumuhay.

Samantala dagdag dito, maaari din namang ang carpet sa panaginip ay tulad din ng intepretasyon sa panaginip na lumilipad. Ito ay tanda na kapag nanaginip ka na lumilipad, nagpapahiwatig na sa kasalukuyan mong buhay, mayroon bumabagabag sa sarili mo na gusto mong takasan. At para makatakas si conscious self mo sa mga problema at magulong buhay sa kasalukuyan, gumawa ng paraan si unconscious self, binigyan ka niya ng mahiwagang carpet sa panaginip, upang tuluyan ka ng makalipad.

At dahil ang nanay mo ang bumili ng carpet sa iyong panaginip Pauline, at nagdala sa inyong bahay, ibig sabihin lang nito, sa pamamagitan ng nanay mo at sa tulong iyong nakababatang kapatid na kasama mo habang lumilipad ang carpet agad na maso-solved o masusulusyunan ang mga problema mo sa kasalukuyan at matapos itong masolusyonan, feeling happy-happy ka talaga, masayang-masaya na tulad ng lumilipad sa kalawahan sakay ng mahiwagang carpet.

Samantala,  sa pang-fairy tales na interpretasyon ang panaginip na magic carpet ay nagpapahiwatig ding sa susunod na mga araw anuman ang hilingin mo sa buhay, gaano mang karangya o gaano mang kaluho nito lalo na at may kaugnayan sa inyong pamilya ang hihilingin mo, walang duda, sa malapit na hinaharap bago sumapit ang Pasko, tiyak na magkakatotoo at matutupad ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here