Kahulugan ng bubuyog sa panaginip

0
122
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Dream Interpretation Isyu # 66

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Carla ng Bulacan, tungkol sa bubuyog.

 

 Dear Maestro, 

Sa panaginip ko namimintas daw ako ng mga gulay, pagkatapos may dumating na isang bubuyog, hinahawi ko raw siya ng kamay ko. Tapos naging dalawa, naging tatlo hanggang sa dumami nang dumami. Tatakbo sana ako dahil natatakot akong baka kagatin ako, pero nagising na ako. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko?

KASAGUTAN:

Kung namimintas ka ng mga gulay, maaaring sa isang garden o sa isang bukid na may mga tanim na gulay ang lugar ng iyong panaginip, kung ganito nga ang sitwasyon, walang duda ito ay nagpapahiwatig ng “harvest o pag-aani, na nagbabadya ng kasaganaang pang-materyal sa susunod na mga araw.” 

Samantala, sa makaluma o pang-tradisyunal na kahulugan ang bubuyog sa panaginip, sa pangkalahatan ay tanda ng mabuting kapalaran.

Kaya nga anuman ang kina-career o pinagkakaabalahan mo sa ngayon, tiyak na ito ay magtatagumpay at aani ka ng hindi lang salapi, kundi ng saya at kaligayahan.

Kung mahirap ka lang o walang gaanong salapi, ang bubuyog sa panainip ay tanda na sa susunod na mga araw magkakapera ka ng maraming-marami.

Kung mayaman ka na sa kasalukuyan at nanaginip ka ng bubuyog, ito ay tanda na lalo ka pang yayaman at makatatanggap ka sa lipunang iyong ginagalawan ng mga pagkilala at mga karangalan.

Sa mga binata at dalaga, ang bubuyog sa panaginip ay tanda naman ng isang maligaya at masaganang pag-aasawa na bibiyaan din ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Kung ikaw naman ay pangkaraniwang manggagawa o nag-oopisina, ang bubuyog sa panaginip ay tanda ng dagdag na suwedo o biglaang umento ng sahod mula sa amo mo na ngayong Kapaskuhan ay magbabait-baitan.

Sa mga estudyante, ang bubuyog sa panaginip ay tanda ng matataas na marka at mga pagkilala. Dahil ang bubuyog ay gumagawa ng honey bee, ito ay tanda din ng isang nakakilig na “puppy love na sitwasyon”, kung saan, maaaring pansinin ka na ni crush at maaring dahil ginalingan mo “makakabuo na kayo ng isang nakakikilig na relasyon sa susunod na mga araw.”

At sa mga may edad na o senior citizens, ang bubuyog sa panaginip ay pahiwatig  ng isang mahaba at produktibong pagtanda.    

Samantala, sa   modernong kahulugan o pang-psychology interpretasyon dahil ang bubuyog tulad ng langgam ay nabubuhay kasama ang “colony o community” kung bagay, lagi silang grupo at hindi puwedeng nag-iisa lang, ang ibig sabihin ng bubuyog sa panaginip tulad din ng langgam, putakte at iba pang insekto ay nagpapahiwatig na sa kasalukuyan “ang iyong unconscious self ay  naghahangad o gustong makibahagi sa mga proyekto o activities na may kaugnayan sa lipunan.” Kung bagay, gusto mong magpapansin sa inyong kumunidad at ma-recognized ang iyong galing at kakayahan.

Sinasabi ring dahil may kasabihan sa wikang English na “busy as a bee”, ang panaginip na bubuyog ay tanda din “sa kasalukuyan, sa sandaling naging “busy ka o abala sa anumang dapat pagkaabalahan, kasunod nito ay isang napakalaking suwerte at magandang kapalaran.” 

Dagdag dito, dahil ang trabaho ng bubuyog ay nangunguha ng nektar o honey sa mga halaman at iniipon nila ang matamis na pulot-pukyutan, ang panaginip na bubuyog ay tanda din ng napipintong labis na kasiyahan. Ibig sabihin sa malapit na hinaharap may isang pangyayari o sitwasyong  sadyang ikaliligaya mo na tulad ng nasabi na, walang pagsidlan ang kaligayahan mo dahil sa sobrang saya.

Sa traditional India’s love poetry, ang mga bubuyog bilang  mensahero ng pag-ibig at tanda din ng isang masarap na romansa. Kaya ang panaginip na bubuyog ay nagpapahiwatig din ng isang “very satisfied sexual and romantic love affair” na maaaring maganap sa susunod na mga araw.

Sa Greek at Egypt mythology ang bubuyog ay may kaugnayan sa “divine, sa god at goddesses” na ngangahulugang ang panaginip na bubuyog, ay tanda na “umaangat ang level ng conscious self patungo sa kaitaasan” o kung baga’y nagiging mapagnilay ka tungkol sa “higher self at sa bandang huli ay maaaring maabot mo ang enlightenment o pagkamulat na tinatawag ng mga mystic.” 

Dagdag dito, dahil ang honey bee ay itinuturing na gamot sa maraming uri ng karamdaman at nakapagpapahaba ng buhay, ang panaginip na bubuyog ay tanda din ng “divine at mysterious healing” o kagalingang mala-magic sa lahat ng uri ng karamdaman. Kung saan, bukod sa“healing” ang bubuyog sa panaginip ay tanda din ng isang produktibo at maligayang buhay.

Sa antigong aklat na Zadkiel’s Dream Book, mababasa ang isang napakagandang tula hinggil  sa panaginip na bubuyog:

“To dream a bee is a rare good sign,

For wealth and great pleasure shall be thine;

Free shalt thou be from poverty’s pain,

All things tending to give thee gain. 

Look forward with joy to this blest state

Oh honour, and peace, and riches great;

 Work on, hope on, trusting in heaven,

And all this good to thee shall be given. 

Thy wife shall become a fruitful vine;

Children around thee in virtue shall shine;

Thy life shall pass unmingled with care;

The dreaming of bees denote such fare. “

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here