Kahulugan ng bigas sa panaginip

1
235
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Maria Cristina, tungkol sa bigas.

Dear Maestro, 

Ano po ang ibig sabihin ng bigas sa panaginip? Bumili raw po ako ng bigas at ilang araw ko na rin naman itong napapanaginipan. Bakit po kaya?

 

KASAGUTAN:

Ang panaginip na bigas ay may kaugnayan sa “wish fulfillment”. Ibig sabihin, kung halimbawang mahirap lang kayo at lagi kayong walang bigas sa lalagyan tuwing kukuha ka para magsaing ay said o walang laman ang bigasan, posibleng managinip kang bumibili ng bigas.

Ganon din ang panaginip na “mga pagkain” kapag natulog ka ng “gutom o nagugutom” malaki ang posibilidad na makapanaginip ka ng “pagkain habang ikaw ay natutulog.” 

Nangyaring ganon, dahil gustong-gustong magkaroon ng bigas ni conscious self mo, kaya itong kagustuhan o “wish” na ito ay awtomatikong ipinagkaloob sa iyo ni“unconscious self mo”, upang tulad ng nasabi na “kahit saglit lang, kahit sa panaginip man lamang ay tuluyang makaraos at magkatotoo ang isang bagay o pangyayaring gustong-gusto mong mangyari sa totoong buhay mo.”

Ang mga ganitong panaginip “wish fulfillment” ay kadalasan ding napapanaginipan ng isang teenager, halimbawa isang babae na may crush sa kanyang ka-eskuwela at lagi niyang naiisip ang crush niyang ito. Malaki ang  posibilidad na sa susunod na mga araw makakapanaginip ang nasabing babae na “magkasama silang naglalakad o nagkukuwentuhan sa classroom ng kanyang crush.”

Ang ganitong mga panaginip, kagaya rin naman na nagka-break kayo ng boyfriend mo, pero mahal na mahal mo pa rin. Gagawa ng paraan si unconscious self upang muli kayong magkasama. At tulad ng naipaliwanag na, posibleng mapanagipan mo ang ex-boyfriend mo na nagdi-date o magkasama kayong dalawa sa isang parke o sa lugar kung saan madalas kayong mag-date.

Ang ganitong klaseng panaginip tulad ng naipaliwanag na ay isang uri ng “outlet” sa supistikado o high tech na pagkakaugnay o pagkakagawa sa ating conscious at unconscious self na waring nagsasabing: “nagtutulungan silang dalawa, upang magkaroon ng balanse at masarap na karanasan ang  mismong pagkatao ng isang indibidwal sa pansamantalang buhay natin sa mundo.”

Kaya kapag may “gusto kang mangyari sa walking life mo o sa panahong gising ka, pero imposible o malabong mangyari, matulog ka lang at makikita mo, kusang papangyarihin ito ni unconscious self na parang totoong-totoo, iyon nga lang sa panaginip nga lamang.”

Sa  bagay ganon naman talaga, “dahil kung tutuusing mabuti, ay halos wala namang pagkakaiba ang “walking life o sa panahong tayo ay gising at sa panahong tayo ay tulog at  nananaginip”  sabi nga ng Spanish poet and philosopher na si Pedro Calderon dela Barca, (600-1681), “Life is a dream.”

Habang ang sabi naman ni Maestro Honorio Ong, “Ang buhay ay isang panaginip, masarap matulog kapag ganitong malamig at malapit na ang Pasko dahil malapit na ring matanggap ang bonus at 13th month pay!” 

Samantala, sa makaluma o pang-tradisyunal na kahulugan,  sinasabing isa sa pinakamapalad na panaginip ang mga butil sa partikular ang bigas o ang trigo, sapagkat ito ay nagpapahayag ng kasaganaan. At hindi lang ‘yon, sinasabi ding basta nagsikap ka lang sa buhay, ibig sabihin ay nagsipag ka, siguradong yayaman ka at hindi ka lang yayaman, irerespeto ka pa ng lipunan o kumunidad na iyong kinabibilangan at sa iyong pagtanda magkakaroon ka ng maraming pagkilala at mga karangalan.

At dahil ang bigas ay pangunahing pagkain ng buong pamilyang Pinoy, ibig sabihin din ng iyong panaginip, hindi ka mauubusan ng grasya at hindi sasala sa pananghalian ang iyong pamilya, kung saan, bukod sa laging masagana ang inyong hapag kainan, magiging masagana rin ang iyong pamilya habambuhay.

Sa mga magsasaka at sa mga negosyante, ang panaginip na bigas ay nagpapahiwatig ng masaganang ani. Ito ay tanda rin ng maraming kita at doble-dobleng tubo ang darating sa susunod na mga araw.

Samantala sa sa modernong kahulugan o pang-psychology na interpretasyon, sinasabing sa mga taga-Silangan, ibig sabihin ay sa Asia, ang bigas ay itinuturing na pangunahing pagkain. Habang sa Europe naman wheat o trigo ang pangunahing pagkain, kung saan, kapag binigyang kahulugan ang “trigo at bigas” sa panaginip, lumalabas na ito ay may parehong interpretasyon  at dahil ang trigo at bigas nga ay ang pangunahing pagkain ng mga tao, kapag nanaginip ka nito ito ay tanda ng“abundance” o kasaganahan. Bukod sa kasaganahan, ang bigas ay naghahayag din ng napipintong pagyaman at pagkakaroon ng maraming-maraming ari-arian at mga kabuhayan.

At dahil ang mga butil ng bigas ay siya ring pangunahing isinasaboy sa ikinkasal bilang blessing, sa panaginip ang butil ng bigas ay tanda rin ng  “fertility’ at masayang pag-aasawa.

Kaya kung ikaw ay isang binata o isang dalaga at nakapanaginip ka ng mga butil ng bigas ito ay nagpapahiwatig na malapit kang ikasal o makapag-asawa at sa iyong pag-aasawa, pihadong magkakaroon ka ng isang masaya at masagang pamilya habang buhay.

Para naman sa mag-asawa na wala pang mga anak, ang butil ng mga bigas tulad ng nasabi na ay kumakatawan din sa “fertility”, ibig sabihin, gumawa lang kayo ng gumawa ng baby, at makikita n’yo, isang umaga kapag nag-pregnancy test na si misis, positive ang magiging resulta, na naghahayag na “buntis si misis at pagkatapos nang siyam na buwan isang matalinong lalaking sanggol ang isisilang na kukumpleto sa pagmamahal ng mag-asawa.”

1 COMMENT

  1. Maestro parehas din po ba yan ang ibigsabhin ng pulang bigas? Kc nanaginip po ako na may ngbibilad ng pulang bigas sa kalsada at un din ung bigas na sinaing namin.. Taz sinandokan daw ako ng nanay ko ng kanin na pula.. Diba po may organic na bigas na pula un po..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here