Kahulugan ng baboy sa panaginip

0
223
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Dream Interpretation Isyu # 62 

Kung  makaluma o pang-tradisyunal  na interpretasyon ang pagbabatayan, medyo magkahalong hindi maganda at medyo maganda ang kahulugan ng baboy sa panaginip.

Ang baboy sa panaginip ay nagsasabing magkakaroon o mayroon ka sa kasalukuyan ng maraming mga traydor na kaibigan na kunwari ay mahal ka at nagmamalasakit sa iyo, pero pagtalikod mo ay sinisiraan ka pala.

Ito ay tanda rin ng literal na salitang “pambababoy” o “bababuyin ng mga kaibigan mo” ang iyong disente o maayos na pamumuhay.

Minsan naman ang baboy ay siya rin mismong “isang babaing pokpok o sensual na babae na kakalat-kalat sa inyong lugar”, na maaaring kinaiinisan mo kaya “napatay ng mga tao ang malaking baboy sa iyong panaginip.” 

Kung ang psychologist na si Carl Jung ang mag-i-interpret, maaari niyang sabihing “ikaw din ang baboy sa iyong panaginip, higit lalo kung ikaw ay isang mataba at aktibong babae malakas lumamon” pero hindi naman natin puwedeng sabihin agad-agad ito, dahil baka magalit ka. Pero pasensya ka na sinabi ko na rin para kumpleto ang pag-aanalisa ng iyong panaginip. Kaya nga kung halimbawa namang ikaw ang “baboy ay napatay ka ng mga tao”, ibig sabihin nito, “ang mga negatibo o pangit mong ugali ay unti-unti ng mawawala at lilisan”, kaya ang matitira na lang sa yo ay puro positibong ugali na sa bandang huli ay magagamit mo para sa lalo pang ikatatagumpay at ikauunlad ng iyong buhay.

Ang baboy sa panaginip ay babala rin ng kalungkutan, ayon nga sa makaluma o pang-tradisyunal na interpretasyon, ito ay babala rin ng napipintong pagkakasakit, at kapahamakan. Subalit, anumang kapahamakan ang iyong masuutan, tiyak na makakaligtas ka.

Ganito ang saktong sabi sa antigong aklat na Zadkie’s Dream Book, “you will be exposed to great dangers and especially to the danger of losing your life, but you will escape a slight injury.” Ibig sabihin kahit na magkaroon ng kapahamakan ang iyong buhay, anumang uri ng kapahamakan, tulad ng nasabi na, sigurado at tiyak namang maliligtas ka o sigurado namang maliligtasan mo ito.

Samantala ang iba pang positibong kahulugan ng baboy sa panaginip ay ganito:

Sinasabi ring ang baboy sa panaginip ay nangangahulugang “magiging madali sa iyo ang magtagumpay sa lahat ng layunin mo na may kaugnayan sa lipunan, at sa bandang huli, mapapasa iyong lahat ang luho ng makamundong buhay, kung ikaw ay lalaki, magkakaroon ka ng – mga babae, alak, magagarang mga sasakyan, sugal, bisyo, at kung anu-ano pa.”  Maraming-marami ang tatamuin mong suwerte at pera, pero ang lahat ng ito ay ipampapasarap mo lang, hanggang sa ang tinatamasa mong sarap at luho ng buhay ay maubos, pero sa panahong iyon, medyo matanda ka na, kaya masasabi mo sa iyong kausap o kakuwentuhan habang nasa terrace ka ng iyong bahay at nakasandal sa silyang tumba-tumba: “Alam mo Iha o Iho, naranasan ko ng lahat ang luho at sarap ng buhay!” 

Dagdag dito ang isa pang positibong kahulugan ng baboy sa panaginip ay “kung ikaw ay isang mangingibig,  ikaw ay magkakaroon ng tapat na karelasyon, at ang inyong ugnayan ay mapupuno ng romantiko at mala-exhibitionist na mga romansahan.” Ibig sabihin, susubukan ninyong dalawa ng iyong kapareha ang iba’t-ibang uri ng position at pamamaraan, na abot ng inyong maiisip, upang lalo pang maging makulay at masarap ang inyong pagmamahalan.

Samantala, sa  modernong kahulugan o pang-psychology interpretasyon, dahil ang baboy ay pangkaraniwan ng ginagawang alkansiya, o may kaugnayan sa pag-iipon at pagtitipid, ang baboy sa panaginip ay nangangahulugan ng  “nalalapit na pag-unlad sa partikular kasaganaang may kaugnayan sa pananalapi at materyal na bagay.”

Ganon din naman dahil ang baboy ay itinuturing na “symbol of fertility” sa maraming mga sinaunang kultura, kaya naman ang baboy sa panaginip ay naghahayag din ng “fertility o kasaganaan”, higit lalo sa dalawang mag-asawa na hindi pa nagkakaanak. Ibig sabihin ng baboy, ay malapit na malapit na kayong makabuo ng mga babies – ibig sabihin magkakaroon kayo ng marami at malulusog na mga supling.

Sa Hawaiian mythology ang “superhuman god” na si Kamapua`a ay isang baboy. Siya ay isang makapangyarihang baboy na napangasawa ang “goddess na si Pele”. Si Pele ay goddess o fire, lightning, wind and volcanoes and the creator of the Hawaiian Islands. Kung saan, ng maging mag-asawa si Kamapua`a at si Pele ay nagkaroon sila ng anak na si Kaʹowakaikalani at nagkaroon sila ng isang maligaya at masaganang pamilya.

Ibig sabihin kung pagbabasehan ang Hawaiian mythology, ang panaginip na baboy ay hindi lang nagpapahiwatig ng kasaganaan at suwerte, ito ay nagbabadya rin ng kakaibang kapangyarihan.

Ngayon balikan natin ang panaginip mo Rizza, kung saan ay “may malaking baboy na nagwawala.” Ibig sabihin “may malaking suwerteng darating sa iyong buhay”. At ang sumunod na tagpo sa iyong panaginip ay “kinatay nila at nilitson ang baboy at tuwang-tuwa ang lahat at nagkaroon ng party o pagdiriwang”. 

Ibig sabihin, matapos na dumating sa iyo ang malaking suwerte, maiku-convert mo ito upang mapaligaya mo ang iyong pamilya at maaaring ang buong Barangay o ang lahat ng iyong mga kaibigan o kakilala.

Na kung iisipin nating mabuti, ang ilang sa mga ganitong tagpo ay maaaring kung ikaw ay kaka-graduate lang, “ikaw ay makakapasa sa board at dahil sa iyong malaking tagumpay  magkakaroon ng isang masaya at marangyang pagdiriwang.”

Maaari din namang kung ikaw ay isang matandang dalaga na o isang dalaga na medyo kinakabahan ng baka hindi makapag-asawa, ang iyong panaginip na “malaking baboy at masayang pagdiriwang” ay nagbabadya din na “sa susunod na mga taon o buwan, bigla kang makapag-aasawa, at dahil sa nakatutuwang pangyayari halos tumandang dalaga ka na ay nakapag-asawa ka pa, ipagdiriwang ng buong Barangay ang iyong tagumpay na sobrang saya ng lahat.”

At sa huli, dahil ang baboy ay simbolo din ng maraming salapi at kasaganaan, ang iyong itatayong pamilya ay tiyak na magtatagumpay at yayaman, sa partikular sa aspetong pagkabuhayan at materyal na bagay, na hindi lang mayaman, kundi mayamang-mayaman talaga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here