Kahulugan ng araw sa panaginip

1
155
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Dream Interpretation Isyu # 64

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Rhea tungkol sa araw.

Dear Maestro, 

Nanaginip ako na may kasama akong isang bata na hindi ko kakilala, tapos naglalakad  kami sa gubat, bigla raw sumikat ang araw at napakaliwanag. Kulimlim  ang panahon o parang magdadapit hapon na ng kami ay naglalakad, pero nagulat nga po kami dahil biglang sumikat ang araw na ubod ng liwanag. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip kong ito? 

 

KASAGUTAN:

Sa  makaluma o pang-tradisyunal na kahulugan, ang bata sa panaginip ay depende kung ilang taon o ano ang edad ng nasabing bata, pero kadalasan, kapag ikaw ay nanaginip ng may kasamang bata, ito ay nagpapahiwatig ng “panahon o kalagayan na punong-puno ng pag-asa at pangka-mangha ang buhay.”

Kumbaga, ang panaginip na bata ay larawan, kung saan, sa kasalukuyan mong sitwasyon anuman ang kalagayan mo,“laging may pag-asa at bagong buhay na magaganap sa iyong karanasan. Kaya nga ang bata sa panaginip, tulad ng nasabi na ay tanda rin ng “pag-asa at pagbabago patungo sa kasiglahan.” 

Kung ikaw naman ay may asawa na ang bata ay pahiwatig din na magkaka-baby ka na sa susunod na mga taon at kung ikaw naman ay may asawa na at may mga anak ka na, ang bata sa panaginip ay “unconscious wish” na gusto mo na uling madagdagan ang iyong mga supling.

Sinasabing ang mga matatanda na may sakit lalo na silang mga senior citizens ay kadalasang nakakapanaginip ng“tumatakbong bata o naglalarong bata na kanilang nakikita habang sila ay nakahiga sa banig ng karamdaman”, na ang panaginip na ito ay “nagpapahiwatig lang ng unconscious wish ng isang senior citizen na may karamdaman na muling lumakas ang kanyang pakiramdam at magbalik uli ang kanyang kalusugan sa tulad ng isang “bata na nakakatakbo at masiglang naglalaro-laro kung saan-saan.” 

Samantala ang araw naman sa panaginip ayon  makaluma o pang-tradisyunal na kahulugan ay nagpapahiwatig ng malaking tagumpay lalo na sa materyal na bagay. Ibig sabihin, kung ang layuin mo sa kasalukuyan ay magkamal ng maraming-maraming salapi at nanaginip ka ng araw, ito ay tanda na magkakatotoo ang iyong inaaturga, darating ang araw na yayaman ka.

Kung ikaw naman ay isang mangingibig ang araw ay nagpapahiwatig ng maligaya, fruitful at romantikong pag-aasawa.

Kung pangkaraniwang manggagawa ka lamang ito ay tanda ng mabuting balita na iyong matatanggap sa susunod na mga araw na ikagagalak ng iyong puso at kaluluwa.

Samantala sa   modernong kahulugan o pang-psychology interpretasyon, sa partikular kung ang psychologist na si Carl Jung ang tatanungin, sinasabing “ang bata sa panaginip ay siya ring archetypal child, which may appear as a wonder or divine child, represents the collective unconscious – the treasure hard to obtain. Therefore the archetypal child represents the healer, a bringer of wholeness.” 

Ibig sabihin, ang kasama mong bata sa iyong panaginip ay siya ring nagbabantay ng kayamanan, na maaari mong matungkab o matuklasan sa loob ng iyong sarili. At ang kayamanan na ito ay ang “wisdom o pagkamulat o maturity ng iyong personalidad.”

Na ibig sabihin sa darating na mga araw, magi-improve ang iyong personality upang lalo ka pang maging maligaya at mas maging matagumpay sa buhay.

Dagdag dito kaya ka nanaginip na may “kasama kang bata, magkakaroon ng malaking transformation sa iyong inner self patungo sa pag-unlad at pagkakaroon ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.” 

Samantala ang ibig sabihin naman ng araw sa modernong kahulugan o pang-psychology interpretasyon ito ay ang “vital energy, conscious awareness, enlightenment, at sa Japanese Shintois, ay siya ring itinuturing na “the spirit of universe” na tinatawag na Amaterasu, – nangangahulugang “ang kabuuang ng buong universo”.

Dagdag dito sinasabi ring ang araw sa panaginip ay ang “actual self mo” o ang sarili mo mismo.

Kaya kung sa iyong panaginip ay “lumiwanag ng napakaliwanag ng araw kaya lumiwalag din ng napakaliwanag ang buong paligid”, ibig sabihin ang nito, anuman ang inaaturga o ginagawa mo sa buhay sa ngayon, (madilim man ang iyong paligid o may problema ka man na nirerepresenta ng gubat sa iyong panaginip) tiyak na malulutas ang lahat ng iyong problema at pagkatapos ay tulad ng araw, sisikat ka, at maaabot mo ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay gaano mang kaluho o gaano mang kataas ito.

Ibig sabihin hindi lang tagumpay ang makakamit mo, kundi ubod laking tagumpay. At masasabing tagumpay na tagumpay talaga.

Kaya lang may tanong na naiiwan sa iyong panaginip, kung saan, “ano namang ang kaugnayan ng bata na kasama mo sa iyong panaginip?”

Sa makatuwid ang bata ay nagpapalala lamang na kapag nagtagumpay ka ng tagumpay na tagumpay sa iyong buhay na sobrang layo na ng narating mo, ang iyong panaginip ay nagpapaalala na “hindi ka dapat na maging hambog, mapagmataas  at maging mayabang sa panahong successful na successful  ka na.

Sa halip, yon ang nga ang nirerepresenta ng bata sa iyong panaginip, “ panatiliin  mo ang ugali ng pagiging isang bata, mapagpakumbaba, mabait, inosente at mapagparaya.

Sa ganoong attitudes lamang, tulad ng nasabi na, “kahit na maabot mo ang napakataas na tagumpay sa buhay na ito, pero nanatili kang bata at hindi naging hambog at hindi naging mayabang at hindi naging mapagmataas, kagaya ng panaginip mo,“Oo tulad ng araw, sisikat ng sisikat ang iyong tagumpay at lalo pang magliliwanag ng napakaliwanag ang iyong karangalan at kayamanan ang habangbuhay.”

1 COMMENT

  1. Lagi ko pong napapaginipan may mga kaibigan akong puting mga ahas at naglalakbay daw kami maraming mga puting kahoy puting puti ngunit wala silang dahon puro ugat lang…. Napakagandang tingnan…ano ibig sabihin ng panaginip ko na yun…..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here