KAHIT MARAMING NANINIRA: AlDub, karapat-dapat talagang hangaan

0
132

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Hindi man ako parating nanonood sa GMA7, alam na alam kong ang pinakasikat na artistang babae roon ngayon ay si Maine Mendoza na nakilala natin sa pangalang Yaya Dub.

Minsan din ay sinubaybayan ko ang kanilang Kalyeserye at nakakatuwa naman talaga ang lovestory nila doon ni Alden Richards. Sobrang nakakakilig. Lalo na’t hindi sila nagkikita dahil pirmi silang hinahadlangan ni Lola Nidora, ang mahigpit na lola ni Yaya Dub.

Si Yaya Dub naman ay pa-misteryo effect noon dahil talagang hindi mo maririnig ang kanyang boses. Kaya nga ‘Dub’ ang pangalan niya dahil bumubuka lang ang kanyang bibig at nagsasalita ayon sa sinasabi ng kung sino. Hanggang isang araw, habang nanonood si Alden Richards ay biglang natulala si Yaya Dub nang makita ang guwapong aktor. Kaya pala, crush niya ito at doon na nagsimula ang lovestory nina Alden at Yaya Dub.

Pakiramdam ng lahat ng babae ay sila ang representasyon ni Yaya Dub o Maine Mendoza. Isang simpleng dilag na nagkaagusto sa isang napkaguwapong prinsepe na sa katauhan naman ni Alden Richards. Kaya naman nu’ng 2015 ay talagang pinag-usapan ang kanilang mga romantikong eksena na talagang nakakakilig. Minsan pa ay nagawa nating isipin na talagang mayroong Prince Charming.

Si Alden Richards kasi ay napakaguwapo, napakatikas at kilala ng artista noon samantalang si Yaya Dub o Maine Mendoza naman ay simple lamang ang kagandahan at hindi pa ganoon kakilala. Ngunit, hindi naging hadlang iyon para sa mga manonood na para bang ng tingin sa tambalang Alden-Maine ay Guy&Pip. Nagkaroon sila ng milyon-milyong tagahanga dahilan para Philippine Arena.

Hay, talaga namang nakakakilig ang tambalang Alden at Maine na mas kilala sa tambalang AlDub. Sa nakalipas na mga taon, nagawa nilang labanan ang tambalang KathNiel.

Para nga mapatunayan na ang tambalang AlDub ay hindi lamang pang-Kalyeserye, nagkaroon sila ng pelikula at teleserye na talaga namang tinutukan din ng kanilang mga tagahanga. Mga tagahanga na talaga namang nagawang patunayan kung gaano nila kamahal ang tambalang Maine at Alden. Biro mo naman, hindi lang ang mga serye at pelikula ang sinuportahan ng mga ito, pati na rin ang mga produktong ina-advertise ng AlDub.

Saka sabi nga, kapag ang puno ay namumunga, hindi maiwasan ang batuhin. Sa mga tabloids kasi ay hindi naiiwasan na maging bida ang AlDub. Kung minsan ay puro paninira lang at hindi iyon nagugustuhan ng fans ng AlDub kaya naman hindi kataka-taka kung bakit may mga tagahanga ang nagiging warfreak. Ibig lang naman kasi nilang maipagtanggol ang kanilang mga idolo.

At sa aking palagay, ang AlDub naman talaga ay karapat-dapat na hangaan. Kahit naman kasi marami ang sa kanila ay naninira, kahit minsan ay hindi sila nasangkot sa eskandalo. Pinanatili nilang maganda ang kanilang imahe at dito pa lang ay masasabi kong karapat-dapat din naman silang hangaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here