KABIT NA DI PA RIN LUBOS NA HAPPY KAHIT KASAMA NA SI LABS

0
87
payo, artikulo, pag-ibig, kabiguan, pagmamahal, paghanga, martir, pag-asa,

Dear Maria,

Happy ako sa piling ng lalaking mahal na mahal ko ngunit isa lamang akong kabit kaya marami ang umiinsulto sa akin. Wala naman akong pakialam sa kanila basta ako ang mahal ng lalaking mahal ko pero bakit hindi pa rin ako happy? — Joanne

Joanne,

Hindi ka masaya dahil alam mong kahit kasama mo ang lalaking mahal mo, hindi ka panatag. Paano ka naman kasi magkakaroon ng kapanatagan kung alam mong hindi mali na mayroon kayong relasyon? Okay lang sana kung hiwalay na sila ng kanyang misis. Kaya ang tanong ko sa’yo, hiwalay na ba sila? Hmmm, hindi mo naman siguro gagamitin ang salitang ‘kabit’ kung hiwalay na silang mag-asawa. Maaari ngang hindi na sila nagsasama sa iisang bubong pero may bisa pa rin ang kanilang kasal kaya talaga ngang third party ka pa rin.

So what? Nu’ng pasukin mo ang relasyon na ‘yan, alam kong wala kang paki. Basta ang importante sa’yo, happy ka. Baka nga araw-araw ay nagsi-celebrate kayo ng mahal mo. Iyon nga lang, isang araw ay makakaramdam ka rin ng pagkasawa. O maaari ring nari-realize mo na hindi ka happy sa pagiging kabit. Paano ka naman kasi magiging masaya kung alam mong mali ang sitwasyong mayroon ka. Hayan nga at maraming nagpaparamdam sa’yo na isa kang masamang babae. Naninira ng pamilya. Hindi mo ba nai-imagine na nasasaktan ang kanyang misis at umiiyak ang kanyang anak o mga anak? Ganoon nga ba katigas ang iyong puso?

Kung sasabihin mong wala kang pakialam sa ibang tao, magpakasaya ka. Wala namang pipigil sa’yo ngunit hindi mo rin mapipigilan ang mga mga tsismosa na magsalita ng laban sa’yo. Dedmahin mo na lang sila. Tiyak ko naman ang importante lang sa’yo ay ang kasiyahan mo. Kung sasabihin mo namang hindi totoo ‘yan, ‘di pag-isipan mo na kung ano ang hakbang na iyong gagawin pagkaraan. Pero, kaya mo bang iwanan ang lalaking ‘yan?

O, hindi ba kapag hindi ka na masaya sa isang bagay ay iniiwan mo na? Kunsabagay, hindi naman kasi bagay ang lalaki na ‘yan kaya mahirap na basta-basta mo na lamang siyang iiwanan. Kaya, ang masasabi ko lang sa’yo, mag-isip ka ng dapat mong gawin. Hindi maaaring iyong paninindigan mo lang ang isang taodahil gusto mo pa siya ngayon. Ngunit kapag nahirapan ka na ay magsasabi ka na ng ‘ayawan na’.

Huwag kang magpa-stress sa kung sinong mga tao. Ang kailangan mong gawin, mag-relax ng husto saka ka magdesisyon kung ano ang dapat mong gawin. Napakasarap kasi kung magiging happy ka lang sa mga desisyong ginagawa mo. Mangyayari lang siyempre ito kapag naging sa ayos ang lahat. Hindi ka kasi makakakuha ng paggalang kung nakikita naman ng marami na hindi ka karapat-dapat igalang. Tandaan mo sa ‘yan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here