K-POP Republic 2 – Super Sulit At Super Sayang Concert

0
15

Kahit na hindi ganoon kaayos at pulido ang utos ng mga organizers, sobrang sulit pa rin at saya ng ikalawang K-POP Republic na concert.

Noong October 28 ay ginanap ang isa sa mga malaking kpop concert ng taon, K-POP Republic2. Apat na K-POP groups ang mga dumalo. Nandoon ang kpop boy band mula sa FNC entertainment na N.Flying, ang 13-membered girl group na Cosmic Girls o WJSN, ang isang sub-unit ng SM entertainment na NCT 127 at ang girl group with “knife-like” dancing skills na Gfriend. Ito ay ginanap sa Globe Circuit Grounds sa Makati.

Ito ang ikatlong concert noong isang buwan. Sobrang saya at exciting noong concert dahil sobrang lapit lang ng mga k-pop idols sa audience. Unang nag-perform ang Gfriend dahil aalis din sila agad noong kinagabihan na iyon upang magpunta ng Europe para sa isang variety show na isu-shoot nila roon. Limang kanta ang kanilang pinerform – Navillera, Rough, Summer Rain, Love Whisper at ang pinakasikat nilang kanta na Me Gustas Tu.

Sobrang sigawan ng mga fans ng sila ang unang lumabas para mag-perform sa entablado. Excited na excited ang mga fans at sila ay nakikisabay pa sa kanta. Nagpa-fan chant din ang karamihan sa mga fans lalo na ang mga “buddies”.

Pagkatapos nila ay ang boy band naman na N. Flying. Kahit na medyo hindi sila kilala ng karamihan dahil sa tumutugtog sila ng instruments at hindi sumasayaw katulad ng maraming ibang mga K-pop acts, nag-enjoy pa rin ang audience sa kanila. Magaling silang mag-hype ng mga tao at super engage sila sa mga nanonood. Sobrang ganda rin ng boses ng dalawang singers nila. 4 na kanta lamang ang kanilang na-perform.

Sumunod sa kanila ang girl group na may pinakamaraming miyembro sa Korea, ang Cosmic Girls. 5 kanta rin ang kinanta ng girl group na ito, Happy, I Wish, Secret, Momomo at Catch Me. Nagpakilala sila isa-isa at lumapit pa sila sa VIP audience ng matagal. Sobra ang sigawan at hiyawan ng mga fans lalo na ang mga lalaking Ujungs.

Last but definitely not the least ay ang boy group na galing SM entertainment, NCT 127. Sa kanila ang pinakamalakas na hiyawan at palakpakan sa buong gabi. 5 kanta rin ang kanilang kinanta. Mayroon dalawang English speaker sa grupo, sina Johnny at Mark kaya hindi na sila nag interpreter gaya ng naunang 3.

Sa huli ay lumabas muli ang 3 grupo at umikot ikot sila sa stage para pasayahin at magpa-picture sa mga fans. Matuturing ito na isa sa mga pinakamasaya at successful na concerts ng taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here