JANELLA SALVADOR, MANANG-MANA SA MGA MAGULANG

0
33

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Marami ang nagsusulputang aktres at singer sa panahon ngayon ngunit tila iba ang hatak ni Janella Salvador. Nakilala bilang ang maarte at kikay na si Nikki Lim sa daytime teleserye na Be Careful With My heart dahil sa makatotohanan niyang pagganap, agad na nasundan ng kanyang sariling palabas ng magtapos ang Be Careful With my Heart—Ang Oh My G! Ngunit, kahit pa naging sunud-sunod ang  show ng dalaga at naging unti-unti rin ang pagkilala sa kanya bilang isang magaling na aktres ay mas nagningning ang kanyang bituin nang mapasali siya sa mga interpreter ng Himig Handog P-Pop Love Song noong 2014.

Sa nasabing patimpalak ay inawit niya ang kantang Mahal Kita Pero na nanalo bilang third place. At dahil tunay nga naman na maganda ang boses ay mabilis na nabigyan ng album ng sumunod na taon, 2015 na mayroong self-titled album. Simula noon ay naging suki na siya ng nasabing patimpalak at nabigyan pa ng pagkakataon na maka-duet taong 2016 ang kanyang dating kasama sa show na Be Careful With My Heart na si Marlo Mortel. Binigyang buhay nila ang awiting Mananatili na isinulat ni Francis Louis Salazar.

Isang napakalaking prebelehiyo rin ang naibigay sa kanya ng mag-perform siya bilang lead cast ng Disney in Concert na ginanap sa Kia Theater. At dahil sa kanyang naging partisipasyon sa nasabing concert ay napili siya na kumanta ng theme song ng isa sa pinaka-successful na Disney animated film na pinamagatang Moana nang i-release ito sa Pilipinas. Ilang milyong views ang inabot ng kanyang nasabing official music video ng nasabing theme song na pinamagatang How Far I’ll GO at tunay na ipinakita niya sa pamamagitan ng awitin na mas isa siyang singer at performer.

Hindi na naman nakapagtataka ang angking kagalingan ng 19-year old na dalaga dahil parehong magagaling na performer din ang kanyang mga magulang. Ang kanyang inang si Jenine Desiderio ay minsan ng gumanap bilang si Kim ng critically acclaimed na musical na pinamagatang Miss Saigon habang ang kanyang ama naman na si Juan Miguel Salvador ay dating lead singer ng isang sikat na banda. Kung pakaiisipin at maging kung pakatitingnang mabuti ay tunay na napakabata pa ng dalaga ngunit kapag nabigyan na ito ng mikropono at nagsimulang umawit ay tila mapapanganga ang kahit sino sa timbre ng kanyang boses. Napakabuo at tunay na mapagkakamalan ng kahit na sino na galing sa isang mas beteranang mang-aawit ang kanyang boses.

Hindi na nakapagtataka na manalo siya bilang Best Female Recording artist mula sa Alta Media Icon Awards taong 2015 at Best New Female Recording Artist of the Year sa 8th PMPC Star Awards for Music taong 2016. Noong Mayo ng taong 2017 lamang ay nagkaroon siya ng digital concert at muli ay napili bilang isa sa mga interpreter ng 2017 Himig Handog P-Pop Love Song kung saan bibigyang buhay niya ang awiting isinulat ni Karlo Zabala na pinamagatang Wow na Feelings. (Wikipedia.com) At dahil ang kanyang mga nauna ng proyekto gaya ng haunted Mansion at Born For You kung saan ay kasama niya si Elmo Magalona ay naging isang napakalaking success ay muli siyang binigyan ng proyekto ng Regal na pinamagatang My Fairy Tail Love Story. Tiyak na hindi na naman magkakamayaw ang kanyang mga tagahanga para sa kanyang bagong proyekto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here