‘It’s Showtime’ Vice Ganda Qiqil C Acqueoh Series

0
91

Tuwing tanghali sa It’s Showtime, sikat na sikat na komedyante na si Vice Ganda ay nagsasalita tungkol sa kanyang mga hinaing sa mga bagay bagay. Ginagawa niya ito tuwing segment na ng Tawag Ng Tanghalan tuwing nagiinterview sila ng mga kontestant.

Marami na si Vice Ganda nabanggit sa kanyang qiqil series. Isa na dito ang reklamo niya tungkol sa mga taxi driver. Sinabi ng komedyante na madaming mga sira ulong taxi driver na tumatanggi ng sakay. Marami din mga taxi driver ang mga buwaya kung maningil sa mga pasahero.

Nagbigay siya ng mungkahi na gawan ng color coding ang mga taxi base sa mga ugali ng taxi driver. Tuwang tuwa ang mga tao dahil totoong totoo ang mga sinasabi ng komedyante. Sumasang ayon ang mga tao sa kanya.

Naglabas na din ng sama ng loob ang komedyante tungkol sa mga naging kapitbahay nila. Sinabi ni Vice na inis na inis siya sa mga kapit bahay na napakalakas magpukpok ng martilyo habang ginagawa ang tahanan, mga grabe magsikaraoke at kahit simpleng panunuod ng television lamang. Binaggit din ni vice yung mga kapit bahay na may aso. Yung tipong sa harap ng bahay nila pinapadumi. Galit na galit at gigil na gigil ang komedyante sa mga ito.

Binaggit na din ni Vice ang mga kasambahay nila. Kung gaano kapasaway ang mga ito. Nitong kamakailan lang, sinabi nya din ang mga pinagdaanan niya bilang isang commuter. Ayaw na ayaw niya daw yung mga babaeng mahahaba ang buhok at hindi nagtatali. Nakakain nya ang mga buhok nitong mga ito.

Pero ang isa sa mga sobrang tumatak ang ang mga reklamo niya sa mga boyfriend niya at sa mga babae.

Madalas na gawin ito ni Vice Ganda simula ng sumikat ito sa Facebook. Madami din naman ang natutuwa dahil sobrang makatotohanan ang mga sinasabing sitwasyon ng komedyante.

Ikaw, ano ang pinakagusto mo sa mga qiqil series ni Vice?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here