Iñigo Pascual – Ano Nga Ba Ang Kulang?

0
29

Madami ang nakakakilala sa atin sa anaka ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual. Nagsimula na rin ng kanyang sariling karera ang batang aktor at gustong gumawa ng pangalan na para sa kanya. Ngunit ano nga ba ang kulang kay Iñigo Pascual at bakit hindi siya kasing sikat nina Daniel Padilla, James Reid o Enrique Gil.

Kung talent lang naman ang pagbabasihan, sa tingin ko si Iñigo ang pinakatalento sa apat. Magaling sumayaw, sobrang ganda ng boses at mukhang sanay naman siya umarte. Kahit bilang isang singer na lang, bakit kaya hindi siya sumisikat o kaya nagkakaroon ng sobrang malaking project?

Sa tingin ko ay may kulang sa IT factor ni Iñigo. Baka sakaling may koneksyon ito sa sobrang gwapo at sikat na sikat na tatay niya na si Piolo Pascual. Kung tatanungin mo ang karamihan, mas sasabihin nila na mas gugustuhin nila makita si Piolo Pascual kaysa sa anak niya na mas bata at mas bago.

Naisali na siya sa mga pelikula – “Crazy Beautiful You”, “Para sa Hopeless Romantic”, at “Relaks, It’s Just Pag-ibig”.  Naging love team na din niya si Julia Baretto na ngayon ay iba na ang kasama. Ngayon ay itinatambal siya kay Maris Racal dahil parehas silang singer. Sa tingin ko ay mas bagay sila kaysa kay Julia.

Sa totoo lang ay feeling ko hindi ganoon ka gusto ni Iñigo ang pag-arte. Mas gusto talaga niya anf pagkanta at pagperform. Mas bagay naman yon sa kanya kaysa sa magartista. Swerte na lang talaga niya na ganyan suporta kaagad ang natamo niya dahil anak siya ni Piolo. Oo, maganda ang boses niya pero mukhang kulang ang appeal niya sa mga tao.

Kailangan niya magkaroon ng sobrang gandang kanta na talagang tatangkilikin ng mga tao. Sa tinging ko ay dapat niyang makipagduet sa mga kilala nang mga singers o kaya ay gumawa ng album at talagang i-promote ito.

Magkakaroon ng kauna unahang concert si Iñigo ngayon darating na Disyembre at doon ipapakita niya ang kanyang natatanging mga talento.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here