Ikaw lang ang Iibigin Review: BUKING NA SI RIGOR!

0
54

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Walang lihim ang hindi nabubunyag, ito ang pinatutunayan ng seryeng Ikaw lamang ang Iibigin nina Gerald Anderson at Kim Chui. Kahit kasi pilit itago ng mag-amang Rigor (Daniel Fernando)  at Carlos (Jake Cuenca) ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Gabriel (Gerald Anderson) nagsimula ng mabulgar ang katotohanan. Nanganib ang buhay ni Rigor dahil nabaril siya, mayroon kasi siyang nakaaway sa kalsada. Siyempre, nangailangan siya ng dugo at nagkataon na hindi sila magkatipo ng dugo ni Gabriel. Ang sabi pa ng doktor kay Lola Ganda (Nanay ni Rigor), imposibleng magkaanak si Rigor ng type AB dahil type O ito.

Buking! Iyon ang katagang dapat kay Rigor dahil napagtagni-tagni na ngayon ni Lola Ganda kung paano tratuhin ni Rigor si Gabriel at Carlos. Hindi man sumagot si Rigor pero nabasa na ni Lola Ganda sa reaksyon nito ang katotohanan. Ang apong minahal niya ay hindi ang tunay na anak ni Rigor.

So, ito na nga ba ang paraan para malaman ni Roman (Michael De Mesa) ang katotohanan? Well, may ideya na naman si Roman dahil sa pagsulpot ng tiyahin ng tunay na Carlos Dela Vega. Ngunit, hanggang kailan niya hahanapin ang tunay niyang anak? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa niya nlalaman ang katotohanan? Talaga nga bang nagpapaimbestiga siya?

Sa tingin ko naman ay ‘oo’ ang sagot. Napakadali lang naman malaman ang katotohanan. Ipa-DNA niya si Carlos. Marahil nga ganoon na ang kanyang ginawa, hindi pa lang ibinubulgar dahil kapag lumabas agad kay Roman ang katotohanan, siguradong tapos na ang istorya at hindi pa iyon matatapos. Marami pa silang conflict na inilalagay. Kabilang na nga rito ang pagkakaroon ng kanya-kanyang partner nina Gabriel at Bianca. Ngunit, sapat a ba iyon para tumayo ang istorya?

Sa palagay ko nga ay mas bagay pa sina Kim at JC, Gerald at Arci ngunit dahil nga na teleserye ‘yan ng Kimerald, siguradong sila rin ang magkakabalikan sa huli. Ngunit ngayon, maiging tingnan muna natin ang takbo ng istorya na talaga naman nagbibigay sa atin ng pananabik.

Pero, ang istorya naman ng Ikaw lang ang Iibigin ay hindi direktang nakatutok kina Gerald at Kim. Mas sinusubaybayan kung kailan madidiskubre ni Roman na si Gabriel ang tunay niyang anak. Well, sana naman ay mangyari na iyon sa lalong madaling panahon. Kaya nga lang, baka matapos na rin ang matitinding conflict. Para naman kasi napakababaw na lang ng problema sa pag-ibig. Gayunman, lagi na lang nating sumaybayan Lunes hanggang Biyernes ang Ikaw lang ang Iibigin.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here