Ikaw lamang ang Iibigin Review: Kasal na sina Gabriel at Bianca

0
49

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Congratulations, Gabriel (Gerald Anderson)at Bianca (Kim Chui). Sa wakas, matapos ang marami nilang pinagdaanan ay nauwi rin sila sa kasalan. Tulad nga ng sinabi, sa hinaba-haba ng prusisyon, sa Simbahan din ang tuloy. Ngunit kasabay nito, tiyak na nalalapit na rin ang pagtatapos ng programa. At nasasabik ako sa susunod na eksena na magaganap sa susunod na mga araw.  

Dahil nga siyempre, kasal na sina Gabriel at Bianca, hindi maaari puro masasaya na lang ang ipapakita. Tiyak na magkakaroon pa rin ng mabibigat na problema lalo pa’t si Carlos ay ‘pinaghihinalaan’ si Gabriel na may kagagawan kung bakit may nalason sa kanilang produkto. Siyempre, ang nais ni Carlos (Jake Cuenca) ay magalit si Roman (Michael De Mesa) sa tunay na anak.  

Ewan ko nga lang kung ano nga ba ang dahilan at tila tumigil na si Roman na tuklasin kung anak nga ba niya si Carlos. Maaari ngang naniwala siya sa ‘sinabi’ noon ng kapatid ng kanyang nabuntis na nagsinungaling ito. Na-blackmail kasi ito. Sana nga lang ay ginamit ni Roman ang kanyang hinala. After all, businessman siya kaya dapat lamang pinairal niya ang kanyang utak. Pero, siyempre, kung malalaman niya agad, tapos na ang storya kaya kailangan pang pahabain.  

O, balik naman tayo sa pagpapakasal nina Gabriel at Bianca. Okay, maganda ang kasal nila pero parang may kulang pa akong nararamdaman. Para talagang kulang sa spark. Gayunman, kahit paano naman ay may kilig pa rin akong nararamdaman kina Gabriel at Bianca pero parang mas may dating ang kilig nang mag-usap sina Percy (JC Santos) at Alex (Arci Munoz).  

Ibang-iba na talaga ang dating ng Kimerald noon at ngayon. Kunsabagay, talaga naman kasing malayo na ang kaibahan ng kanilang tambalan. Noon kasing mga bata sila, magtitigan lamang sila ay may spark kang mararamdaman sa kanilang pagitan. Kunsabagay, noon naman kasi ay talagang nagmamahalan sila kaya hindi na nila kailangan pang mag-exert ng sobrang effort para magpakita sila ng pag-ibig. Samantalang ngayon ay may kanya-kanya na silang karelasyon kaya wala na rin ang spark sa kanilang pagitan.  

Gayunpaman, nanatili pa rin namang kapana-panabik ang Ikaw lamang ang Iibigin. Ang dahilan, palapit na palapit na kasi ang panahon na matutuklasan ni Roman na si Gabriel ang kanyang anak. Ibig ko sanang maging kapana-panabik pa ang tagpong ito pero parang hindi na rin secret dahil palagi na rin namang ipinapakita eksenang susunod na mangyayari. Si Lola Ganda (Gina Pareno) ang magiging susi para malaman ni Gabriel at Roman ang totoo.  

Ang tanong, maniniwala ba sina Roman at Gabriel? Anong maaaring mangyari pagkaraan? Ah, bago natin sagutin ‘yan, makabubuting hintayin muna natin kung ano ang mangyayari ngayong kasal na sina Gabriel at Bianca. Tiyak na hindi basta-basta papayag si Carlos na hindi maging miserable ang buhay ng tunay na Dela Vega.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here