Ikaw ba ito? BUKING SA PALAD ANG TAONG WALANG KA-FOREVER

0
85
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Ngayon ay ibabahagi natin ang mga kaalaman mula sa The Arts and Science of Palmistry patungkol sa tanong na paano malalaman kung  mabibigo sa lovelife ang isang tao?

Kapag   ang pag-uusapan ay lovelife ang kabiguan ay  ang  mismong  buhay na hindi maligaya at  hindi masaya. Kapag kulang sa ligaya at kulang sa saya, babae man o lalaki ay mapapabilang sa bigo sa pagmamahal.

Tulad ng nasabi na kapag mahaba ang The Heart Line, ang  may-ari ng palad ay may masayang  lovelife . Ang  maiksing The Heart Line ay isang  malinaw na palantandaang hindi siya masaya at kulang sa ligaya. (May bilog sa larawan.)

Hindi naman mahirap na maunawaaan na kapag maiksi  ay kulang, ang kulang ay kapos, ang kapos ay may  hinahanap-hanap.

Kaya, sino ang  hinahanap-hanap ng  kulang o maiksi ang The Heart Line? Sa iba ang  hinahanap-hanap nila ay ang kanilang si Mr. Right sa panig ng kababaihan at Ms. Right naman sa kalalakihan.

Kapag maiksi ang The Heart Line , ang paghahanap ay walang  katapusan at sila ay makararanas na pagkakaroon ng  maling akala na ang  bago nilang manliligaw o ang  bagong nagpapakita sa kanila ng  pagtingin o ang bagong nagpapadama sa kanila ng pagnanasa ay ang kanilang si Mr. Right o Ms Right.

Dahil dito paulit-ulit silang magmamahal sa bawat bago na ang ibig sabihin ay  lagi silang bigo sa lovelife kaya lagi rin silang naghahanap at umaasam-asam na sana ay lumigaya na sila ng totoo. Dahil din dito, marami ang bilang ng kanilang magiging asawa na  papalit-palit sila na partners.

Akalain ng mga nakakasaksi at kanilang mga kakilala na sila ay “mahilig, malibog at nabubuhay sa ka-imoralan.” Pero,  ang manghusga ng kapwa  ay sobrang mali  dahil ang totoo hindi naman sila talaga mahihilig, malilibog o maniac, hinahanap lang naman nila ang kanilang si Mr. Right/Ms. Right.

Kaya, ang masaklap na  katotohanan para sa may maiksing The Heart Line ay kahit kailan sa buong buhay, hindi nila matatagpuan ang pinapangarap nilang si Mr/Ms Right. Ito ang isang katotohanan sa larangan ng The Arts and Science of Palmistry na hindi  makikita o matutuklasan sa iba pang larangan ng  mga kaalaman na lumalaganap sa ibabaw ng mundo.

Ito isa ang katotohan sa larangan ng The Arts and Science of Palmistry na hindi  makikita o matutuklasan sa iba pang larangan ng  mga kaalalaman na  lumalaganap sa ibabaw ng mundo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here