IBA’T IBANG KAHULUGAN NG BULAKLAK SA PANAGINIP, IBINULGAR NI MAESTRO!

0
501
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Ituloy na natin ang diskusyon hinggil sa panaginip na bulaklak na tinalakay natin nitong nagdaang araw.

Ang bulaklak sa panaginip tulad ng natalakay na natin sa mga nagdaang artikulo, ayon kay Sigmund Freud ang bulaklak ay “yoni symbol”.

Ibig sabihin ito ang mismong suso ng babae at vagina ng isang babae. Kung kaya’t kung ang mga bulaklak sa iyong panaginip ay nakatundos sa plorera (flower vase) ito ay pahiwatig ng unti-unti ng bumubulas at nagiging dalaga si “nene” sa partikular bumubulas na ang maseselang bahagi ng kanyang katawan at unti-unti ng naghahanda ang kanyang unconscious mind sa pakikipag-boyfriend at kapag hindi nakatiis, sa pakikipagtalik.

Sa madaling salita, kung ikaw ay isang dalagita o binatilyo at nakapanaginip ka ng bulaklak ibig sabihin nito, “naghahangad ka na magkaroon ng girlfriend o boyfriend sa kasalukuyan.” Maaari ring naghahangad ka na “matikman o mapitas” kung ikaw ay isang babae. At kung ikaw naman ay isang lalaki, naghahangad ka na “makatikim o makagalaw ng isang babae.”

Ngunit kung “ligaw na bulaklak” ang iyong napanaginipan, tulad ng dapo sa gubat, water lily sa parang, bulaklak ng kangkong sa ilog, rosas na nasa dawagan, ito ay babala na sa malapit na hinahanap “unti-unti ng matutuklasan ni Nene” ang pagsasarili upang lumigaya (masturbation).

Ibig sabihin kung ikaw ay isang dalaga o binata, at lagi kang nanaginip ng “mga ligaw na bulaklak” ito ay tanda na naghahangad o palihim na nagnanasa si unconscious self mo na magparaos ng init ng katawan sa pamamagitan ng kanyang sariling mga kamay.

At dahil ang bulaklak ay “yoni symbol” tulad ng nasabi na, sa pangkalahatan ang bulaklak ay tanda ng isang napakasarap na pakikipagtalik. Na maaaring maganap, sa malapit na hinaharap, lalo na’t  sobrang bukadkad ng mga petals ng bulaklak na iyong napanaginipan ito ay nagpapahiwatig o isang babala na sa malapit na hinaharap “mawawala na ang iyong pagka-inosente sa sex o ang iyong virginity.”

Sa mga may asawa na na hindi pa binibiyayaan ng mga anak, ang bulaklak lalo na’t sariwa at namumukadkad ay tanda din ng napipintong pagbubuntis ng isang babae.

Kaya kung ikaw ay may asawa na at hindi ka pa nabubuntis at gusto mo ng magka-anak at nanaginip ka ng sariwa at namumukadkad na mga bulaklak, pagkakataon mo nga yayain ang iyon mister na gumawa kayo ng baby upang magka-anak na kayo.

Dahil ang bulaklak tulad ng paulit-ulit na nasabi na ay may kaugnayan sa “libido” ang lantang mga bulaklak ay nagpapahiwatig ng “sexual frustration” para sa mga kababaihan at sa mga kadalagahan. Mga sexual fantasies na hindi mairaos sa walking life kung kaya’t mga bulok at lantang bulaklak ang napapanaginipan.

Sa mga negosyante ang bulaklak sa panaginip ay nangangahulugang dagdag na tubo na maghahatid sa buong pamilya ng kasaganaan, tuwa at pag-unlad. Kung lanta ang mga bulaklak na napanaginipan ito ay babala ng unti-unting pagkalugi sa negosyo na maghahatid naman ng labis na kalungkutan sa buong pamilya.

Sa mga namamasukan at sa mga pangkaraniwang empleyado ang bulaklak sa panaginip ay nagpapahiwatig ng dagdag na promosyon at dagdag na suweldo sa kasalukuyan mong trabaho. Kung lanta naman ang mga bulaklak na iyong napanaginipan ito ay babala na malilipat ka sa isang posisyong labis mong kinaiinisan.

 

Sa mga estudyante  ang bulaklak sa panaginip ay nagpapahiwatig ng lakwatsa, gimik, panood ng sine, outing, swimming at iba pang mga kauring gawaing nabanggit na magdudulot ng saya sa buong barkada. Dahil ang bulaklak ay “yoni symbol” maaari ding habang nagsasaya, magaganap ang isang romantiko, nakapananabik, masarap, makakikilig at sensual na karanasan.

Kung lanta ang mga bulaklak sa panaginip ng isang estudyante ito ay babala na sermon, at pangaral ng nanggagalaiting mga magulang ang bubungad sa tarangkahan pag-uwi mo ng bahay.

Sa mga mahilig makipagsapalaran ang bulaklak ay may katumbas na numerong 3, 6, 15, 28, 33, at 44.

 

Gusto mo bang matunghayan ang iba pang mga pagtalakay ni Maestro Honorio Ong tungkol sa panaginip at matutong mag-interpret ng sarili mong panaginip? Maaari din kayong magtanong “online” sa kahulugan ng inyong mga panaginip. Walang bayad namin kayong paglilingkuran. Manatili at lagi lamang sumubaybay sa pang-araw-araw niyang kolum dito lang sa Philippineone.  Exclusive: 

Dream Interpretation Online 

Ang Sikreto ng iyong Panaginip 

ni Maestro Honorio Ong

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here