Horoscope Setyembre 25, 2017

0
2823
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyember 25, 2017, Lunes  – Sobrang malakas ang iyong imahinasyon. Gamitin mo sa pagpapalago ng kabuhayan upang tuluy-tuloy kang umunlad. Hindi dapat magamit sa pagpapantasya ang iyong malakas na imahinasyon. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 9, 17, 26, 34, 41.

 

ARIES (Marso 21 – April 19) – ‘Wag kang sugod nang sugod. Dahil kahit na sumugod ka kung hindi sa iyo ang magandang kapalaran, madidisgrasya ka lang. Sa halip, umupo ka lang sa silyang tumba-tumba at maghintay. Sa araw na ito ipagkakaloob sa iyo ng langit ang malaking suwerte na matagal ng sa iyo ay inilaan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 14, 31, 37, 41, 44.

 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) – Kung ano lang ang mayroon ka iniisip mong iyon na lang ang pagkakasyahin mo. Pero hindi mangyayari. Dahil yong kaunting meron na nasa iyo sa susunod na mga araw sobrang dami pa ang idagdag ng langit. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 3, 12, 18, 24, 39, 42.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) – Husayan mo ang pagbibigay ng iyong opinyon. Sapagkat sinumang makarinig ng iyong suhestiyon ay magtatamo ng suwerte at magandang kapalaran.   Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 1, 17, 19, 20, 36, 43.

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Ang mga umaayaw sa iyo ay hindi papalarin, kaya hindi mo na sila dapat pang pansinin. Ang mga nagkakagusto sa iyo ay magkakaroon ng suwerte at magagandang kapalaran, sila ang dapat mong asikasuhin. Mapalad ang kulay na white. Masuwerteng numero 7, 11, 19, 25, 29, 41.

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Kung saan, masaya doon ka. Makikita mo, sa tuwing pupuntahan mo ang kasiyahan, dagdag na suwerte at magandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 4, 22, 34, 37, 40.

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – ‘Wag mong aksayahin ang oras mo sa paghahanap ng solusyon sa problema ng ibang tao. May sarili kang problema na siyang dapat mong solusyunan. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 5, 14, 28, 37, 41, 45.

 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) – Daig ng masipag ang tamad at daig naman ng maagap ang masipag. Pero daig mo silang lahat, dahil kahit na hindi ka maagap at kahit na hindi ka magsipag, kaluluguran ka ng tadhana, mas maraming suwerte ang ipagkakaloob sa iyo ng langit Mapalad na kulay beige. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 30, 36, 42.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) – Pahiramin mo ng tapang ang kaibigan mong naduduwag. Makikita mo, ang langit ang gaganti sa mabuti mong ginawa, magtatamo ka ng mas maraming mga pagpapala. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 3, 18, 27, 36, 40, 44.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – May hinahanap ka at gustong mangyari subalit iba ang magaganap at iba ang makikita mo. Ganu’n talaga ang buhay, higit sa inaasahan mong suwerte ang doble-doble pang darating. Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero 9, 12, 27, 30, 33, 39.

 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) – Taktika at diskarte ang pormula ng iba upang yumaman. Pero sa iyo ay wala lang. Basta ituloy mo lang ang kasalukuyan mong ginagawa at wag kang maglulubay, dahil ang totoo, kusa ka namang talagang yayaman. Mapalad ang kulay na metallic blue. Masuwerteng numero 8, 14, 28, 37, 41, 45.

 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) – Ito ang araw na bukas ang pinto ng langit para marinig at dinggin ka. Hilingin mo na kung ano ang ibig mo sa buhay, minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 4, 10, 28, 31, 37, 44.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Ang nagkalayo ay muling magkakabalikan. Ito ang araw na isa-isang ibabalik ng langit ang lahat ng nawala mong suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1, 7, 13, 25, 29, 31, 40.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here