Horoscope, Nobyembre 8, 2017

0
529
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 8, 2017,  Miyerkules     –  Lahat ng mabibigat na pagsubok ay makakaya mo. Kung sa iba ay hindi kaya at nadadaganan, ikaw lagi mong kaya. At kahit ano pang pagsubok ay makakaya mo talaga, dahil ang langit ang papasan nito para sa iyo. Ganon ka kamahal ng nasa itaas, kaya matapos ang mga pagsubok, bonggang-bonggang biyaya at pagyaman ang kasunod.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 7, 14, 22, 25, 34, 41.

 

ARIES  (Marso 21 – April 19)  – Hindi pa dumarating ang Kapaskuhan, pero nakahanda na ang regalo mo mula sa nasa itaas. Sa sandaling natanggap mo na, hindi mo ito dapat na sarilinin. Ipamahagi mo ito sa iba lalo na sa mga kakilala mong walang-wala. Kapag nagawa mo ‘yan, lalong dadami ang mga biyaya at pagpapala na iyong matatanggap. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  6, 18, 23, 27, 35, 45.

 

TAURUS (April 20 – Mayo 20) – Kahit malamig ang panahon ngayon at masarap matulog, hindi ka dapat masobrahan ng pamamahinga. Kaya ang payo, upang suwertehin ka, ikilos mo ang katawan mo. Puwedeng linisin mo ang buong bahay at puwede ring tutukan mo ang mga halaman sa hardin. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 9, 17, 21, 25, 36, 41.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  – Hindi mapapasaiyo ang inaasahan mo, pero ang ibibigay sa iyo ay higit sa inaasahan mo. Ang mahalaga, hindi ka dapat mainip. Tandaan mo, ang marunong maghintay ay laging nagkakamit ng biyaya at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 7, 14, 16, 25, 29, 41.

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Sobrang emosyonal ka. Madalas tinatalo ka ng iyong damdamin. Kontrolin mo ang iyong damdamin para hindi ka masyadong masaktan. Sa sandaling nakontrol mo ang iyong damdamin, mag-uunahang dumating ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 4, 16, 19, 28, 34, 40.

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Pigilin mo ang paggasta. Hindi tama ang ikinakatuwiran mo na maliit at mura lang ang halaga. Pansinin mo, sa’yong kagagasta, sa huli’y kapos na kapos ka. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 13, 28, 35, 43, 45.

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Bumubuka ang mga bulaklak kapag sakto na sa panahon, upang magsaboy ng bango. Ganon din ang iyong kapalaran, sakto na sa panahon. Kaya bubuka na ang mga suwerte at magagandang kapalaran na  isa-isa mong aanihin at pipitasin. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  5, 13, 25, 31, 39, 45.

 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Minsan ang pakiramdam ng maligaya ay nagbubunga ng katamaran. ‘Wag mong hayaan na maging ganon ka dahil may mga trabahong naghihintay sa iyo. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 6, 12, 18, 32, 42, 45.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Sa dami ng iniisip mo para sa kinabukasan, nagugulo tuloy ang iyong diskarte. Bahagyang pagre-relaks ang kailangan. Kapag nagawa mo ‘yan, muling dadaloy ang kasiglahan na ang ibig sabihin nito ay magdaratingan uli ang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 8, 14, 25, 31, 37, 42.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – Kung ano ang bago, iyon ang pipiliin mo. Kaya sa pamimili ng kahit ano pa mang bagay, makikitang sa loob ng bahay ninyo, puro bago ang mga gamit mo. Kaya, hindi puwedeng ipagpilitan sa iyo ang mga lumang pormula ng tagumpay, sapagkat sa bagong mga pamamaraan ikaw lalong lumiligaya at umaasenso. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 6, 16, 24, 37, 42, 45.

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Wala sa sukat o halaga ang pagtulong, ganon din naman sa pagbibigay, ang mahalaga ay ang intensyon. Pero ang sa ‘yo ay kakaiba, mamigay ka man o hindi, bibigyan ka ng malaking suwerte ng langit dahil noon pa ang pangalan mo ay nakalista sa talaan ng mga pagkakalooban ng biyaya bago matapos ang taong ito ng 2017.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  5, 18,  27, 34, 41, 44.

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Hindi ka puwedeng matagal na nahihirapan at namumroblema. Hindi papayag ang nasa itaas ng ganon. Kaya magpapadala ang langit ng sugo upang pagaanin ang iyong buhay.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 11,  24, 27,  37, 45.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Bihirang matupad ang pangako ng mga tao pero ang pangako ng langit ay matutupad. Ang pangako ng langit sa iyong kapalaran ay tuloy-tuloy kang susuwertehin sa kahit anumang uri ng negosyo na pinakakaabalahan mo sa ngayon. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1, 10, 19,  29,  38, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here