Horoscope, Nobyembre 6, 2017

0
562
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 6, 2017 Lunes  –  Sobrang ganda ang ipinapangako sa iyo ng araw na ito. Magsisimula ng matupad ngayon ang lahat ng mga pinapangarap mo. Kaya wala kang dapat gawin kundi ang mangarap ng mangarap. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  9, 18,  24, 27, 39, 42.

 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Malakas ang iyong enerhiya at lalo pang lumalakas. Kaya naman ngayon palang ay naglalabasan na ang mga suwerte na noon pa ay nasa iyong katawan na. Mamamangha ang lahat sa nakagugulat at magagandang kapalarang mahihigop ng nag-aapoy mong personalidad.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1,  9, 17, 20, 37, 42.

 

TAURUS  (April 20 – Mayo 20) Nakita ng langit ang kabutihan ng loob na matagal mo nang ginagawa sa iyong kapwa. Kaya ito ang araw na gagantimpalaan ka ng langit, kahit na wala kang gaanong pagkilos, darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 7, 18, 25, 27, 31, 42.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Oo, mahalaga ang salapi pero hindi mo ipagpapalit sa mga ito ang kalinisan ng iyong pagkatao, mamamali at mapapahiya ang sinumang susubok sa iyo. Sapagkat noon pa, itinakda ka na ng langit sa paggawa ng kabutihan. Habang gumagawa ng kabutihan, lalong tatalas ang iyong suwerte at kakaibang kapangyarihan.  Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  5, 10, 23, 28, 35, 44.

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hinahanap mo ba ang taong magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran? Wag kang mag-aksaya pa ng oras dahil ikaw mismo ay may kakayahang pagyamanin ang iyong sarili. Habang pinayayaman mo ang iyong sarili, tutulong ang langit upang mabilis itong matupad. Magsimula ka na ngayon! Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 7, 11, 25, 29, 41.  

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Maaakit ka ngayon sa panlabas na kagandahan. Huli na bago mo maalala na ang mas mahalaga pala ay ang magandang ugali, mas mataas na dignidad at ang mabuting kaasalan. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 1, 4, 19, 26, 37, 42.

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nagbabala ang araw na ito na malalasing ka sa mga masasayang pangyayari. Ilagay mo sa iyong isip na ang kasalukuyan ay pansamantala lamang at hindi puwedeng pang habang buhay. Lagi mong isipin ang future upang maging maligaya ka sa panahon ng pagtanda. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 8, 14, 19, 28, 34, 41.

  

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)Mababawasan ang mga suwerte mo pero hindi naman nangangahulugan ito na ikaw ay mamalasin. Nagkataon lang na ngayon ay pahihiramin mo ng suwerte ang mga taong malalapit sa iyo. Mag-ingat, baka pati pera ay hiraman ka nila.  Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 6, 18, 27, 35, 39, 42.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Upang magpatuloy ang suwerte, mas mainam kung sa panahong ito ay maging mapagparaya ka kapag naagrabyado ka ay wag kang gaganti. Magtiwala ka na ang langit ang mismong kikilos laban sa mga taong gagawa sa iyo ng hindi maganda.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 21, 30, 33, 44.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Napakataas ng level ng kumpiyansa mo sa iyong sarili sa araw na ito. Kaya anuman ang iyong gusto, walang pag-aalinlangang mapapasakamay mo ang lahat ng ito. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 2, 11, 25, 32, 40, 45.

 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kapansin-pansin ang kaharutan mo at pagiging palabiro ngayon. Isang malinaw na palatandaan na ang mga suwerte ay nagdaratingan na  sa iyong kapalaran.  Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 8, 19, 25, 29, 37, 44.

 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw na tatalunin na ng saya ang mga iniinda mong kalungkutan. Kasabay nito, lilisanin ka na rin ng kamalasan, upang magdatingan ang ibat-ibang uri ng  suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 22, 37, 40, 45.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tulad ng malaking baha, darating na sa kapalaran mo ang magagandang kapalaran. Ito ang araw na unti-unti ng lalaki nang lalaki ang tubig ng suwerte sa iyong karanasan. Darating ang mga pangyayaring lulunod sa iyong pagkatao dahil sa walang kapantay na kaligayahang iyong madarama sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  4, 17, 27, 38, 41, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here