Horoscope, Nobyembre 14

0
526
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 14, 2017,  Martes    –  Paulit-ulit na darating sa iyo ang oportunidad na puwede kang yumaman. Palagpasin mo man ang iba, babalik at babalik sa iyo ang mga ito, hanggang sa magpasya kang tuluyang tanggapin ang nasabing mga pagkakataon upang yumaman. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 8, 14, 20, 32, 35, 41.

 

ARIES  (Marso 21 – April 19) – Malakas ka ngayon. Susuko sa iyo ang mga karibal mo at kung hindi sila susuko, magagapi mo sila ng napakadali. Kaya ito ang araw na puwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo, dahil nakasisigurong mapapasa iyo ang tagumpay at pagwawagi. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 13, 20, 32, 43, 45.

 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ngayon pa lang magsisimula ang taglamig, kasabay nitong magsisimula  ang pagdating ng suwerte. May isang kundisyon lang upang ang suwerteng ito ay tuloy-tuloy na pumasok sa iyong  pagkatao, wag kang mag-aalinlangan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 15, 21, 23, 34, 41.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) – Mabilis na umiihip ang hangin at biglang nawawala. Pero ang sa iyo ay kakaiba, mabilis ding dadapo sa iyo ang suwerte, pero ito ay hindi na mawawala. Mananatili sa iyo ang suwerte ng pang habang panahon, lalo na kung ito ay ipamamahagi mo sa iba. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11,  26, 35, 43, 45.

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Kapag galaw ng galaw ang buntot ng aso at sumasalubong sa kanyang amo, siya ay masaya. Kailangan mo ring maging masaya, dahil kapag nalulungkot ka, malulungkot din  ang iyong kapalaran. Sa masayang attitude at pananaw sa buhay, sasaya ang kapalaran. At kapag masaya ang kapalaran, bubuhos ang maraming biyaya at suwerte sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 1,  7, 17, 29, 37, 41.

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Nakakahuli ng daga ang pusa kapag tahimik lang siyang nag-aabang sa lungga. Itahimik mo ang iyong damdamin sa araw na ito at wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Kapag nagawa mo ‘yan, darating ang sunud-sunod na suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 28, 31, 40, 43.

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi mo dapat ibinbin ang mga gawain ng pangmatagalan. Tapusin mo agad. Unahin mo ang madali at isunod mo na lang ang mahirap. Pinapanood ka ng langit  sa sandaling natapos mo ang mga gawain, bibigyan ka ng panibagong suwerte ng higit pa sa mga dati mo ng naranasan.   Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  5, 14,  25, 34, 41, 44.

 

 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) – Ikaw ngayon ang reyna ng sarili mong mundo. Hindi ka susuwayin ng sinumang utusan mo. Minsan upang mawala ang stress, masarap mangarap na ang buhay ay isang “fairy tale”. Utusan mo ngayon ang sarili mo, at siguradong siya ay susunod sa iyo.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6, 18,  21, 29,  31, 44.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi ka puwedeng sumuway sa kapalaran dahil ito na ang nakatakda. Ang kapalaran mo ngayon kahit tumanggi ka pa, ay magkakaroon ka ng hindi inaasahang suwerte, na may kaugnayan sa materyal na bagay sa buwang ito ng Nobyembre hanggang Disyembre. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   2, 16, 25,  33,  37, 43.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi ka mapapakali hangga’t hindi ka nakakapamili. Tunay ngang ang pagsha-shopping ang nagpapaligaya sa iyo. Ang nakamamangha, kung ang iba ay pinapayuhang magtipid dahil baka maubos ang pera, ang sa iyo naman ay kakaiba, habang gumagastos ka, dating ng dating pa rin sa iyo ang pera. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 23, 27, 30, 45.

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Sobrang makapangyarihan ang salita mo ngayon. Anuman ang iyong sabihin ay magkakatotoo. Subukan mong magsabi ng magagandang mga bagay, pihadong ito ay matutupad. Kaya, ingatan mo ring magsalita ng masama sa iyong kapwa,  dahil iyon ang saktong mangyayari. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 7, 19, 22, 29, 31, 41.

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18)  Ang ilog na mababaw ay maingay, habang ang ilog na tahimik ay malalim. Hindi ka dapat mag-ingay sa ngayon. Tumahimik ka lang at isikreto mo ang pagdating ng magandang kapalaran. Kapag natututo kang tumahimik, mas marami pang suwerte at magandang kapalaran ang darating. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 10, 22, 28, 31, 45.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kapag madilim ang langit nagbababala ng malungkot at pangit na panahon. Hindi dapat na pumangit ang iyong panahon, dahil kapag ang baon mo ay lungkot, tatanggihan ka ng iyong mga kausap. Ngunit kapag ang baon mo ay saya, tulad ng aliwalas na langit, susuwertehin ka at mapapatango mo ang lahat ng iyong kakausapin kahit pa nag-iisip sana silang humindi,  hindi sila makakatanggi sa iyong ilalapit.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  2, 18, 20, 27, 34, 41.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here