Horoscope, Nobyembre 13, 2017

0
578
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 13, 2017,  Lunes   – Napakalakas ng iyong karisma kaya marami ang magkakagusto sa iyo. Bukod sa magugustuhan ka ng mga tao, magugustuhan ka rin ng langit, kaya’t bukod sa padadalhan ka ng magagandang kapalaran, isa-isa na ring matutupad ang mga hinihiling at pinapangarap mo sa buhay.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 13, 25, 31, 40, 43.   

 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Tatamaan ka ngayon ng isang hindi nakikitang liwanag, na ang pangalan ay sinag ng suwerte. Kaya kahit na ano pa ang ginagawa mo, at kahit saan ka pa magpunta, tiyak ang susuwertehin ka at magtatamo ng magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  1, 19, 25, 34, 40, 44.

 

TAURUS (April 20 – Mayo 20) May kukumusta sa iyo ngayon. At pagkatapos kang kumustahin, darating ang magagandang oportunidad sa buhay mo na magdudulot ng ligaya at saya.  Nangyaring ganon dahil ang mangungumusta sa iyo ay ang  suwerte. Tatawagin ang araw na ito bilang:  “Suwerte at mapalad na araw!”  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  3, 13, 18, 29, 31, 44.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Iwasan ang mga taong kontrabida sa buhay mo. Sila ang sisira sa magandang araw mo. Sa halip, makipag kaibigan at dumikit sa mga taong alam mong nagpapasaya sa buhay mo. Sila ang mag-aabot sa iyo ng malaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   8, 16, 25,  31,  37, 43.

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hiniling mo sa langit ang magkaroon ng tunay na kaligayahan sa love life. Pakikinggan ka, kaya ang biglaang pagbabago sa love life mo ay mapapasaiyo.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 11, 25, 23, 34, 42.

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Madaling masaktan ngayon ang iyong damdamin. Iwasang makisawsaw sa nga gawain ng iba at wag makipagtalo. Asikasuhin mo na lang ang dati mong mga plano kung paano madadagdagan pang lalo ang kinikita. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3,  19, 22, 27, 31, 41.

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kapag mabagyo ang panahon umiihip ang hangin kung saan-saang direksyon, nagugulo rin ang mga sanga at dahon ng mga punong kahoy. Hindi dapat matulad sa ganito iyong isipan. Sa halip, kailangan mong itutok ang iyong isip sa iisang kongkretong pagpapasya lamang. Kapag hindi ka nagpabago-bago ng isip, mapapasaiyo na ang pagyaman na noon mo pa pinapangarap makamit.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 6, 19, 21, 27, 34, 45.  

 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Hindi pa tapos ang pagdating sa buhay mo ng magagandang kapalaran. Maging masinop at pahalagahan ang mga dating napunta sa iyo at ang mga darating pang mapupunta sa iyo. Dapat matuto ka ng mag-savings. Tandaan mong “hindi araw-araw ay Pasko!” Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  7, 18, 23, 27, 34, 41.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Pera at materyal na bagay ang nagbibigay ng ligaya sa mga tao, at dahil patuloy kang papaboran ng langit, ito ngayon ang matatanggap mo, pera at materyal na bagay, kaya naman lalong magiging masaya ang pasok ng Pasko sa iyong pamilya. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 8, 11, 20, 25, 35, 44.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Didikitan kang muli ng isang tao na nakagawa sa iyo ng pagkakamali. Inaakala niya na muli ka na namang niyang maiisahan. Pero sorry na lang siya, dahil sadyang malayo na talaga ang loob mo sa kanya. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 4, 12, 24, 31, 43, 45.

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) May magtatangkang magsamantala sa iyo, kaya lang matalas ngayon ang iyong pandama.  Kaya mong malaman ang nasa puso ng mga tao. Lumayo ka kapag nararamdamam mong may masamang motibo ang isang tao, upang hindi nila masamantala ang iyong kabutihan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 18, 21, 24, 34, 41.

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Dadalawin ka ng kalungkutan sa araw na ito, ngunit hindi siya makakahabol. Bago ka pa niya abutan, makakaalis ka na ng bahay. Sa isang kaibigang Libra, hindi makakaporma ang lungkot. Sapagkat ang kaibigang Libra ang magbibigay sa iyo ng suwerte at saya. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11, 29, 35, 40, 45.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maraming nilalakad ang mga tao pero wala namang nagiging positibong resulta. Ang sa iyo ay kakaiba, isang lakad at isang ngiti mo lang mapapatango muna ang iyong mga kausap. Kaya sa araw na ito, uuwi ka ng tagumpay at maligaya. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 4, 7, 22, 29, 37, 41.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here