Horoscope, Nobyembre 12, 2017

0
477
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 12, 2017,  Linggo  – Hindi pa Pasko pero makakatanggap ka na ng regalo. Darating na ang malaking suwerte at magandang kapalaran kaloob sa iyo ng langit na noon mo pa hinihintay. Tunay ngang dapat kang magpasalamat at kapag sumobra sa iyong pangangailangan, kailang maipamahagi mo ito sa mga mahihirap.   Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 1, 9, 21, 23, 39, 42. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi ka bibiguin ng kapalaran. Kung ano ang pinakamalaki mong ambisyon, ipagkakaloob sa iyo. At kapag nakamit mo na ang malaking ambisyon na noon mo pa gustung-gustong makamit, tatawagin ang araw na ‘yaon bilang  “Araw ng Katuparan!” Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3,  9, 21, 23, 33, 41. 

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Isang batas ng kalikasan na hindi lang lakas ang nagbibigay ng tagumpay, kundi pati na rin ang isip. Pero ang sa‘yo ay kakaiba, magpaganda ka lang, kahit hindi mo gamitin ang iyong lakas at isip, darating sa iyo ang magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 4, 18, 25, 27, 34, 44.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kapag panahon ng taglamig, nagpapahinga ang mga hayop sa kagubatan. At kapag panahon ng tag-init at tagsibol masaya silang naglalabasan. Lumabas ka ng bahay, dahil panahon ngayon ng suwerte at tagsibol sa iyong kapalaran.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  4, 16, 23, 27, 34, 40. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Naiinip ka at sobra ang iyong pagkainip. Nakita ng langit ang iyong kalagayan, kaya mabilis na ibibigay sa iyo ang katuparan ng iyong pinakagusto sa buhay. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 8, 11, 19, 25, 35, 41. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Maraming natututunan ang tao sa kabiguan. Kaya hindi ka dapat matakot o malungkot na mabigo. Dahil sa mga natutunan mo, darating ang saktong panahong, puro tagumpay at ligaya naman ang dadapo sa iyong pagkatao.  Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 5, 10, 28, 31, 43, 44. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nagkopyahan ang dalawang estudyante habang nagsusulit dahil ang guro ay hindi nakatingin. Ganon din ang mangyayari sa iyong kapalaran, dadayain mo, pero nakapagtatakang susuwertehin ka pa rin. Mapapaisip sila at sasabihing,  “talagang ganon, minsan, maraming bagay ang sadyang nakapahirap ipaliwanag sa mundong ito?” Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  8, 14, 18, 24, 34, 41. 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Inalug-alog lang ng unggoy ang puno at ang mga bunga ay naglaglagan na. Sa panahong ito, halos ganon din ang mangyayari sa iyo. Isang kembot lang, ang suwerte at magandang kapalaran ay  lalapit at magdaratingan na sa iyong harapan.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 1, 15, 19, 33, 42, 45. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Nagmamadali ang ambulansya dahil may emergency dadalhin sa pagamutan. Hindi ka dapat magmadali, sa halip, i-priority mo pa ring lagi ang iyong kalusugan. Ang totoo magmadali ka man o hindi, ang suwerte at magandang kapalaran ay talaga namang darating sapagkat ito ay matagal ng inilaan na sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 9, 7, 24, 29, 36, 41.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)Alam mo ba na lagi mong pinipili ang maganda? Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga gamit mo sa bahay at personal mong gamit  ay magaganda din. Pero ang hindi mo alam, dahil mahilig kang pumili ng maganda, habang buhay ng mananatiling maganda ng iyong kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 12, 27, 33, 42, 43. 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Aangat na naman sa isa pang level ang iyong tagumpay. Ibig sabihin namumunga na ang lahat ng iyong mga pagsisikap. Kaunting tipid at kaunting sipag pa, malapit na malapit ng lumago sa todo niyang lakas ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  1, 17,  25, 34, 40, 44. 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Sumasaya lamang mga ibon sa langit kapag malayang nakalilipad. Ganyan din ang iyong tadhana, kapag nawalan ka ng laya, lilisan ang ligaya. Kaya nga ang payo, palayain mo ang iyong sarili sa kalungkutan –  magsaya ka! Kapag nagawa mo yan, magdaratingan na ang suwerte at magandang kapalaran.   Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 13,  18, 28,  31, 45. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang saya ay nakakaakit ng suwerte at magandang kapalaran. Inuutusan ka ngayon ng langit na magsaya. Gawin mo na agad, upang suwertehin ka! Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   2, 16, 25,  34,  37, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here