Horoscope, Nobyembre 11, 2017

1
499
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 11, 2017,  Sabado    –  Sa pagbubukas ng bintana ng grasya ng langit, sa ‘yo unang tatama ang masaganang sinag. Ikaw ang unang magkakaroon ng suwerte at magagandang kapalaran. Kaya wala kang dapat na gawin kundi magpasalamat at ibahagi sa iba ang napakaraming biyaya na iyong matatanggap.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  4, 16, 25, 27, 34, 40.

 

ARIES  (Marso 21 – April 19) – Muli ka na namang malalagay sa ibaba, pero hindi ka mananatili rito. Ngayon din, iaangat ka ng langit at kung noong dati ay mataas na ang posisyon mo, lalo ka pang itataas ng kapalaran, mataaas na mataas na halos malayung-malayo na sa iyong mga kasabayan. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 8, 15, 19, 22, 35, 41.

 

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Ito ang araw na papanig sa iyo ang langit. Kaya kahit na ano ang desisyon mo, ang tamang pagpapasya pa rin ang iiral. Kaya wag kang matakot na magdesisyon, dahil sigurado namang tumpak ang iyong magiging pasya.  Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 5, 12, 28, 30, 43, 44.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Lubos na pinagpala ang araw na ito. Sapagkat  ipagkakaloob na ngayon ng nasa itaas, ang mga premyo mo sa mga kabutihang iyong ginawa. Ang kakaiba sa kapalaran mo, kahit konting tulong lang ang ginagawa mo, mas maraming suwerte ang ipagkakaloob sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  8, 11, 18, 24, 34, 39.

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Wag kang malungkot kung may nawala sa buhay mo. Alalahanin mong mahal ka ng nasa itaas, kaya dapat ka pa ngang matuwa at magdiwang, dahil  ang darating sa iyo ay higit na mas mabuti at sobrang mapapamahal sa iyo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 1, 5, 19, 28, 42, 45.

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kahit makakita ka ng mali, hindi mo dapat pansinin para hindi ka madamay sa masalimuot na buhay ng iba. Kung ano ang kasalukuyan mong ginagawa, ‘yon ang pagbutihin mong gawin upang ang suwerte at magandang kapalaran ay mapasa iyo.  Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 5, 7, 24, 29, 32, 41.

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Iiral na naman ang mapanuri mong ugali. Kahit ang maliit na pagkakamali ay kitang-kita mo at pinalalaki mo. Kung ilalantad mo sa iba ang mga pagkakamaling ito, marami na namang maiinis sa iyo. Upang hindi na mapasok pa sa gulo, sarilinin mo muna ang lahat ng mali na nasa isip mo.Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 2, 14, 21, 33, 40, 43.

 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) – Ang iba kapag niyayakap ng kapwa niya ay maligaya na, pero ang sa iyo ay kakaiba. Yayakapin ka ngayon ng suwerte at magandang kapalaran. Kung mag-iipon ka, marami kang maiipon bago ka pakawalan ng suwerte na yayakap sa iyo. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  6, 11,  25, 34, 41, 44.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  – Muli na namang lalabas ang tinatago mong tapang kaya maging ikaw mismo ay magugulat dahil ang mga kagustuhan mo at mga pinaplano ay biglang magkakaroon ng katuparan. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  9, 15,  18, 21,  33, 45.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi pa rin magbabago, dahil patuloy pa ring nakatanglaw sa iyo ang mata ng langit. Kaya kahit na medyo magastos ka, ang dating ng suwerte at magandang kapalaran ay tuloy-tuloy pa rin, kaya naman mangangati na naman ang paa at kamay mo para mag-shopping.Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   3, 15, 19,  31,  37, 42.

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Magkahalong saya at lungkot ang mararanasan mo ngayon. Masaya ka dahil unti-unti mong nakikita ang katuparan ng pangarap mo na may kaugnayan sa materyal na bagay. Malungkot ka dahil habang lumalapit ang Kapaskuhan lagi mong nami-miss at naaalala ang mga taong napamahal na sa iyo.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 1, 9, 20, 23, 34, 41.

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Tapikin mo ang pisngi mo kapag nakadama ka ng kalungkutan at sabihin sa sariling “Ito nama’y lilipas din!” Kapag nawala na ang lungkot, kasunod nitong lulukob ang suwerte at magagandang kapalaran sa iyong pagkatao.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  7, 18, 21, 27, 31, 42.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maraming sagabal sa mga gusto mong gawin. Madali lang naman ang solusyon na nagsasabing ang bawat gusto mong gawin at nais mong mangyari ay wag mo munang ikuwento kahit kanino. Ikaw lang muna ang dapat makaalam ng iyong plano. Kapag nagawa mo yan, mangyayari at matutupad na ang lahat ng gusto mong gawin. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 4, 19, 25, 28, 34, 44.

1 COMMENT

  1. hindi kagandahan ang aking horoscope ngaun yun cnancer meron daw mawawala ayokong mawalan mas gusto ko ang magkaroon kesa mawalan mahal ko ang aking mga mahal sa buhay mas gugustuhin kong manatili cla sa aking buhay kahit mahirapan ako basta and2 cla sa tabi ko ayokong maiwan mag-isa kahit pa sabihin nyo meron kapalit mas gugustuhin ko cla kasama…..hindi sana akin ang horoscope ngaun maghihintay ako ng magandang horoscope……

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here